Chapter Forty Eight

71 1 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS


Chapter Forty Eight.




"Miss Ally."



Napatingin naman ako kay Lala nang pumasok sa pintuan ng office ko na may dalang bouquet ng pink na rosas. Sa pagkakatingin ko ay alam ko na kung sino ang nagpadala nito.



Sinenyasan ko lang si Lala na ilagay nalang sa may coffee table ang bulaklak. Dahil hindi ko pa ito gustong kuhanin. Dahil sa nangyari kahapon hindi ko muna gustong mag-isip ng kahit anu. Dahil pakiramdam ko ay napagod ako sa mga nangyari kahapon. Ni hindi ako nito pinatulog ng maayos kagabi. Kaya naman nagdecide akong maagang pumasok sa trabaho at ibuhos ang lahat sa trabaho.



Bumalik nalang ako sa computer ko at nagpatuloy sa ginagawa. Nagbilin narin ako kay sekretarya ko na ayokong magpaabala kahit kanino.



Napatingin naman ako sa cellphone ko ng tumunog ito at nang mabasa kong si Lance ang tumatawag, ay bigla kong nai-turn off ang phone ko. Wala akong lakas para makausap siya ngayon. After everything he said. Hindi ko pa kayang makausap siya.



Lumipas ang buong araw na hindi ako lumabas ng opisina. Ni hindi ko nagawang kumain. Hindi ko alam pero wala akong gana at lakas sa araw na ito. Gusto ko lang mapag-isa at tapusin ang trabaho ko.



Napahawak nalang ako sa sintido ko ng mapansing mag-aalasonse na pala ng gabi.



Bakit ba parang ang bilis lumipas ng oras ngayon.



Nag-umpisa na akong magayos ng gamit para makauwi. Nang biglang namatay ang ilaw. Agad kong kinuha ang cellphone ko at binuhay ito. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa biglang pagkawala ng kuryente. Ni hindi ko tuloy magamit ang telepono. Para matawagan ang security guard.



Halos mapalundag naman ako ng biglang may kumatok.



"Who's that?"



"Miss Watson?"



"Yes,"



Agad akong lumapit sa pintuan at binuksan iyon. Nakahinga lang ako ng maayos ng makitang ang guard iyon.



"I'm sorry Miss Watson for this inconvience."



"No, It's okay. What happen anyway?"



Inexplain naman sa akin ng guard na may inaayos lang pala ang company electrician kaya nawala ang kuryente. Sinabi ko rin na baba na ako. Dahil hindi gagana ang elevator ay sa hagdanan ako dumaan.



Medyo kinakabahan ako dahil para bang ang dilim dilim sa kompanya. At hindi ko alam kung bakit may iba akong nararamdaman para bang may hindi magandang mangyayari.



Umiling iling nalang ako para mawala ang naiisip ko. Napaparanoid kasi ako. Ayoko kasi sa madilim. Dahil natrauma na ako nung buntis ako na bumagyo at nawala ang kuryente.



Malapit na ako sa parking lot ng mapansin kong parang may nakamasid sa akin. Hindi ko alam bakit ang lakas ng kutob ko at pakiramdam sa mga ganun. Hindi ko nalang pinansin iyon at nagpatuloy sa paglalakad, medyo malayo pa kasi ang sasakyan ko sa nilabasan kong exit.



Habang patuloy ako sa paglalakad, alam kong may tao sa likod ko at alam kong sinusundan niya ako. Kaya mas bumilis ang lakad ko. At natataranta akong hinahanap ang susi ng sasakyan ko sa aking bag. Dahil narin sa kabang nararamdaman ko ay hindi ko mahanap hanap ang susi ko.



Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon