Book 2 Chapter Thirty One

76 3 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS


BOOK 2: CHAPTER 31.




"Miss Watson."


Hindi ko naman pinansin ang sinabi ng sekretarya kong si Lala. Dahil parang wala parin ako sa aking sarili. Hindi parin kasi ako makapaniwala na ako ang naka-upong Presidente ng WATSON ENTERPRISE.



Hanggang ngayon din ay hindi ako makapaniwala ng limang taon na ang nakalipas simula ng araw na makilala ko ang tunay kong ama. Hindi ko alam na matagal na pala niya akong hinahanap pero dahil nga sa wala na siyang nabalitaan tungkol sa aking ina ay hindi siya agad nakakakuha ng kahit anung impormasyon tungkol dito.



Nagkaroon lang siya ng pagkakataon na may malaman tungkol kay mama ng aksidente siyang makita at mamukaan ng isang kaibigan ni Mama, duon lang niya nalaman na namatay na si Mama. At wala na kami sa lugar na iyon.




Kaya naman ginamit niya ang lahat ng makakaya niya para hanapin ako dahil nasabi sa kanya ng kaibigan ni Mama na nagkaanak sila at ako ang batang iyon.




Nung araw din na iyon na nagpunta siya sa condominium na tinutuluyan namin ay may ipinakita si Tiya na isang lumang letter box. Naiyak naman ako agad ng makita iyon, dahil ang alam ko ay nakasama na iyon sa nasunog naming bahay.




Kaya halos sobra ang pasasalamat ko kay Tiya Marsha ng makita ko iyon na nasa kanya. At duon na nagumpisa ang malaking pagbabago sa buhay ko. Dahil sa kwintas at mg litrato ni Mama, duon mas napatunayan na anak nga ako ng isang mayaman na si Alfred Gregory Watson, ang may ari ng Watson Enterprise at isa sa bilyonaryong businessman dito sa Australia.




Kaya naman agad niya akong dinala dito para dito makapagtapos ng pag-aaral at ipagpatuloy ang isang marangyang buhay na hindi ko naranasan noon. Nung una ay hindi pa ako pumayag dahil ayokong iwan si Mama ng magisa. Pero dahil sa isang pangyayari na nagpadelikado sa pagbubuntis ko sa kambal ay wala na akng nagawa kundi ang sumang-ayon kay Daddy na dito na ipagpatuloy ang buhay ko.




Masakit man pero kinalangan kong iwan si Tiya pati narin si Mama at Tiyo, pero gaya nga ng sinabi ni Tiya, ito na ang panahon para mabago ang buhay ko, at ito na ang pagkakataon para maramdaman ko ang magkaroon ng isang tunay na magulang. Pagkakataon rin para sa amin ni Daddy para mapunan ang mga panahon na hindi kami nagkasama.





Nalaman ko rin na si Mama lang ang minahal niya ng sobra sobra, pero dahil hindi pa sila pwede ng mga panahon na iyon ay kinailangan niyang iwan si Mama. At nagsumikap siya ng sobra para lang maging matagumpay ngunit huli na pala dahil wala na si Mama ng balikan niya ito.




Matagal din bago ko nakasanay ang lahat sa buhay ko ngayon. Pero nagpapasalamat ako dahil sa pagkakataon na ito ibang Allynna na ang nahubog sa limang taon na lumipas.





Nakatapos din ako sa isang magandang universidad dito sa Melbourne. Kaya naman masasabi ko na natupad ko na ang isa sa pangako ko kay Mama, bonus nalang na suma cum laude. Pinilit ko ang sarili kong mag-aral ng sobra at magtagumpay para kay Mama, at para narin kay Daddy, dahil alam ko kung gaano siya ng sikap para magtagumpay, kaya naman hindi ko hinayaan mapahiya siya ng dahil sa akin, kaya ito ako ngayon.




I am now Allynna Samonte Watson, The New President of WATSON ENTERPRISE.





"Miss Watson.!"




Dun lang ako napatingin sa kanya ng medyo malakas ang pagkakatawag niya sa akin.





"I'm sorry Miss Watson, i did not mean to shout."





Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon