Chapter Fifty

61 1 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS

Chapter Fifty.




Hindi na ako napakali dahil kalahating oras na ang lumipas pero hindi parin tumatawag si Lance. Mas lalo akong hindi mapalagay dahil pakiramdam ko ay may nangyari nang hindi maganda. Nararamdaman ko narin nanginginig ang aking katawan dahil sa takot na baka kung napano na ang anak ko.



Palakad lakad lang ako sa may salas dahil hindi ko kayang maupo lang habang naghihintay. Pinapasok ko narin si Larry sa kwarto niya para kung sakaling dumating si Lance ay hindi gaanong mag-alala si Larry.



Nang sinubukan ko muling tawagan si Lance ay nakarinig ako ng pagbukas ng gate. Agad akong tumakbo palabas dahil iniisip ko na baka si Dad na ang dumating. Halos magkatisod-tisod ako ng tumakbo palabas. Nahinto lang ako ng mapagtanto kong hindi sasakyan ni Dad ang dumating kundi kay Lance.



Nagtataka naman ako kung paanong bumukas ang gate kung nasensore nito na iba ang sasakyang papasok. Pero nawala lahat ng pagtataka ko ng makita ko ang itsura ni Lance. Kitang kita sa mukha nito na may hindi maganda itong ibabalita. Kaya halos mawalan ako ng balanse sa nakikita at nararamdaman ko mula sa presensya niya.



"W-where is Lucy?"



Hindi nagsalita si Lance habang nakakatitig lamang sa akin. Maraming pagtatanong akong nakita sa mga mata niya pero hindi ko maintindihan kung anu ang mga iyon, Dahil naka-focus ang utak ko sa anak ko na hindi pa umuuwi hanggang ngayon.



"Lance tell me. Where is Lucy?"



Hindi parin siya kumikibo. Kaya naman mas lalong hindi naging maganda ang pumasok sa isipan ko at mas lumaki ang kabang nararamdaman ko. Agad ko siyang hinawakan sa kanyang braso at hindi ko na napigilan maging hysteric.



"L-LANCE PARANG AWA MO NA SAGUTIN MO NAMAN AKO!"



Mukhang sa pagsigaw ko at pag-iyak ay doon lang natauhan si Lance. At napatingin sa akin.



"Lance nasaan si Lucy?!"



"Ally let's talk inside."



"Hindi, Just tell me. Where is my child?!"



Nakita kong may ibang tingin na ibinigay si Lance sa akin na hindi ko makuha ang kahulugan pero nararamdaman ko na may galit sa titig na iyon. Kung anu-ano na ang pumasok sa aking isipan na mas lalong nagpapalala sa pag-aalala at sa aking kaba.



"L-Lance please. Just tell me where is Lucy?"



Hinawakan ako ni Lance sa magkabilang balikat. Bago siya muling nagsalita.



"Ally, we need to talk inside."



Tinabig ko ang pagkakahawak niya sa aking braso ng muli akong sumigaw.



"LANCE SINABI KO NA DIBA! SABIHIN MO MUNA SA AKIN KUNG NASAAN ANG ANAK KO. MAY NANGYARI BA? BAKIT HINDI MO BA MASABI NGAYON SA AKIN?! NASAAN ANG ANAK KO!!!"



"L-Lucy is missing."



Nanlaki ang mga mata ko at walang humpay umaagos ang aking mga luha dahil sa narinig kong sagot niya sa tanong ko.



"A-anong ibig mong sabihing nawawala si Lucy? Lance stop this nonsense."



Nakita kong napahilamos si Lance sa kanyang mukha gamit ang kanang palad niya. Bago muling tumingin sa akin.



Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon