Chapter Twenty Six

58 3 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS




















Ilang gabi narin akong nagbabantay kay Lance. Ito kasi ang hiniling ko kay Mrs. Anderson. Hiling ko na kung pwede ako ang magbantay sa kanya sa gabi hanggang madaling araw.


Agad naman siyang sumang-ayon dahil napansin din niya na ilang akong pumunta sa tuwing andun si Mr. Anderson at sila Brenda.


Nilubos ko narin ang magbabantay sa kanya dahil sembreak naman. At limang araw nalang at tapos na ang isang buwan na sinasabi nilang paghihintay sa paggising ni Lance.


Ilang araw ko nalang pala siyang makakasama. Kahit masakit ay kailangan kong tanggapin dahil para naman ito sa taong mahal ko.


Naipaliwanag din mabuti sa akin ni Mrs. Anderson ang lahat. Mananatali lang pala sila sa spain hanggang sa tuluyang magising at makarecover si Lance. Pagkatapos nun ay agad din silang babalik dito.


Wala akong ibang ginawa kundi ang pakatitigan si Lance buong gabi. At kausapin ito. Hindi naman ako magsasawang gawin iyon. Basta magising lang siya.


“Medyo nangangayayat kana. Hindi mo ba namimiss ang pagkain sa paborito mong restaurant. Nasabi sa’kin ng mama mo. Paborito mo daw ang beef steak. Hmmm.. mukha ngang masarap yun. Kaya gising kana oh. I-date mo naman ako. Tapos kain tayo ng paborito mong foods.”


Pagkatapos ko siyang punasan ay agad akong umupo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.


“Sobrang daming tao ang nakakamiss sayo. Lalo na ako. Sobrang miss na miss na kita Lance.”


Hindi ko naman napigilan hindi maluha. Sa tuwing maaalala ko kasi kung gaano ko siya namimiss. Ay ganun din ang lungkot at sakit na nararamdaman ko.


“Please. Gumising kana Lance.”


Bulong ko sa kanya pagkatapos ay hinalikan ko siya sa noo.



Mag-aalas tres na ng umaga nang naisipan kong lumabas para sana bumili ng kape.


Pagbukas ko ng pintuan ay laking gulat kong makita si Mr. Anderson na nakatayo sa tapat ng pintuan ng private room ni Lance.


“G-good Evening Po.”


Hindi agad ito umimik. At nakatitig lamang ito sa akin. Hindi ko naman maintindihan ang sobrang kaba ko sa pagtitig niya sa akin.


“I need to talk to you.”


“Sige po.”


Pagkasagot ko sa kanya ay agad akong sumunod sa kanya. Hindi napansin na sa parking lot pala kami tutungo. At nasa tapat kami ng kanyang sasakyan. Agad naman siyang pinagbuksan ng pintuan ng driver niya.


“Hop in. We will talk somewhere private.”


Hindi na ako sumagot at umupo nalang sa passenger seat sa tabi ng driver. Wala nagsasalita sa amin hanggang sa makarating kami sa isang chinese restaurant di kalayuan mula sa ospital.


Sumunod lang ako sa daddy ni Lance na pumasok sa isang private room sa loob ng restaurant.


“Have a sit.”


Umupo lang ako ng walang imik. At paminsan minsan ay tumitingin kay Mr. Anderson.


“Anything you want to eat?”


“Tubig lang po Sir. Hindi po ako gutom.”


Tumingin lamang siya sa akin at sinabi sa waiter na bigyan ako ng tubig. Sa sobrang kaba ko kasi. Parang hindi ko maaatim kumain, lalo pa sa harapan ni Mr. Anderson.


Kitang kita mo kasi sa kanyang anyo kung gaano ito kastrikto. At kung gaano ito nakakasindak. Kaya naman para akong hindi mapaanak na pusa sa kaba habang kaharap ito.


Napatingin lang ako sa kanyang ng tumikhim ito at nag-umpisang magsalita.


“I think you already know about Lance condition. And the family’s decision.”


“Opo. Alam ko po ang tungkol dun.”


“Good. Atleast i don’t need to waste more time explaining.”


Hindi naman ako umimik. Nararamdaman kong may gusto itong sabihin na hindi ko magugustuhan. Nararamdaman ko rin na may iuutos siya sa akin.


Nang muling magbalik sa akin ang tingin ni Mr. Anderson. Hindi ko alam kung anu pa ang dapat kong maramdaman bukod sa kaba at takot.


“Whether he woke up or not. We will brinh him in Spain. I want Lance to really move on from what happen. I want him to build his new self. And change everything of his past. Including you.”


Para naman akong sinaksak ng ilang milyong kutsilyo sa dibdib sa mga sinabi ni Mr. Anderson. Nag-eeko parin sa aking pandinig ang lahat ng salitang sinabi niya. Lalong lalo na ang huling salitang sinabi niya.


Hindi ko narin naiwasan hindi maluha dahil sa lahat ng iyon. Bakit pati ang bago palang namin sisimulan ay kailangan niyang kalimutan. Bakit kailangan nilang gawin ‘to samin.


Hindi ko na nagawang magsalita o tumingin manlang sa papaalis na si Mr. Anderson. Pagkatapos kasi ng sinabi niya ay tumayo na rin ito at umalis.


Kaya naman naiwan akong wala sa sarili. Nang susubukan ko nang tumayo muntik na akong matumba dahil sa panginginig ng tuhod ko. At dahil narin para akong pinanghinaan ng loob sa lahat ng narinig ko.


“Ma’am okay lang po kayo.”


Tanong sa akin ng waitress na malapit sa akin ng tumayo ako para umalis.


“Okay lang ako.. salamat.”


Hindi ko na nilingon pa ang waitress kahit narinig ko pang tinawag ako nito. Nagpatuloy na akong umalis at naglakad na hindi alam kung saan pupunta.


Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi iniinda ang mga nakakabangga sa aking tao sa paglalakad ko. At ang mga luhang walang humpay na pumapatak sa mula sa aking mga mata.


Hindi ko na din ininda ang biglang pagbuhos ng ulan. At patuloy parin ako sa paglalakad. Hanggang sa hindi ko namalayan na napadpad na ako sa isang play ground.


Naupo ako sa swing na nakita ko. At mas napahagulgol ako ng iyak. Hindi ko alam pero parang dinurog ng paulit ulit ang puso ko. Masakit. At mas lalong sumakit sa tuwing maaalala ko ang sinabi ng Daddy ni Lance.


“Bakit. Bakit kailangan ganito.!!”


Sigaw ko habang kasabay ang mga luhang walang humpay na pumapatak. Kasama ang matinding sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko.


Halos hindi ko narin napansin na tumila na pala ang ulan. Pero andito parin ako. Hindi umaalis sa kinauupuan ko. Tumigil man ang mga luha ko sa pagiyak. Pero hindi ang sakit sa puso ko.


Pakiramdaman ko tuluyan na talaga akong maiiwan magisa. At yun ang kinatatakot ko. Dahil sobrang sakit na ang maiwan ng dalawang taong minamahal mo. At isunod pa ang taong alam mong minamahal mo na.


“I’ve been looking for you everywhere. Dito lang pala kita makikita.”


Napapitlag naman ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. At ng magtaas ako ng mukha mula sa pagkakayuko. Ay nakita ko agad ang gwapo at nakangiting si James Matthew.


“You really look a mess.”


Nakangiting sambit nito. Habang ibinalot niya sa aking ang suot niyang jacket.


“But, you still look beautiful.”


Sambit niya muli habang nakaluhod sa akin at nakatingin sa aking mukha. Hindi naman ako nagbigay ng kahit anung ekspresyon sa kanya. Kaya naman nakitaan ko siya ng biglang pag-aalala.


“Lets go. I need you to bring home. A-and i have to tell you something.”


Hindi ko alam kung bakit may naramdaman na naman akong kaba. At nang tingnan ko si James Matthew nakita kong may konting lungkot sa mga mata niya.


“M-may n-nangyari b-ba?.”


Kahit nanginginig ay sinubukan kong magsalita at magtanong sa kanya. Agad naman hinawakan ni James Matthew ang balikat ko at sinusubukan akong alalayang tumayo mula sa pagkakaupo ko sa swing.


“I’ll tell you later. But first, i need to bring you home. Baka magkasakit ka pa kapag mas nagtagal tayo dito. Masyado kanang nabasa ng ulan. Please Ally. Lets get you home.”


Wala naman sa sariling tumayo narin ako. Pero nang makatayo ako ay naramdaman kong walang lakas ang tuhod ko. Kaya nabuwal ako. Pero agad naman akong naalalayan ni James Matthew.


“Looks like you are out of strength. I hope you don’t mind if i carry you.”


Agad naman akong napatingin kay James Matthew.


“H-hindi na. Kaya kong maglakad.”


“Are you sure.”


“Oo. T-tara na.”


Nangsinubukan kong lumakad ay hindi ko talaga kaya. Kaya naman bago pa ako makahakbang ay hindi ko na naramdaman na bigla na pala akong binuhat ni James Matthew.


“I told you. You’re out of strength.”


Wala na akong nagawa kundi hayaan nalang ang pagbuhat ni James Matthew dahil alam kong wala narin akong lakas para sawayin siya.


Tahimik nalang akong nakahawak sa sa kanya at nagpatuloy na siyang maglakad patungo sa kotse niyang nakaparada sa may di-kalayuan mula sa play ground na pinuntahan ko.


Nang maiupo niya ako sa passenger seat. Hindi ko naman maiwasan hindi mamula ng maramdaman na sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Dahil narin sa inayos niya ang seat belt ko.


Hindi naman naiwasan ni James Matthew na mapahinto ng maramdaman din niyang ang lapit ng kanyang mukha sa akin. Nakita ko din kung paano niya pinigilan tumingin sa akin at nagmadali nang ayusin ang paglalagay ng seatbelt.


At nang maayos na niya ay agad naman niyang sinarado ang pintuan ng passenger seat. At habang papunta siya sa driver’s seat. Nakita ko kung paano siya napabuntong hininga.


“Let’s go.”


Sambit niya habang nakangiting tumingin sa akin. Tumango lang ako sa kanya.


Mukhang naramdaman ni James Matthew na wala akong lakas makipagusap. Kaya naman buong biyahe kaming walang imikan. At nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan niya.


“We’re here.”


Hindi ko narinig na nagsalita na pala si James Matthew at tumigil na ang sasakyan sa harap ng bago namin tinitirhan.


Simula kasi nang mangyari ang sunog at nasunog lahat ng meron kami. Si James Matthew at Mrs. Anderson na ang tumulong sa amin. Nasabi ni Mrs. Anderson na tinawagan siya ni Lance na kailangan namin ng matutuluyan. Kaya naman bago pa man maaksidente si Lance ay naihanda na ni Mrs. Anderson ang titirhan namin.


Kaya naman dito kami nakatigil ngayon sa isang condominium na pag-aari ng mga Anderson.


“Ally,”


Napapitlag naman ako agad nang hawakan ako ni James Matthew sa balikat.


“S-sorry hindi ko narinig.”


Tinitigan lang ako ni James Matthew. Para bang inaalam niya kung may nangyari sa akin kaya ako nagkakaganito. Pero hindi ako nagpahalata sa kanya. Kaya naman pinilit kong ngumiti at itago ang lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon.



“S-sorry talaga hindi ko napansin na nakarating na tayo dito. Medyo antok din kasi ako.”


“Ally—”


Bago pa man siya muli magkapagsalita ay pinutol ko na ang sasabihin niya.


“M-mauna na ko sa loob. Salamat sa paghatid.”


