Chapter Twenty Eight

63 3 0
                                    

BACK TO EACH OTHER ARMS













Tatlong araw narin ang nakalipas ng umalis si Lance. Pero hanggang ngayon ay nagdudusa parin ako sa lungkot na nararamdaman ko. Pakiramdaman ko ay wala itong katapusan.


Hindi ko naman napansin na nakapasok na wala ang tiya ko sa loob ng kwarto ko. Naramdaman ko nalang siya ng umupo siya sa gilid ng kama ko at hinawakan ako sa balikat.


“Pumasok na ako. Kasi hindi ka sumasagot ng kumakatok ako.”


Agad naman akong bumangon at sumadal ng upo. Para makausap ang tiya ko.


“P-pasensya na po.”


“Wala yun Allynna. Naiintindihan ko. Alam ko naman na may pinagdadaanan ka.”


Hindi ako nagsalita sa sinabi ni Tiya. Bagkus ay napayuko nalang ako dahil alam kong papatak na naman ang mga luha ko.


Agad naman hinawakan ni Tiya ang mga kamay ko.


“Allynna, sige lang. Hindi masamang umiyak. Alam kong sinusubukan mo lang maging matapang. Pero hindi naman masama na paminsan minsan ay umiyak.”


Pagkasabi na pagkasabi ni Tiya ng mga iyon ay hindi ko na napigilan ang hindi mapahagulgol. Kaya naman niyakap nalang ako ni Tiya at hinahagod ang likod ko.


“Sige lang Allynna. Iiyak mo lang yan. Pasasaan ba at lilipas din yan.”


Hindi ko alam kung anung nangyari kay Tiya at sa pinsan ko. Kung bakit nagbago sila. Pero ipinasasalamat ko narin iyon. Kung anu man ang nakapagpabago sa kanila at maganda itong pangyayari. Lalo na sa mga oras na ganito. Na alam ko na kailangan ko ng pamilya. At taong makakaintindi sa akin at sa nararamdaman ko. Mga taong alam ko na naandyan sa oras sa ganito.


“Para ka din ang Mama mo. Sobrang iyakin.”


Nagulat naman ako sa sinabi ni Tiya. Kaya naman nabitiw ako ng yakap sa kanya at tiningnan ko siya. Nakita kong nakangiti siya at tumango tango.


“Tulad mo. Matapang din siya tingnan. At palihim yumiiyak kapag walang taong nakatingin sa kanya. Kahit sa sarili niyang kapatid itinatago niya yun.”


Hindi naman ako umimik sa sinasabi ni Tiya. Nakikinig lang ako sa kanya. At alam kong naramdaman niya na gusto ko pang makinig sa kanya. Dahil ito ang unang beses na narinig ko siyang nagkwento tungkol sa aking mama.


“Nakakatawa nga ang Mama mo. Dahil isang beses nakita ko siyang umiiyak nung pinagbubuntis ka palang niya. Nagtanong pa ako sa kanya kung anung problema. Pero hindi siya sumagot. Abg sabi niya naiiyak lang daw siya dahil sa hiniwa niya. Nasabi pa ng mama mo na dahil daw sa sibuyas. Pero wala naman akong nakitang sibuyas sa hiniwa niyang gulay.”


Napangiti naman ako sa kwentong iyon ng Tiya ko. Hindi ko akalain na may pagkakataon pala na magkakausap sila ni Mama.


“Alam ko inisip mo. Paano. Dahil mataray ako sayo. Dahil iba ang pakikitungo ko sayo. Kahit nung bata ka pa.”


Tumango-tango lang ako dahil nagulat din ako ng mabasa ni Tiya ang naiisip ko.


“Hindi naman talaga ako ganung kataray minsan lang.”


Tumawa pa si Tiya sa sinasabi na iyon. Kaya napatawa din ako.


“Kailangan ko lang maging mataray sayo kasi hiniling yun ng Mama mo.”


Gulat na gulat naman ako ng marinig ko iyon. Ibig sabihin lang dahil kay Mama kaya ganun ang pakikitungo niya sa akin.


“Bago ka palang ipanganak. Sinabi na sa akin ng Mama mo na turuan kitang maging malakas at matapang. Kahit pa kapalit nito ang tarayan at pagbuhatan kita ng kamay.”


Halos hindi naman ako makapaniwala sa nariring ko ngayon. Bumalik din bigla sa isipan ko ang mga panahon na pinagmamalupitan niya ako at nang binagbubuhatan niya ako ng kamay pati ang mga matataray na salita. Halos lahat yun nag-sync-in sa isipan ko ngayon.


“Patawarin mo ako Allynna. Alam ng diyos na hindi ko iyon gustong gawin sayo. Dahil alam kong mabuting bata ka. At mabuting tao ang mama mo. Pero dahil sa pangako ko sa mama mo kaya kinailangan kong gawin ang mga iyon. Patawarin mo ako.”


Nakita ko naman kung paanong taos-puso ang paghingi niya ng sorry sa akin. At nakita ko din kung paano siya naiyak dahil sa sinabi niya. Kaya niyakap ko agad si Tiya.


“Naiintindihan ko na po. Kaya wag na po kayong humingi ng tawad.”


“Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ang gawin iyon. Pero mahal ko ang mama mo dahil kapatid siya ng Tiyo mo. At higit sa lahat mabait na tao ang Mama mo.”


Bumitiw ako ng pagkakayakap kay Tiya at hinawakan muli ang kamay nito.


“Alam ko po Tiya. Naiindihan ko po kayo. At alam ko din po na tinupad niyo lang ang pangako niyo kay Mama. Salamat po. At pasensya na rin po kung hindi ko alam na nasasaktan din po pala kayo ng dahil sa akin. Patawarin niyo rin po sana ako Tiya.”



“Naku Allynna. Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin. Mas marami akong kasalanan sayo.”


Umiling-iling ako at ngumiti kay Tiya habang hawak ko ng mahigpit ang kanyang mga kamay.


“Wala na po iyon Tiya. Sa mga nalaman ko po ngayon. Balewala na po iyon. Isa pa, napalaki niyo rin naman po ako ng maayos. At kung hindi po dahil sa pangako niyo kay Mama. Baka po lumalaki akong mahina. At takot sa mundo.”


Tumango naman si Tiya sa sinabi ko at hinawakan ang kanang pisngi ko.


“Kamukhang kamukha mo ang Mama mo.”


“Talaga po.”


“Oo. At syempre dahil Mama mo yun.”


Pareho naman kaming natawa ni Tiya sa sinabi niyang iyon.


“O siya, tama na muna ang pag-iyak Allynna. Matatapos na ang sembreak mo. Kaya dapat paghandaan mo na ang pagbalik mo sa school”


Agad naman akong napaisip sa sinabi na iyon ni Tiya. Tama naman siya. Ilang araw nalang tapos na ang sembreak ko. At ganito parin ako. Kaya naman napaisip na ako ng dapat kong gawin.


“Tama po kayo Tiya. Hindi dapat ako palaging maging ganito.”


“Oo Allynna. Hindi dapat. Kasi bilin ng Mama mo kailangan ikaw ang pinaka-maging matapang na babae sa earth.”


“Earth? Talaga po bang sinabi yan ni Mama.”


“Ay Oo. Sabi pa nga niya mundo. Iningles ko lang. Para maiba naman.”


Nagkatawanan na naman kami ni Tiya. Hindi ko kasi akalain na marunong din pala siyang magpatawa.


Nakaramdaman naman ako ng saya ngayon. Dahil nalaman ko na rin ang katotohan sa likod ng mga ginawa sa akin ni Tiya noon. Ngayon alam kona na si Mama pala ang dahilan kung bakit ganun ako ituring ni Tiya noon.


Ngayon mas panatag na ako na may pamilya pa akong makakapitan sa panahon na ito. At sa mga darating pang pagkakataon na ganito.


Naputol lang ang tawanan namin ni Tiya ng magsalita ang pinsan kong si Martha.


“Mukhang nanalo kayo sa Lotto kung magtawanan kayo.!”


Nagkatinginan muna kami ni Tiya bago kami tumingin kay Martha na nakatayo sa may pintuan ng kwarto.


Bumulong lang sa akin si Tiya at bago pinuntahan si Martha.


“Mauna na ako nagtataray na ang pinsan mo.”


Kinindatan pa ako ni Tiya. Bago tuluyan isinara ang pintuan. Humingi naman ako ng malamin at nagumpisa nang tumayo mula sa aking kama. At nagtungo sa banyo. Meron kasing sariling banyo ang dalawang kwarto ng condominium na ito.


Agad akong nagshower. Habang nasa shower ako hindi ko naman naiwasan sumagi sa isip ko ang huling nangyari sa airport nung araw ng pag-alis ni Lance.


Back To Each Other ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon