BACK TO EACH OTHER ARMS
Habang naglalakad ako sa may eskinita papunta sa bahay namin ay may naaninag akong anino ng taong nakasunod sa'kin.
Biglang bumilis ang tibok nang puso ko. Medyo malayo layo pa kasi ang lalakarin ko papasok sa bahay namin.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng mas naaninag ko ito na mas papalapit sa akin.
Mama, Tiyo, guide me please...
Paulit ulit kong sambit sa aking isipan, hanggang sa napasigaw at napapikit nalang ako nang biglang may humawak sa balikat ko.
"MAMA,!!!"
"Hey, its me James Matthew."
"Bakit ka naman kasi nanggugulat ka,"
Kinakabahang nasabi ko yun sa kanya at sabay tapik sa braso niya.
"Sorry if i scare you. I just wanna give this. How will you call me or text me, If naiwan mo 'to sa car ko."
"Ah. Pasensya na. Thanks."
"Sabi ko naman kasi sayo ihahatid na kita. What if ibang tao yun sumunod sayo."
Halatang halata ko sa tono nang pagsasalita niya ang pag-aalala sa akin. Kaya nahiya tuloy ako. At hindi nakasagot sa sinabi niya.
"So, hatid na kita."
"Okay sige na nga. Tutal andito kana rin naman."
"Good. Atleast i don't have to worry. Diba,"
Napangiti nalang ako sa sinabi niyang iyon. Dahil narin siguro mas gwumapo siya nang ngumiti siya nang todo nang pumayag na akong ihatid niya ako hanggang sa bahay namin.
Wala kaming imikan ni James Matthew habang naglalakad. Kahit pakiramdam ko ay napakarami niyang gustong itanong sa akin. At ganun din naman ako.
Marami akong gustong malaman. Maraming tanong na gustong mahanapan nang sagot.
Pero bakit pakiramdam ko rin. Ayokong magtanong, dahil natatakot ako sa katotohanang pwede kong malaman. Katotohanang pwedeng mas magbigay nang sakit sa puso kong nasasaktan na ngayon.
"We're here."
Nabali lang ang atensiyon ko nang masabi iyon ni James Matthew.
Hindi ko din napansin na nasa tapat na pala kami nang bahay ko. Dala narin siguro dahil lumilipad ang isip ko.
"Salamat sa paghatid."
"No worries, my pleasure to bring you home safe."
Ngumiti ako sa sinabi na iyon ni James Matthew.
"Sige na. Baka gabihin ka pa lalo. Salamat ulit."
"Okay. See you."
Nagulat ako sa biglang pagyakap na ginawa ni James Matthew. Hindi ko alam pero parang nailang ako. At sinubukan siyang itulak pero mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na ipinagtaka ko.
BINABASA MO ANG
Back To Each Other Arms
Romance((⇨All the stories of Lady Covet Stories written in English-Filipino..⇦)) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. This story is about the son and daughter of the member of MBC. (Multi-Billionaire-Corporation) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. A story of a simple girl Allynna Samonte who will...