Nang masabi ko iyon ay agad kong binuksan ang pintuan ng passenger seat. Pero bago pa naman ako tuluyan makababa dahil nanginginig parin ang mga tuhod ko at buo kong katawan. Ay narinig kong mabilis lumabas si James Matthew at mabilis na lumapit sa akin at inalalayan akong makababa ng sasakyan.


“Ihahatid na kita sa taas. Baka matumba ka pa. Okay lang ba?”


Alam ko na namang hindi ako mananalo kung makikipagtalo pa ako. Kaya naman tumango nalang ako. At nag-umpisa na kaming pumasok at sumakay sa elevator. Nasa 10th floor pa kasi ang condo na tinitirhan namin ngayon.


“A-ally,”


Napatingala naman ako kay James Matthew ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Pero hindi ako nagsalita kaya nagsalita na siyang muli habang nakatingin sa akin.


“I’ll pick you up tonight. M-may kailangan tayong puntahan.”


Hindi ko alam kung bakit parang sa bawat sasabihin at sinasabi ni James Matthew ay nakakaramdam ako ng malakas na kaba.


Pareho kaming napatingin ng bumukas ang pinto ng Elevator mula sa 5th floor. Nakita namin ang isang magandang babae. Para itong isang model sa ganda ng mukha at ganda ng pangangatawan.


Nagulat naman kami ng bigla itong magsalita na napalakas pa.


“Anu ba naman Lovers na naman.!!!”


Kaya naman nagkatinginan kami ni James Matthew at lumayo ako ng kaunti sa kanya kahit medyo naramdaman kong tutumba ako kapag humakbang ako.


Narinig ko naman nagsalita si James Matthew dahil na rin siguro nailang ito sa ginawa kong paglayo.


“Excuse me. Are you coming in?!”


Medyo may konting inis sa boses niya ng tanung ang babae. Dahil nakaharang lang ito malapit sa pinto ng elevator.


“N-no. I hate seeing sweet lovers.!!”


Yun lang ang sinabi ng babae at lumakad ito palayo mula sa elevator. Mukhang pabalik siya sa kanyang condo. Kaya naman napailing nalang si James Matthew. At narinig kong may ibinulong ito.


“She never change.”


Nagtaka naman ako sa narinig ko. Napaisip tuloy ako na baka kilala niya ang babae. Pero hindi na ako nagtanong kahit parang nacurious din ako. Dahil hindi naman masasabi ni James Matthew ang mga iyon kung hindi niya kilala ang babae.


Nang marating namin ang 10th floor. Agad akong inalalayan ni James Matthew palabas kahit medyo nailang pa ako dahil naalala ko ang sinabi nung babae kanina. Akala niya kasi lovers kami ni James Matthew. Kaya naiilang na tuloy ako.


“Don’t forget. I’ll pick you up tonight.”


Sambit ni James Matthew. Nang makarating kami sa harap ng pinto ng condo namin. Kaya naman tumango nalang ako sa kanya.


“Allynna. Anung nangyari sayo. Bakit basang basa ka.?”


Nagtatakang tanong ni Tiya. Simula kasi ng ilabas namin siya sa ospital mula sa first degree burn at suffocation mula sa sunod sa bahay. Ay nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Mas naging mabait na sila sa akin ngayon.


Pero minsan hindi parin ako makapaniwala sa mga ikinikilos nila. At ang pagbabago nila.


“A-ah. Tiya. Nabasa lang po ako ng ulan. Kasi may pinuntahan ako. Nakalimutan ko pong magdala ng payong.”


Napansin kong napatingin naman si Tiya kay James Matthew na may pagtatanong. Pero ngumit lang si James Matthew.


“Dali na. Pumasok na kayo at maligo ka kaagad. Baka lagnatin ka pa.”


“Opo. Sige po.”


Agad naman akong tumingin kay James Matthew upang magpaalam.


“Salamat sa paghatid.”


“No worries. Just remember i’ll pick you up tonight.”


Tumango lang ako sa kanya. At nagpaalam na din siya sa tiya ko at umalis na.

















LadyCovetStories ♡

Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon