Chapter Four

124 7 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS
"That Girl"

"I don't know,
But there's something about with that girl."
pabulong kong banggit sa aking sarili.

That girl from the garden,
She was so funny,
I wonder why she get hit by that ball,
I really wonder what she was thinking important that time,
That she didn't even saw that ball coming towards her,
Not even hear my voice that loudly shouted for her....

LANCE POV . . .

"From The First Meeting"

"Miss, Get Off."

malakas na sigaw ko sa babaeng naglalakad sa may hardin ng university.
Ngunit para itong bingi na hindi narinig ang malakas kong sigaw.
Kaya saktong sa ulo niya tumama ang sinipa kong bola.

Hindi ko akalain na may tao sa parte na yun ng hardin ng University,
Dahil sa totoo lang,
ako lang ang palaging nandon sa parteng yun ng hardin.
Doon kasi sa parteng yun ng hardin ako tumatambay kapag hindi ko gustong pumasok sa klase,
O gusto ko lang matulog dahil sa hangover ko.
Kaya nakakapag-takang may naligaw na estudyante sa parteng 'yon ng hardin.

"Miss. Are you okay?"

"Nasa langit na ba ako,
Bakit puro anghel ang nakikita ko."

"What are she talking about?"
Pagtatakang tanong ko habang nakatingin sa kanya,
Hindi ako makapaniwala na nakukuha kong sabayan ang mga ngiti niya,
Kahit nagmumukha na siyang parang baliw,
Pero nakakaaliw siyang tingnan.

"Excuse me, Miss.
I asked you if you're okay?"

natatawang naiinis kong tanong sa kanya,
Ngunit para itong baliw na lumulutang sa hangin.
Batid ko man sa aking isipan,
May kung anong nakakatuwa sa kanya,
lalo na ang mga ngiti na yun.
Parang kakaiba.

"What the hell,
Miss, Can you please answer me,
If you're okay,"

Hindi ko sinasadyang masabi ang mga salita na yun,
Lalo na ang tono ng pananalita ko.
Paano ba naman kasi,
Masyado na akong nadadala sa mga ngiti na nakikita ko mula sa kanya.

"Oo, Okay Lang Ako,
Happy ka na..??"

Mabuti nalang at mukang natauhan narin siya,
Pero kita ko sa mukha niya ang pagkainis.

"Good then,
I better leave you,
Looks like you were enjoying lying on the grass."

Pagkatapos kong masabi ang mga iyon, kasabay ng aking pagtawa.
Sinulyapan ko ulit ang kanyang mukha,
Pansin ko na tatayo na siya mula sa pagkakahiga niya sa damuhan.
Kaya naman nag-umpisa na kong maglakad palayo sa kanya.
Kahit alam kong naiinis siya na hindi ko manlang siya tinulungan makatayo mula sa pagkahiga niya sa damuhan.

Habang patuloy ako sa paglalakad palayo sa kanya,
Hindi ko maiwasang matawa,
Dahil rinig na rinig ko ang sinabi niya,
Na may kasamang sobrang pagkainis.

Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon