BACK TO EACH OTHER ARMS
Chapter Forty Nine.
Pakiramdam ko ay mabibiyak ang aking ulo ng magising ako isabay pa na pakiramdam ko ay namamaga ang mata ko. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kagabi. Bukod sa alam kong nabasa ko ang mga sulat na iyon. Pero hindi ko alam kung paano akong napunta dito sa aking kwarto.
Nang tumayo ako ay halos matumba ako dahil sa biglang pagkahilo. At para bang may masakit sa aking katawan. Napansin ko rin naman na nag-iba ang suot ko. Naiisip ko tuloy na baka si Manang ang nag-akyat sa akin at nagbihis sa akin.
Napatingin naman ako agad sa cellphone ko ng patungo na sana ako sa banyo. Napansin ko kasi kanina pa pala ito nagriring pero mukhang naka-silent naman ito. At nang makita ko ang pangalan ni Lance na tumatawag ay hindi ko alam kung bakit bigla aking kinabahan. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa mga sulat na nabasa ko na mula sa kanya.
Hindi ko sinagot ang unang tawag niya, kaya nakampante ako na baka hindi na siya tumawag muli. Hindi ko rin naman alam kung paano siya kakausapin. Lalo na at nalaman kong may mga sulat pala siyang ganoon para akin. At bakit itinago iyon sa akin ni Dad.
Bigla ko tuloy naisip na kausapin si Dad tungkol dun. Kaya kahit masakit pa ang aking ulo ay nag-aayos ako agad ng sarili at lubas ng kwarto. Kinatok ko agad si Dad sa kanyang kwarto pero walang sumasagot. Nagtaka naman ako dahil alam kong wala siyang appointment sa araw na ito. Dahil tuwing sabado ay nilalaan niya iyon para sa kambal, Nagmadali akong bumaba, pero hindi ko rin nadatnan ang kambal. Parang wala ring tao bukod sa akin.
"Manang?"
Malakas akong tumawag pero walang sumagot. Agad akong nagtungo sa kusina pero wala sila doon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong sinakluban ng kaba. Kaya agad akong bumalik sa taas para tingnan ang kwarto ng kambal. Una kong pinuntahan si Lucy pero wala ito. Kaya patakbo akong pumunta sa kwarto ni Larry, nakahinga ako kahit papano ng makitang nakatutok sa computer niya si Larry habang nakaheadphones.
"Hey, Baby boy."
"Mom?"
"Baby boy, where is your pop and your sister?"
"Mom i saw Pop talking on his phone before he leave."
"Leave? you mean your Pop went out."
Tumango tango naman si Larry.
"How about your nanny?"
"Ohh. nanny went out too with Lucy. She said Lucy want to buy some marshmallows."
Nakahinga ako ng mabuti ng marinig ko iyon mula kay Larry.
"Okay Baby boy, Thank you."
"Mom why you look nervous?"
Hindi ko naman alam na napansin pala niya agad ang pagka-kaba ko.
"It was nothing Baby. Anyway did you have your lunch?"
"Not yet Mom. Coz i am waiting my Nanny. They took long Mom."
Bigla naman kumunot ang noo ko ng masabi niya iyon. Bigla din bumalik ang kaba ko. I am so paranoid when it comes to my kids.
"Come Larry, get up. I'll make your lunch."
Agad naman tumayo si Larry. At magkasabay kaming lumabas ng kwarto niya.
"You go in the kitchen first. I'll just get my phone. Okay."
BINABASA MO ANG
Back To Each Other Arms
Romance((⇨All the stories of Lady Covet Stories written in English-Filipino..⇦)) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. This story is about the son and daughter of the member of MBC. (Multi-Billionaire-Corporation) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. A story of a simple girl Allynna Samonte who will...