Chapter Eleven

70 4 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS
"The Aquaintance Night"

Mabilis lumipas ang mga araw mula ng unang araw na lumabas sina Allynna at Lance.


Pagkatapos kasi ng mga text na iyon ni Lance kay Allynna,
Ay hindi na ito nagparamdam sa kanya, ni hindi niya ito nakikita sa loob ng unibersidad.
Hindi rin ito sumasagot sa mga text at tawag ni Allynna.


Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may kung anung kaba at pag-aalalang nararamdaman si Allynna para kay Lance.

Habang naglalakad si Allynna sa hardin kung saan siya palaging pumupunta ay bigla siyang nakakaramdam ng lungkot.
Dahil narin sa hindi rin niya nakikitang pumupunta si Lance sa hardin na iyon.

"Ano na kayang nangyari sa kabute na yun. Bakit hindi ko ata siya makita kahit saan."

Napabuntong hiningang sabi ni Allynna sa sarili habang naglalakad sa hardin.

Naupo na si Allynna sa pwesto kung saan palagi niyang nakikitang nakahiga si Lance at nakatingin lang sa langit. Sinubukan naman ni Allynna na humiga upang malaman kung anung nakikita ni Lance sa tuwing nakatingin ito sa parteng iyon ng kalangitan.

Habang pinagmamasdan ni Allynna ang kalangitan, ay napuna niya ang hugis ng mga ulap duon sa parteng iyon. Kay ganda pala ng kalangitan sa parteng iyon. Kaya pala madalas ang paghiga ni Lance sa parteng iyon.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may biglang dumungaw kung saan nakatingin si Allynna.

"Ay kabayong bastos."

Gulat na sigaw ni Allynna.

"Hi Ally, missed me,"

Nakangiting sambit ni Lance kay Allynna.

"Miss ka dyan. Kabute ka talaga,"
nakangising sabi ni Allynna sa kanyang isipan.

"Oh baka naman matunaw na ko sa pagkakatitig mo."

Sambit ni Lance habang umupo sa tabi ni Allynna.

"Sana nga matunaw ka na lang. Pinaglihi ka talaga sa kabute, ano.."

"Ha,"

"Ah wala. Sabi ko bakit ngayon ka lang ata nagpakita."

"Bakit namiss mo ba ko."

Hindi maintindihan ni Allynna ang nararamdaman pagkasabi na iyon ni Lance.

"Hindi ahh. Bakit naman kita mamimiss, hmm"

"Sige na aminin mo na..
You missed me right,"

Nang-aasar at mala-anghel na ngiti ni Lance habang sinasabi ito kay Allynna.

"Hay naku, manigas ka dyan. Bakit naman kita mamimiss. Dyan ka na nga.."

Pagkasabi na iyon ni Allynna kay Lance kay bigla na siyang tumayo at sinubang umalis, pero hindi niya inaasahan na hihilahin siya ni Lance at nabigla siya sa ginawang paghila sa kanya ni Lance.
Dahil narin sa bigla siyang niyakap ni Lance.

Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon