Chapter Twenty Five

66 3 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS













Nang matapos na ang operasyon. Agad lumabas si Dr. Cloyde Martinez. Siya ang main surgeon sa operasyon ni Lance. Nagpaiwan naman ako saglit habang inaayos si Lance bago ilipat sa private room.


“Thank you. Salamat dahil hindi ka bumitaw. Pangako andito lang din ako para sayo. Hinding hindi rin kita iiwan Lance. I love you.”


Pagkasabi ko ng mga iyon ay hinalikan ko ang kamay niya at dahan dahan naglakad palabas ng E.R. Pitong oras din ang itinagal ng operasyon bago natapos.


Kaya wala na akong lakas na napabagsak sa sahig pagkabukas ko ng pintuan ng ER. Halos gulat na gulat naman napatingin sa akin sila Mr. And Mrs. Anderson. Habang kausap si Doctor Cloyde Martinez.


Patakbo naman lumapit sa akin si James Matthew. Para alalayan ako. Tinulungan din ako ng isang nurse para maitayo.


Habang inaalalayan ako ni James para makaupo sa upuan malapit sa ER, nakita ko ang pagdating ni Brenda. Na umiiyak at umayakap kay Mrs. Anderson.


Agad naman bumaling ang tingin ko sa pintuan ng ER. Dahil inilalabas na mula duon si Lance. Agad naman sumunod si Doctor Cloyde Martinez pati na ang magulang ni Lance at si Brenda.


Sa tanaw ko nalang sinundan si Lance habang dinadala sa private room. Wala na kasi akong lakas para tumayo at sundan ito. Pero hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ang mga luha ko dahil eto na naman sila walang humpay na naman sa pagluha.


“So you stay beside him the whole time.”


Hindi ako sumagot kay James Matthew dahil parang nawalan narin ako ng boses. At dahil nakakaramdam din ako ng tampo sa kanya sa paglihim ng nangyari sa akin.


Sinubukan kong tumayo para bumalik sa kwarto ko kung saan ako nakaadmitt. Pero para akong lantang gulay na biglang bumagsak. Pero agad naman akong nasalo ni James Matthew.


“Mind if i carry you. Hindi mo na kayang lumakad.”


Hindi pa man ako nakakasagot ay binuhat na ako ni James Matthew. At dinala sa kwarto kung saan ako nakaadmitt.


Naiwan nalang ang nurse at ako sa kwarto dahil kailangan akong linisan. Kahit gustuhin ko man maglinis magisa. Mukhang hindi ko kakayanin. Kaya hinayaan ko nalang ang nurse ang maglinis sa akin.


Narinig ko ang nurse na tinawagan si James Matthew para sabihin tapos na akong linisan. Ilang minuto lang pagkatapos ng tawag sa kanya ng nurse ay dumating na siya na may dalang pagkain at prutas.


“I bought some foods. You should eat even a little.”


Nakatingin lang ako sa kanya. Dahil wala talaga akong kalakas lakas na magsalita.


Umupo na sa tabi ko si James Matthew. Pagkatapos niya akong alalayan makaayos ng upo at isandal ng maayos.


Walang imik na sinubuan ako ng pagkain ni James Matthew. Hindi narin ako ng reklamo at inubos nalang ang pagkain.


Sa isipin kailangan kong maging malakas at lumakas agad para maalagaan si Lance. Kaya naman pinilit ko nalang kumain at itatak sa aking isipan na kailangan ako ni Lance. Kaya kailangan lumakas agad ako.


Wala parin imik si James Matthew hanggang sa matapos niya akong pakainin ng pagkain dala niya.


Nagsalita lang ito nang mapansin na nakatitig lang ako sa kawalan. Hindi ko alam na pinagmamasdan niya pala ako.


“You should sleep.”


Tumingin lang ako sa kanya saglit at itinuon na ulit ang titig sa sahig ng kwarto.


“I’m sorry Ally,”


Para naman akong sinaksak sa paghingi ng sorry ni James Matthew. Dahil naramdaman kong may galit ako para sa kanya. Dahil sa paglilihim niya. Dahil sa hindi pagsabi sa akin ng nangyari kay Lance at ang pagsisinungaling niya tungkol sa Tiya At Pinsan ko.


Bigla kong naalala ang tungkol sa kanila. Nasaan nga ba ang tiya at pinsan ko. Nagbaling ako ng tingin kay James Matthew hindi pa man ako nagsasalita ay mukhang alam na nito ang gusto kong itanong sa kanya.


“Your Auntie and Cousin are safe. Kakalabas lang nila sa ospital at sa condo na sila nakastay ngayon.”


Hindi ko magawang magsalita dahil sa nararamdaman ko. Kaya matagal lang akong nakatitig kay James Matthew.


“A-about Lance—”


Hindi ko alam kung bakit biglang may lumabas na salita sa bibig ko kasabay ng mga luha ko.

Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon