Chapter Thirty

81 3 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS

















Hindi ko na namalayan na masyado palang mabilis lumilipas ang mga araw. Hindi ko din napansin na ganun din kabilis ang paglaki ng anak ko sa sinapupununan ko.


Anim na buwan na siya sa sinapupunan ko. Anim na buwan narin ang nakalipas simula ng umalis si Lance.


Pero bakit parang kahapon lang ang lahat ng nangyari. Ganun din sa pakiramdam ko. Bakit parang hindi nawawala ang sakit ng pag-alis niya.


Pati narin ang pangungulila ko sa kanya. Madaming tanong parin ang hindi nawala sa isipan ko. Ang mga pag-aalala. Pati narin ang pangambang babalik pa ba siya sa akin o sa amin ng anak niya.


“Something bothers you?”


Agad naman akong napalingon kay James Matthew na kasama ko ngayon dito sa ospital. Eto kasi ang araw ng ultra sound ko para malaman namin ang gender ng anak ko.


Umiling naman ako at ngumiti sa kanya. Hindi ko narin magawang magtanong palagi kay James Matthew ng tungkol kay Lance. Dahil kahit siya walang makuhang balita tungkol sa mga anderson.


O kahit pa kay Brenda. Mukha kasing pinutol lahat ni Mr. Anderson ang koneksyon tungkol sa kanila at sa pagpapagaling ni Lance. Kahit kasi sa dyaryo walang balita tungkol sa kanila.


“I-I’m sorry Ally, until now wala parin akong nakukuhang balita, i know that’s what you think. I even used a private investigator. P-pero wala parin.”


“Anu ka ba, wala yun. Naiintindihan ko naman.  Baka para kay Lance ang ginagawa nila. Intindihin nalang natin.”


Kahit masakit para sa akin ang sabihin iyon. Ay binalewala ko nalang. Siguro nga kailangan ko din intindihin na baka ito narin ang makakabuti para sa akin at lalong lalo na kay Lance.


Pareho naman kaming napatingin sa nurse na tumawag sa amin para sabihin kami na ang nakaschedule para sa check up.


“Let’s go.”


Tumango lang ako kay James Matthew at humawak sa kamay niya na inaalalay sa akin para makatayo mula sa pagkakaupo.


“Good Morning Mr. Williams and Ms. Samonte.”


“Good Morning Too. Ms. Alarcon.”


“Ikaw talaga J.M masyadong formal.”


“Kayo po kaya ang masyadong formal.”


“See. Kung makapo ka sa akin para naman ganun kalayo ang edad natin sa isa’t isa.”


Napapangiti naman ako sa paguusap ng dalawa. Ngayon ko lang kasi sila nakitang ganito mag-usap. Paano kasi kapag magpapacheck up ako. Ay ihahatid lang ako dito ni James Matthew at susunduin nalang kapag natapos na.


Kaya naman nakakapanibagong makitang ganito sila. Isa pa hindi ko alam na halos konti lang ang agwat sa edad nila.


Pero anu pa bang ipagtataka ko. Sa sobrang ganda at ganda ng pangangatawan ni docktora Alarcon. Hindi nakakapagtaka na bata pa ito. Pero ang nakakamangha ay ang makitang ganito na ang propesyon niya sa ganung edad.


“Ms. Samonte. Too much in your mind. Mind if you want to share it.”


Nakangiting pagpansin sa akin ni doktora Alarcon.


“Pasensya na po.”


“O isa ka pa. Mind if you cut it off the po. And also call me Trish. Besides as you can here, hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin.”


Bigla tuloy akong nahiya dahil dun kaya naman tumango nalang ako.


“Okay, mind if you leave us J.M.”


Agad naman ngumiti si James Matthew at iniwan na kami ni Doktora Alarcon.


“Ang bilis talagang lumipas ang panahon. Parang kailan lang we were having check up on your baby. Kasi naglilihi ka pa. Now, we will going to find out the gender.”


“Oo nga po—i mean. Oo nga.”


“Akala ko itutuloy mo parin ang pakikipag-usap sa akin na may pag-po.”


“Sorry.”


“No. It’s okay. Makakasanayan mo rin yan. And i prepare you just call me Trish. Instead of doktora. Masyadong nakakatanda yun. And beside, we can treat each other as friends.”


“Sige. Salamat Trish.”


“Thats better to hear. So lets start.”


Agad naman hinawakan ni Trish ang tiyan ko at kinausap ang anak ko.


“O, baby. Its time to know your gender. So don’t be shy to show it.”


Napangiti naman ako kay Trish. Medyo hindi na ako nahihiya sa kanya. Hindi tulad ng mga nakaraang check up ko.


“Ms. Samonte—”


Pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil tulad niya parang nailang ako na tawagin niya ako sa ganong pormal na pagtawag.


“Ally nalang Trish. Mas okay siguro yun.”


Agad naman siyang ngumiti sa akin


“Ah yeah. Right. And it’s sounds better.”


Tumango naman ako sa kanya. At nilalayan na niya akong humiga sa hospital bed na nasa loob ng ultra-sound room.


“Ready.”


Tumango agad ako sa tanong niya. At nag-umpisa na siya sa ginagawa niya.


“Can you hear it.”


Bigla naman akong naluha ng marinig ang heart beat ng anak ko. Parang hinaplos nito ang puso ko. Masaya sa pakiramdam at pandinig.


Pero may isa pang nakapagpasaya sa akin dahil hindi lang isa ang heart beat na naririnig ko ngayon kundi dalawa. Lalo nang tumulo ang mga luha ko.


“Congratulations Ally, you will be having twins. And its a girl and a boy.”


Hindi naman ako nakasagot kay Trish. Dahil walang humpay ang kaligayahan ko sa narinig ko mula sa kanya. At ang mga luha ko. Naguunahan ito sa pagpatak. Pero luha ito ng kaligayahan.


Nang lumabas kami ng ultra-sound room. Ay nakita kong nakaupo na si James Matthew sa may malapit sa table ni Trish.


“Looks like, you better take care her very well. I mean double it.”


Nang tingnan ko ang itsura ni James Matthew ay halatang nagtataka ito.


“Is there something wrong?”


Agad siyang tumingin sa akin at kay Trish.


“Wala naman. Stop over reacting, J.M.”


“Hmmm”


Tumingin naman si James Matthew sa akin na nagtatanong ang mga tingin na iyon. Kaya agad akong ngumiti. Pero dahil sa nakita niyang may luhang pumatak mula sa mga mata ko. Agad niya akong nilapitan at hinawakan sa aking kamay.


“What’s wrong, may nangyari? I-I mean—”


Pero bago pa siya maghisterical dahil mukhang duon na siya papaunta. Ay pinutol na ni Trish ang sasabihin nito. At tinapik ito sa balikat.


“Kahit kailan talaga over-reacting ka. Just have sit first. And i’ll tell you the good news.”


Tumango lang ako kay James Matthew habang inalalayan niya akong maupo.


“She’s having a twins.”


Agad nanlaki ang mata ni James Matthew at walang humpay na taas babang napatingin sa akin at sa tiyan ko.


Natawa naman kami pareho ni Trish sa kinakto niya. Para talagang siya ang ama ng anak ko. Kung titingnan ang reaksyon niya.


Kaya naman agad kong hinawakan ang kanyang kamay. Dahil sa totoo lang, napakarami kong dapat ipagpasalamat sa kanya. Dahil palagi siyang andyan para sa akin.


Kung pwede nga lang na siya nalang ang mahalin ng puso ko. Ay matagal ko nang ginawa yun. Dahil hindi naman siguro siya mahirap mahalin. Pero paano ko pipilitin at didiktahan ang puso kong may una nang minahal.


“A-ally, why are you crying?”


Nagulat naman ako sa sinabi ni James Matthew. Kaya agad kong hinawakan ang pisngi ko. Ata naramdaman kong basa na naman ito. Umiiyak nga ako.


Kaya umiling ako sa kanya at pinahid ang mga luhang iyon. Bago nagsalita.


“Wala ito. Tears of joy lang ‘to.”


Para namang hindi naniwala si James Matthew at kumunot pa ang noo niya habang tumingin sa akin. Kaya mas ngumit nalang ako para hindi niya mabasa ang iba pang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.


“So, as what i am saying. JM. You should take care of her double the last time. Dahil dalawa yung nasa tiyan niya.—”


Agad naman tumango si James Matthew. Habang bumaling naman sa akin si Trish.


“And you Ally. You have to be more careful this time. Also you have to take care of yourself very well. Hindi biro ang magdala ng twins. Kaya be careful more. And if may nararamdaman kang kakaiba. Or any pain. You should call me right away. JM already assign me as your doctor and as your obgyne. It’s also my responsible to be there in your need.”


“Okay, Thank you. Salamat talaga Trish.”


“No need to thank me. I chose this profession. And i love it. So it’s my job to look after my patient, and a friend of a friend of mine—”


Ngumiti naman ako sa sinabi ni Trish.


“And, you should thank more, this guy here. Siya ang mas nag-aaalala sayo at nag-effort to make you—”


“Trish!”


Hindi na natapos si Trish sa sinabi niya dahil tinawag bigla ni James Matthew ang pangalan niya na para bang pinigilan ito sa susunod pa niyang sasabihin.


“Fine J.M..”


Napangiti naman ako dahil para silang bata ng magkatinginan. Na para bang may itanatagong sikreto.


Nabali lang ang atensyon naming lahat ng biglang tumunog ang phone ni James Matthew. Agad naman niyang tiningnan kung sino ang caller niya.


“E-excuse me. Ladies. Got to answer this.”


Agad naman akong tumango. At agad din namang ngumiti si Trish kay James Matthew kaya nagmadali na itong lumabas at naiwan kami ni Trish sa office niya.


“You’re lucky to have someone like him.”


Nagulat naman ako sa sinabi na iyon ni Trish. Pero kahit saan ko tingnan. Ay tama naman siya sa sinabi niya. Dahil kung wala si James Matthew sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano malalampasan ang lahat ng ito.


“He always like that. Sobrang maalaga. Sobrang mabait. Thats why i think he’s every woman’s ideal man.”


Hindi naman ako makasagot kay Trish. At alam kong napansin niya ‘yon. Kaya naman nagpatuloy lang siya sa sinasabi.


“But problem is. Masyadong torpe. Kaya tuloy nauunahan ng iba.”


Natatawa namang kwento ni Trish. Kaya napangiti ako.


“Ally, i know what’s happening. Alam ko din ang pinagdadaanan mo—”


Napatitig lang ako kay Trish at hindi parin makasagot.


“L-Lance is my cousin.”


Halos nanlaki ang mga mata ko. At nag-uumpisang manginig ang katawan ko. Hindi ko alam kung bakit. At hindi ko din maiwasan ang pakiramdam na gusto kong magtanong sa kanya. Madami akong gustong malaman. Pero parang pinanghihinaan ako ng loob.


“I also know that he was the father of your twins.”


Agad naman akong napakapit sa kamay niya na ikinagulat niya. Hindi ko alam dahil sa sinasabi niya nakaramdam ako ng takot at kaba. Hindi ko naman maintindihan bakit ito ang nararamdaman ko ngayon.


“P-please w-wag mong i-ipapaalam sa k-kanila—”


Hindi ko na napigilan ang mga luha ko habang nakatitig ako sa kanya.


“Wag kang mag-alala Ally, hindi ko gagawin yun. At alam ko rin wala akong karapatan panghimasukan ang mga buhay niyo. Kaya makakaasa kang hindi ito makakarating sa kanila.”


“S-salamat.”


“Sa totoo lang. Nahihiya din ako sa ginawa nila sayo. Lalo na si Uncle. I can’t understand why he had to do it.”


Ikinagulat ko parin na parang ang dami niya alam tungkol sa akin at sa amin ni Lance. Kaya naman nagbaba ako ng tingin sa sahig.


“Yes. What you think is right.”


Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya dahil tama nga ako. Madami siyang alam. At nabasa niya agad ang naiisip ko.


“I know many things about you and Lance. Dahil i was a friend of JM and my cousin.”


Oo nga naman. Madami siyang malalaman dahil pinsan niya ang invovle.


“Nakwento sa akin ni JM ang nangyari the day he rush here in the Hospital from the airport. Dun ko mas nalaman ang nangyari. Thats why i also tried to help JM to get information about Lance. A-and also JM ask me to keep eveything. Kahit pa ang pagchecheck-up ko sayo. Kaya hindi ka dapat mag-alala tungkol sa bagay na ‘yon.”


“S-salamat. Hindi ko—”


“No need to thank me. As i told you. JM is really a good friend. Thats why its nothing if he asked for help. Kaya lang tulad niya i can’t get so much information on what’s happening to them. I even tried to call Aunt Lucille. Pero she’s no where to contact.”


Wala akong lakas magsalita. Kaya naman patuloy lang ako sa pakikinig sa kanya. Hindi ko narin naiwasan mag-iyak. Kaya agad siyang lumapit sa akon at hinagod ang likod ko.


“Shhh.. i’m sorry. Masyado ata akong—”


Umiling-iling naman ako.


“N-no. Sobrang nagpapasalamat nga ako. D-dahil kahit papano alam ko na may mga taong tulad niyo.”


“Ally, we all know. You don’t deserve anything like this. We were very sorry. Dahil kahit ako na pamilya nila walang makuhang pwedeng makatulong sayo.”


“O-okay lang. S-sapat na a-akin na may mga taong h-handang tumulong s-sa’kin l-lalo na sa o-oras na ‘to.”


“Ally, remember we will always be here for you. Lalo na your caring a child. A family. And also i can be your family. Pamangkin ko kaya sila.”


Agad naman akong napangiti ng hawakan bigla ni Trish ang tiyan ko habang sinasabi iyon.


Hindi ko inaasahan na ganito ang pakiramdam na malaman na isa sa pamilya ni Lance ang nakakaintindi sa mga nangyayari at pinagdadanan ko.


Hinawakan ko naman agad ang kamay ni Trish. At nagpasalamat.


“Thank you.”


“Just remember to call me when you need help. Alam mo naman na hindi kita mahihindian. Lalo na ngayon na you’re carrying my lovely pamangkin.”


“I will.”


“Thats better. Stop that tears. Hindi matutuwa ang kambal kapag iiyak ka pa.”


Kaya naman agad akong nagpunas ng luha. At ngumiti kay Trish. Bago pa man makabalik si Trish sa Swivel chair niya ay bumukas ang pintuan ng office niya.


“Finally you’re back.”


“I’m sorry it’s an—”


Hindi naman natuloy ni James Matthew ang sasabihin niya dahil napatingin ito agad sa akin. Alam ko kasing napansin niya ang pagsinghot ko. At ang mata ko na kakatapos lang sa pag-iyak.


Kaya naman bago ito makapagsalita at magtanong agad kong narinig na nagsalita ulit si Trish.


“You should bring her home. It’s almost lunch time. She needs to eat. Alam mo naman na dalawa ang nasa tiyan niya ngayon.”


Agad naman nalumapit sa akin si James Matthew.


“Are you hungry? Anything you wanted to eat. We can go to restaurant now.”


Natatawa naman si Trish sa nakikitang kilos nito. Kaya nagkatinginan kami ni Trish. At tumango tango nalang ito sa akin. Kaya nag-umpisa na akong magpaalam kay Trish.


“Maauna na kami. Thank you.”


Agad naman yumakap sa akin si Trish at may ibinulong.


“You just call me okay.”


Kaya naman ngumiti ako at tumango sa kanya pagkatapos niyang yumakap sa akin.


“Thank you Trish.”


Pagkasabi na iyon ni James Matthew ay niyakap rin niya si Trish.


“No worries JM. Just look after her very well. Okay.”


“I will.”


At pareho na kaming lumabas ng office ni Trish.







Habang nasa restaurant. Halos nakatitig lang ako kay James Matthew na nasa harapan ko. Dahil dinala lang naman niya ako dito sa isang five star restaurant.


Hindi man akma sa lugar ang suot ko ay binalewala ko. At kahit pa medyo may mga matang napatingin sa amin ng papasok kami dito. Dahil ang ilan sa mga kostumer nila ngayon ay kilala si James Matthew.



Kaya sinubukan ko siyang kausapin na sa bahay nalang kumain. Pero mapilit siya na dito nalang daw. Kaya naman sobra akong nahihiya.


Pero kinagulat ko ng iokupa ni James Matthew ang buong second floor ng restaurant. Kaya ngayon mas okay akong nakakakilos dahil walang ibang tao dito kundi kaming dalawa lang.


“I want the chef’s specialty. Also your special menu for today.”


“Anything else Mr. Williams.”


Ang manager ng restaurant ang kumukuha ng order namin. Kaya naman sinabi ko nalang na si James Matthew ang umorder para aming dalawa.


Anu pa bang ineexpect ko mula sa kanya. Syempre ang oorderin niya ay yung mahal. Ganun naman siguro talaga kapag mayaman. Hindi tumitingin sa presyo. Dahil siguro numero lang iyon para sa kanila.


“Ally,”


Napitlag naman ako ng tawagin ni James Matthew ang pangalan ko.


“hmm”


“What dessert you want.”


Pagsabi niya ng mga iyon agad akong tumingin sa menu kung saan ko nakita ang litrato ng mga dessert. At hindi ko naiwasan maglaway. Ganito siguro talaga ang buntis. Kahit anung pagkain nakakapaglaway.


Narinig ko namang natawa si James Matthew kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.


“Sorry, you’re too cute to watch.”


Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Kaya lalo lang niya nilakihan ang pagkakangiti niya.


“I better choose for you. Mukha kasing hindi ka makapili.”


Tumango nalang ako habang napatingin din ako sa manager na nakangiti narin sa akin.


“Give us your special dessert. I want it to be very special.”


“Of course Mr. Williams.”


“Thank You.”


Agad bumaling sa akin ng tingin si James Matthew ng matapos makipag-usap manager.


“From now on we will going out. Lalo na kapag may mga gusto kang kainin. You just tell me. Okay.”


“Baka naman lumobo ako ng sobra.”


Natawa naman siya sa pagkakasabi ko nun.


“Ally, tumaba ka man you still look cute.”


Nagtaas naman ako ng kilay ng masabi niya iyon. Bigla din bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko manintindihan kung bakit ganun nalang ang naramdaman ko.


“I don’t care if kahit anu pa ang maging itsura mo. As long as i look after you very well. And i wanted to do it. I want to look after you as much as i can. Lalo na you’re having a twins.”


Halos hindi ako makapagsalita habang nakakatitig sa kanya. Dahil kitang kita ko na totoo lahat ng sinasabi niya. Lahat ng gusto niyang gawin, nararamdaman kong iyon talaga ang totoo.


Hindi rin ko maiwasan hindi malungkot at makaramdaman ng sakit. Dahil alam ko wala akong ibang maibibigay sa lahat ng ginagawa niya bukod sa salitang thank you.


Kaya naman nakakaramdaman ako ng sakit. Dahil parang nakokonsensya ako dahil alam ko at nararamdaman ko hindi lang ang salitang thank you ang gusto niyang marinig mula sa akin.


Napapitlag naman ako ng tumayo siya at lumipat sa upuan sa tabi ko at hawakan ang kamay ko.


“I know what you think. Please. Cut it out. I am happy to help you. And take care of you. I am not asking or waiting for something---”


Halos hindi naman ako makagalaw sa kinuupuan ko. Alam ko rin naramdaman niya ang biglang panginginig ng palad ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.


“Masaya na ‘kong ako ang nasa tabi mo sa mga oras na ganito. So don’t worry about anything. And don’t ever think i am waiting for anything else while i am doing this. Sapat na ang makita kitang nakangiti at hindi nag-aalala.”


Tumango nalang ako sa bawat sinasabi niya. Hindi ko alam kung anu ba ang dapat kong isagot sa kanya.


Salamat nalang at dumating ang manager na may kasamang waiter na may dalang pagkain.


Kaya mabilis binitawan ni James Matthew ang kamay ko at bumalik siya sa puwesto niya.


“Mr. Williams. Chef’s appetizers serve.”


“Thank you.”


Pagkatapos ng mga sinabi niya hindi ko na nagawang magsalita pa. Hindi narin siya ng salita at hinayaan nalang matapos kami sa pagkain. Kaya naging komportable na ulit ang pakiramdam ko.


Hindi ko narin siya pinansin dahil sa sobrang sarap ng pagkain. Kahit na ramdam kong nakatingin siya sa akin. Ay binalewala ko iyon. At nagpatuloy lang sa pagkain.


Tumingin lang ako sa kanya ng bigla na naman tumunog ang cellphone niya.


“Excuse me Ally, got to answer this.”


“Okay lang.”


“Eat more okay.”


Tumango lang ako sa kanya. Hindi ko naman napansin na bumaba pala siya. Nakita ko nalang siya ng naglalakad na siya sa baba palabas ng restaurant.


Medyo nagtaka naman ako kung bakit kailangan pa niya lumabas o lumayo ng ganun kalayo para lang sagutin ang tawag na ‘yon. Kaya naman napailing nalang ako. At napatingin sa manager ng restaurant na papalapit sa akin.


“Ma’am. Mr. Williams told me to come up here.”


“Ah, ganun ba. Hindi na dapat niya ginawa yun.”


“It’s okay ma’am. We really do that here. We need to look after our very special guest.”


Para naman akong nabilaukan sa sinabi niya. Kaya napaubo ako. Agad nama siyang lumapit sa akin at iniabot ang tubig.


“Ma’am are you okay?”


“Thank you. Okay lang ako.”


Bumalik lang siya sa pwesto niya ng makitang hindi na ako umuubo. Pero bigla naman akong nakaramdam ng paninigas ng tiyan. Pero hindi naman malala. Siguro dala lang ng sobrang pagkain ko. Hindi ko kasi maiwasan. Lalo na sobranh sarap nito at sobrang nakakatakam ang itsura.


“Ma’am are you sure you’re alright.”


Nag-alala siguro siya ng makitang hinimas ko bigla ang tiyan ko.


“Okay lang ako. Busog lang.”


“Ma’am if you feel anything or something bad. Please tell us.”


“Sige. Salamat. Pero—saan ba yung CR dito.”


“I’ll take you to the Comfort Room ma’am”


Agad naman niya akong inalalayan papuntang CR. Natatawa naman ako dahil parang sobra na ata ang nangyayari. Kaya naman napapailing nalang ako.


Habang nasa CR ako. Narinig kong may babae sa dulo ng cubicle. Narinig kong umiiyak ito. Medyo natakot pa ako. Dahil bigla kong naisip yun mga horror movie.


Pero nilabanan ko ang takot na iyon. At pinuntahan ang cubicle sa dulo. Agad kong kinatok ang pinto nito.


“Miss. Okay ka lang ba. Narinig kasi kitang umiiyak. May problema ka ba?”


Hindi ito sumagot. Kaya mas kumatok ko.


“Miss, wag kang mag-alala hindi naman ako masamang tao. Concern lang ako. Kasi baka matakot yung mga gagamit ng CR. Kasi naririnig nila ang iyak mo. Baka isipin nila multo ka.”


Pagkasabi ko ng mga iyon. Laking gulat ko na binuksan niya ang pintuan. Kitang kita ko kung gaano kaganda ang babae. Pero nakita ko din kung paano sana ito magtataray. Pero biglang napatingin ito sa tiyan ko.


“You’re pregnant?”


“Ah, oo.”


Hindi ko naman maintindihan kung bakit biglang nagbago ang itsura nito. Mula sa mukhang nagtataray. Napalitan ito ng mala-anghel na pagkakangiti.


Agad din niyang inayos ang sarili niya. At pinunasan ang luha niya. Nang matapos siya ay hinawakan niya ang tiyan ko.


Napangiti nalang ako ng nakitang nakangiti siya habang dahan dahan hinimas ang tiyan ko.


“Dalawa sila diyan.”


Napatingin naman siya sa akin at mas napangiti.


“Really. Twins.”


Tumango tango naman ako.  Nabaling lang ang atensyon namin sa manager na dumating.


“Miss. Thompson.”


“Yeah.”


Sagot niya sa manager pero bumalik din agad ang tingin niya sa tiyan ko.


“I better go. Take care your twins.”


“T-thank you.”


Pagsabi niya ng mga iyon ay ngumiti lang siya at lumabas na.


“Ma’am are you okay?”


“Kanina pa yan tanong mo. Okay lang ako.”


“Sorry ma’am. Anyway. Lets get out from here. Mr. Williams is looking for you.”


“Ah sige.”



Laking gulat ko naman ng makitang may kausap si James Matthew na babae. At nang medyo makalapit ako. Napansin kong ito rin ang babaeng nasa CR.


Hindi ko naman maiwasan magtanong sa isipan ko. Isa pa dahil sa ikinikilos nila. Dahil nagtatalo sila.


