Chapter Forty Five

59 1 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS





Chapter Forty Five.












Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang tagpo na iyon sa amin ni Lance. Isang linggo rin akong hindi pumasok sa trabaho at sa bahay nalang muna nagtrabaho. Hindi pa kasi ako handang makita si Lance at makinig sa kanya, Kahit kay James Matthew, Hindi ko rin sinasagot kahit ang tawag niya. Bumisita man siya dito sa bahay ay hindi ako lumalabas ng study room ko.



"Can i come in."



"Yes Dad."



"It's been a week--"



"Dad, please don't ask me anything if it's not about work."



Hindi naman agad umimik si Dad at tumango tango lang siya. Siguro alam niya na hindi ko talaga ugali ang magkwento o mapagusapan kung anu man ang problema ko. Hindi pa man siya sanay na sinasarili ko lang palagi ang problema ko.



"O-okay, i'll leave you alone."



"I-I'm sorry Dad."



"No, Baby, i understand."



"Thanks Dad."



Pero bago makalabas si Dad ay muli itong nagsalita.



"By the way, please come to work. I mean in the company. We need you there."



Hindi ako agad nakasagot kay Dad kaya naman lumabas nalang siya ng tuluyan. Napahawak naman ako sa aking sintindo bago huminga ng malalim.



Dad was right. I should go back. Even i work at home, the company need me there.



Napabuntong hininga nalang ako bago ko kinuha ang cellphone. Agad kong tinext si Lala na papasok na ako bukas. at hingi ang schedule ko para bukas.



Nang matapos na ako ng pagtetext kay Lala nagulat ako sa unregistered number na tumatawag sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit parang iba ang kutob ko sa natawag na ito sa akin.



Pinatay ko lang ang tawag na iyon at ibinababa ko agad ang cellphone ko sa study table ko. At bumalik sa report na ginagawa ko. Nang muling tumunog ang cellphone ko tumatawag muli ang unregistered number. Pinatay ko nalang ulit ang tawag na iyon, dahil baka si Lance lang iyon o si James Matthew.



Beep...



Agad kong kinuha ang phone ko ng marinig na may nagtext doon.



I'll be waiting for you here in coffee shop near your home.

Brenda.



Hindi naman ako nakapaniwala kung paano nalaman ni Brenda ng number ko. At ang isiping anung dahilan niya at gusto niya akong makita.



Nakatulala lang akong nakatingin sa text na iyon ni Brenda. Hindi ko kasi alam kung makikipagkita ba ako sa kanya. At hindi ko talaga maisip kung bakit gusto niya akong makita.



Pero may isang nagsasabi sa aking isipan na tagpuin siya. Hindi ko man maintindihan, pero para bang kailangan ko siyang makaharap. Marami rin tanong na nabuo sa aking isipan. Isa pa ang may gusto din akong malaman tungkol sa mga nangyari noon.



Dahil sa dami ng iniisip ko hindi ko naiwasan hindi na naman makita ang larawan na iyon. Isang linggo narin akong hindi pinapatulog ng mga larawan na iyon. At nang pagyayaring iyon sa amin ni Lance. Gusto nang malaman ang lahat pero natatakot ako. Dahil nasasaktan na naman ako. At parang hindi ko na kaya pang mas masaktan pa sa lahat ng katotohanang pwede ko pang malaman.



Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon