BACK TO EACH OTHER ARMS
Chapter Forty Four.
Ang mga halik ni Lance sobrang iba ito. Para bang ganun nalang siya katagal nangulila sa akin.
Hindi ko alam kung bakit nasabik din akong mahalikan siya ng ganun. Ang bawat paghalik niya sa akin, ay nagbabalik din ang masayang alala na meron kami noon. Kaya kahit marami akong tanong sa akin isipan ay binalewala ko iyon at mas dinama nalang ang mga labi niya.
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking bewang. At mabilis niyang nagawang magpalit kami ng pwesto. Ngayon siya na ang naka-patong sa akin. Kaya mas lalo akong pinang-initan ng pakiramdam sa posisyon namin ngayon. Nakaramdam din ako ng pagkailang kay naman humiwalay ang labi ko mula sa kanya.
Napangiti naman siya ng tumingin sa mga mata ko. His smile is full of happiness. I can see it, even his eyes is sparkling like a star in the sky.
"I miss you a lot Ally."
Kasabay ng mga sinabi niya ang mabilis na pagtibok ng puso ko. This feeling I can't explain it.
Hahalikan na niya muli ako ng pareho naming narinig ang tunog ng doorbell. Nakita ko naman kung paano natawa si Lance. At napalingon sa pintuan.
"Looks like i have an unexpected visitor."
Pagkasabi niya ng mga iyon ay hinalikan nalang niya ako sa noo, Bago ako inalalayan tumayo. At nang makatayo na ako. Agad niyang kinuha ang kumot mula sa hinigaan ko. At ibinalot sa akin.
"As much as you have the most beautiful body, i can't allow anyone to see it."
Nagtaas naman ako ng kilay sa sinabi niya kaya naman napatawa nalang siya na para bang tuwang tuwa pa na mabiro ako ng ganun.
Nagulat naman ako sa bigla niyang pagyakap sa akin at ang bigla niyang pagbulong sa may tenga ko.
"You are the most beautiful woman in my life."
Para naman akong naistatwa sa sinabi niya, Lalo pa nang parang kinilabutan ang aking buong katawan sa maganda niyang boses. Hindi ko magawang magsalita dahil pakiradam ko walang boses ang gustong lumabas mula sa aking bibig.
"Go upstair. I'll check who's it."
Tumango lang ako sa kanya. Bago ako tuluyan umakyat pataas. Tumingin pa ako sa kanya bago ako makarating sa taas. I can see he never let his eyes away from me. He just look at me like i am the most beautiful woman in the world.
Kaya naman hindi ko naiwasan hindi mahiya. At isiping kung totoo ba lahat ng ito. Nakapasok na ako ng guest room pero mukhang nasa nangyari halik ang isipan ko. Wala sa sariling napaupo ako sa kama. At hindi ko namalayan na hinahawakan ko ang aking mga labi habang naiisip ang halik na iyon.
Hindi ko na napansin na masyado nang matagal ang pagkakaupo ko sa paanan ng kama ng mapansin ko ang damit sa may sofa. Agad kong tiningnan iyon. Black long sleeve ito ni Lance. Gustuhin ko man wag isuot iyon, ay parang mas maayos pa ito kaysa sa suot ko ngayon na v-neck white shirt ni Lance.
Habang isinusuot ko ang long sleeve na polo ni Lance ay manirig akong malakas na ingay. Sigurado ako mula iyon sa ibaba. Hindi man ganun naayon ang suot ko ay binalewala ko na dahil nakakarinig ako ng malakas na boses na mukhang nagtatalo. Dahan Dahan akong naglalakad dahil para bang may mabigat na bagay ang biglang nagpabagal sa aking paglalakad.
BINABASA MO ANG
Back To Each Other Arms
Romance((⇨All the stories of Lady Covet Stories written in English-Filipino..⇦)) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. This story is about the son and daughter of the member of MBC. (Multi-Billionaire-Corporation) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. A story of a simple girl Allynna Samonte who will...