“Hailey, listen to me. It’s not the right time for this.”


“What? Do you think there will be a right time??!!!”


“I’m sorry but please. Not today. I am—”


Hindi naman natapos ang sinasabi ni James Matthew at napatingin ito sa gawi kung saan ako nakatayo. Hindi naman ako kalayuan sa kinatatayuan nila kaya alam kong agad niya akong nakita.


Nang makita ng babaeng kausap niya kung saan siya nakatingin ay binaybay din niya ito at nakita ko kung paano niya ako tingnan hanggang sa bumaba ang tingin niya sa tiyan ko.


Hindi ko naman inasahan ang bigla niyang pagsampal kay James Matthew pagkatapos akong tingnan.


Agad hinawakan ni James Matthew ang babae ng makitang paalis ito pagkatapos siyang masampal.


“Hailey, it’s not what you think, believe me.”


“B-believe you?!! REALLY?!!!”


Halos pasigaw na niya itong sinabi. Hindi ko naman alam kung bakit napahakbang nalang ako papunta sa kinatatayuan nila.


“Miss, mali ang inisip mo.”


Pareho naman silang napaharap sa akin. Nakita ko din kung paano tumalim ang tingin ng babae sa akin.


Nakita ko pang tumawa ito at nagsmirk. At saka pinilit inaalis ang kamay ni James Matthew na nakahawak sa braso niya.


“I don’t have time for this shit.!!”


Yun lang ang sinabi niya ng muling tumingin sa akin bago tuluyang umalis. Hahabulin sana siya ni James Matthew pero napatigil ito at lumingon sa akin.


Hindi ko naman naiwasan hindi maiyak. Ewan ko ba. Simula ng mabuntis ako. Mas bumaba ang luha ko. Masyado akong nagiging emosyonal.



“Are you okay?”


“Okay lang ako. Bakit hindi mo siya hinabol. Mag-explain ka sa kanya.”


“Don’t worry. I will do that. Pero for now. I better bring you home.”


Tumango lang ako sa kanya. Habang pinusan naman niya ang luha ko.





Habang nasa sasakyan. Pareho lang kaming tahimik. Hindi ko naman kasi magawang magtanong. Dahil nahihiya ako. Isa pa naiisip ko na baka girlfriend niya ang babae. Tapos napagkamalan pang siya ang ama ng dinadala ko.


Napabuntong hininga naman ako. At napailing nalang. Para kasing nakakaramdam ako ng sakit ng ulo dahil sa nangyari at sa isiping maaring nagalit ang babaeng iyon dahil akala niya ay kay James Matthew ang pinagbubuntis ko.


“D-Don’t stress yourself.”


Napalingon naman ako agad sa kanya. Pero walang lumabas sa bibig ko kahit anu.


“I’ll explain everything some other time. Just don’t stressed out.”


Tiningnan ko lang siya habang sinasabi niya ang mga iyon. Dahil hindi naman siya tumingin sa akin habang sinabi niya iyon. Bumaling nalang ang tingin ko sa nadaraan namin. Hinayaan ko nalang din siya. Dahil sinabi naman niya na ieexplain din niya ang nangyari. Kaya hindi na ako magtatanong pa.


“Ally we’re here”


Dahan dahan naman akong napamulat. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala ako. Kaya naman ng makita kong nasa parking lot na kami ng A Tower Condominium. Agad akong napatingin kay James Matthew.


“S-sorry. Hindi ko—”


Hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita na siya.


“It’s okay. I understand. Lets get out. Para mas makapagpahinga ka sa condo niyo.”


Tumango lang ako at hinintay na makababa si James Matthew at mabilis naman itong pumunta sa tapat ng passenger’s seat at binuksan ito.


Habang inaalalayan niya akong bumama. Napansin ko naman ang mga naka black suit na parang may binabantayang importanteng tao na nasa loob ng A-Tower Condominium.


Napalingon din si James Matthew sa mga naka-black-suit.


“Let’s go.”


Nabali lang ang pagkakatingin ko sa mga iyon ng sabihin iyon ni James Matthew.


Habang nasa elevator. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong kinabahan. Lalo na ng maisip na may kinausap ang isa sa mga naka black suit na yun ng tumingin sa akin.


“Something bothering you?”


Agad naman  akong napatingin kay James Matthew.


“W-wala naman. Pagod lang siguro ako.”


“I’m sorry. Masyado ata tayong nagtagal—”


“No. Wala kang kasalanan. Ganito lang talaga siguro kapag buntis. Mabalis mapagod.”


“Okay.”



Nang bumukas ang pintuan ng elevator. Nagulat ako sa nakita ko. Meron na naman kasing mga naka-black suit na lalaki sa may tapat ng elevator. At may sinabi na naman ito pagkatapos pindutin ang earpiece na nakakabit sa may kanang tenga niya.


Napapailing naman ako dahil parang may mangyayaring hindi ko inaasahan. Agad naman hinawakan ni James Matthew ang kamay ko.


“It’s alright.”


Hindi naman ako sumagot. Napansin pala niya na medyo kinabahan ako. At nakakapag-isip ng kung ano ano.


Nang matanaw ko ang pinto ng tinutuluyan namin. Ay nakita kong may lumabas na dalawang nakablack suit.


Kumunot na ang noo ko. Hindi ko alam pero parang kakaiba ito. Kaya naman nagmadali na akong maglakad. Bumitaw din ako sa pagkakahawak kay James Matthew.


Pero napatigil lang ako ng mahawakan ako ni James Matthew sa pupulsuhan.


“Relax. I will go first.”


Parang alam na alam na niya ang iniisip ko. Kaya naman tumango lang ako.


“Don’t come in until i am not done checking what’s happening.”


“O-okay.”


Mas lalo naman akong kinabahan ng pumasok si James Matthew sa loob habang pinagbuksan ng dalawang lalaking nakabantay sa may pintuan.


Pinakatitigan ko naman ang dalawang lalaking nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan namin.


Sa tantsa ko hindi naman sila mukhang masamang tao. Mukha silang professional body guard. Kahit sa tindig nila. Para silang private body guard ng isang mayaman at maimpluwensyang tao. Nakita ko rin may maliit na flag na naka-pin sa black suit nila.


Tiningnan ko itong mabuti. Sigurado ko na flag ito ng Australia. Dahil kulay asul ito na may anim na hugis bituin. At ang red and white crossing sign na tulad ng united kingdom. Ibig sabihin isa ito sa country na under of a queen.


Nabaling lang atensyon ko ng bumukas ang pintuan at iniluwa nito si James Matthew na nakangiti.


“You should come in quickly.”


Nagtataka naman ako bakit niya nasabi iyon. Pero baka ako makapagsalita ay nahawakan na niya ang kamay ko at inalalayan ako papasok sa loob ng bahay.


Lakong gulat ko ng makitang kahit sa loob ng bahay ay may ilang nakablack suit.


Napatingin naman ako agad kay Tiya Marsha na nakaupo sa sofa kasama si Martha. At nakuha ng atensyon ko ang lalaking nakagray na suit na nakaupo sa tapat nila Tiya.


Halos hindi naman ako makahinga sa kabang bigla kong naramdaman. Lalo na ng mapansin kong tumayo ang lalaki. At tumingin sa akin.


Hindi naman ako makapaniwala sa nararamdaman ko. Dahil parang may kung anong nagtutulak sa akin na yakaping lalaking ito.


Pero pinigilan ko ang aking sarili. At tiningnan ko siya mula ulo hanggang sa paa niya. Napapailing nalang ako dahil pakiramdaman ko ay matagal ko din siyang hinintay na makita. At makasama.


Hindi ko na napigilan ang luha ko dahil parang panaginip lang ang nakikita ko. Nakaramdam din ako ng sobrang saya dahil sa tinagal tagal. Makikita ko narin ang taong ito.


Nang magkatitigan kami. Agad niya akong niyakap. Hindi naman ako nakagalaw dahil pakiramdaman ko ay sobra akong nasabik sa kanya. Pakiramdaman ko ito na ang pagkakataong hinihintay ko.


“I’m very sorry Allynna, it took me so long to come back.”


Dahil sa sinabi niyang iyon hindi ko na naiwasan ang mapahagulgol. Dahil matagal kong pinangarap na marinig ang boses na iyon.


Kaya naman niyakap ko na rin siya ng mahigpit.

















LadyCovetStories ♡

Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon