BACK TO EACH OTHER ARMS
Halos hindi naman makapaniwala si Martha sa nalaman niya. Mas malala pa kay Tiya Marsha ang reaksyon niya ng malamang buntis ako.
“Hindi talaga ako makapaniwala Allynna. Paano mo naatim magpabuntis. Ganyan ka ba talaga kasabik sa lalaki.!!”
“Martha! Yang bibig mo. Pwede mo bang itikom yan. Masyado kana atang walang galang kahit sa pinsan mo!”
“Ohh, Ma. Mukha atang nagbago ang ihip ng hangin. Di ba dapat ikaw ‘tong nagwawala sa galit ngayon dahil nagpabuntis yan magaling na pamangkin ni Papa.”
Hindi ko naman inaasahan ang magiging aksyon ni Tiya sa sinabi na iyon ni Martha. Laking gulat ko nang makitang sinampal niya ito. Halos hindi naman ako nakatayo mula sa kinauupuan ko dahil sa pagkagulat.
“Hah, So, may nagbago nga.”
Tumingin ng masama sa akin si Martha bago lumabas ng bahay. Kahit pa isinigaw ni Tiya ang pangalan nito ay hindi ito natinag at patakbong lumabas ng bahay.
Agad ko namang nilapitan si Tiya na napaupo na nalang sa sofa dahil sa hindi niya inaasahan na mapagbubuhatan niya ng kamay ang sarili niyang anak.
“P-pasensya na po Tiya. K-kasalan ko po ito.”
Tumingin naman agad sa akin si Tiya ng marinig ang sinabi ko. Napansin din niya maiiyak na ako dahil sa nangyari at agad ako nitong hinawakan sa kamay.
“Shhh. Allynna. Wala kang kasalanan. Wag kang umiyak. Hindi makakabuti yan sa sayo at lalo na sa baby mo.”
“Pero ako—”
Magsasalita pa sana ako pero nagsalita nang muli si Tiya.
“Hindi kasalanan. Talaga lang hindi ko napalaki ng may magandang pag-uugali yan si Martha.”
“Hindi po Tiya. Hindi po iyon ang—”
“Tama na. Wag kana makipagtalo. Ang mabuti pa ikwento mo sa akin ang nangyari. At sino ba ang ama ng dinadala mo?”
Agad naman akong nakahing ng mas maayos dahil ibang iba na talaga si Tiya. Nagpapasalamat ako dahil nagbago siya. Lalo na sa oras na ganito. Alam kong kailangang kailangan ko siya.
Nang uupo na sana kami para magkwentuhan sa nangyari sa akin. Ay may biglang tumikhim mula sa pintuan ng condo na tinutuluyan namin.
Natawa naman kami pareho nang makitang si James Matthew pala ito.
“Hindi ka umalis kanina?”
“Nope.”
Tumaas naman ang isang kilay ko. Dahil ang alam ko ay pinaalis ko siya. Dahil gusto ko ako lang ang humarap sa pamilya ko tungkol sa issue na ‘to. Pero hindi ko akalain na hindi pala siya umalis.
“I can’t leave you. Knowing that theres something to happen. J-just being worried. You know,”
“Hmmm. Hindi ka din talaga nagtiwala sa’kin, James Matthew Williams?”
Napakamot naman siya sa ulo ng mas nakita niyang hindi lang tumaas ang kilay. Kumunot pa ang noo ko.
“Oops. I told you. Bawal yan. Look at you. Parang buhat mo ang earth sa itsura mo.”
Narinig ko pang natawa ito. Ganun din si Tiya Marsha. Napatingin tuloy ako kay Tiya hindi ko inaasahan na matatawa siya sa sinabi na iyon ni James Matthew.
“O sige na. Tama na muna yan. Pag-usapan na nalang natin yan Allynna. At ikaw naman James Matthew may gusto ka bang inumin. Pakibaba nalang din sa mesa yang dala mo. Mukhang kanina mo pa yan bitbit.”
Napatawa naman si James Matthew na timungin kay Tiya at inilapag ang dala niya.
“Ah, Tita, Water will do.”
Tita?
At mukhang mas komportable na siyang tawaging Tita si Tiya Marsha. Tiningnan ko din ang ekspresyon ni Tiya at mukhang gusto niya ang pagtawag na iyon sa kanya ni James Matthew.
Nang makaupo na si James Matthew sa gilid ko ay agad ko itong tinapik ng malakas sa balikat.
“Ouch,, masakit yun. Ganyan ba talaga kapag buntis?”
Agad naman akong pinamulahan ng mukha sa sinabi na iyon ni James Matthew. Kasabay pa ang pagsasalita ni Tiya kaya mas lalo tuloy akong pinamulahan ng mukha. Pakiramdaman ko sobra akong nahiya ng todo.
“Oo Iho. Ganyan talaga ang nagbubuntis. Nasa paglilihi pa kasi yan.”
PAGLILIHI??
Napahawak naman ako sa pisngi ko. Dahil alam kong namumula na ito dahil sa sinabing iyon ni Tiya. Hindi ko din maiwasan ang sobra at biglang pabago bagong pakiramdam na nararamdaman ko. Simula ng malaman kong buntis ako.
“Ah so ibig sabihin po nasa Conception Stage siya ng pregnancy niya.”
Napatingin naman ako kay James Matthew na kunot ang noo. Paano inulit lang niya ang sinabi ni Tiya.
Napatingin naman ako kay Tiya na tumawa habang iniaabot ang basong may tubig kay James Matthew.
“Mukhang pinaglilihan mo si Pogi.”
“Talaga po Pogi ako.”
Hindi ko naman alam kung bakit parang naasiwa ako sa pareho nilang sinasabi.
“Eeeww, Ikaw Pogi? Hindi kaya!”
“Tita said it. So i believe her.”
“Ang kapal mo ha.”
Natawa nalang muli si Tiya habang pinapanuod kami ni James Matthew. Napansin siguro niya na para kaming mga bata sa inaasal namin pareho.
Ikinagulat ko din na simula sa ospital nagbago si James Matthew. Mas naging pala ngiti at palabiro siya. Parang mas nagjojoke na nga siya ngayon at nakikipag-asaran. Nawala nadin sa kanya ang pagiging seryoso. Hindi ko man alam kung anung nakapagpabago sa kanya. Pero mas gusto ko na ‘tong ganito. Kasi alam ko kahit papano ay may tao na, na pwedeng magpatawa kapag malungkot ako. O kahit sa walang dahilan lang ay mapatawa niya ako.
Nang maipaliwanag ko ang lahat kay Tiya ay agad naman niya akong naintindihan. Nagulat man siya pero mas nanaig sa kanya ang unawain ako.
Sinabi pa niya na ngayon ako dapat mas maging matatag at malakas dahil hindi biro ang maging isang ina sa edad ko. Lalo na nag-aaral pa ako.
Ipinaliwanag din niya ang maaari kong pagdaanang diskriminasyon sa eskwelahan. Mga stress na dapat kong iwasan. Pati na ang pagiisip ng sobra.
Nangako naman siya na tutulungan at susuportahan niya ako. Ganun din ang sinabi sa akin ni James Matthew na hinding hindi siya aalis sa tabi ko hanggang malapagpasan namin ang lahat ng ito.
“Ready.”
Tanong naman ni James Matthew sa akin ngayon. Andito na kasi kami sa loob ng university.
Kakatapos lang kasi ng sembreak at eto na ang second semester. Hindi naman mawala ang sobrang kaba ko. Dahil ngayon mas kailangan kong mag-ingat dahil sa pinagbubuntis ko.
“Don’t be nervous. Everything will be fine.”
Huminga lang ko ng malalamin bago sumagot kay sa kanya.
“Yes. Tama ka. This is going to be fine.”
“That’s Right. Fighting Ally, Fighting Baby.”
Napatingin din naman ako sa tiyan ko ng tingnan ito ni James Matthew. At nang magbalik ako ng tingin sa kanya. Ay agad ko siyang nginitian.
“That’s better. You should smile more. I remembe what Tita Marsha said. You should smile more so your baby will look more beautiful or handsome.”
Natawa naman ako sa kanya. Dahil ng pa-pogi pose pa siya. Habang ngiting ngiting nakatingin sa akin.
“Thank you. You always made me smile.”
“Oh really? Maybe you should treat me sometimes.”
“Sige pag may trabaho na ako. Kaya tara na papasok na ‘ko. Baka ma-late pa ako at hindi ka pa makapasok sa first subject mo.”
“Yeah right. Let’s go.”
Naglakad na kami ni James Matthew papunta sa class room ko. Kahit na sinabi kong ako nalang magisa ang pupunta sa class room ay nagpumili parin siyang ihatid ako.
Habang naglalakad kami sa may hallway narinig ko ang ibang usapan ng mga student na nakatambay sa bench sa gilid ng hallway.
“Nabalitaan niyo ba. Naaksidente pala si Lance. At nagpapagaling sa Spain.”
“Oo nabalitaan ko. Actually nakita ko sa post ni Brenda sa instagram at facebook yung picture na magkasama sila.”
Napahinto naman ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. Bigla din sumama ang pakiramdaman ko. Kaya agad akong nilapitan ni James Matthew.
“Ally, are you okay? You look pale.”
“Okay lang ako. Tara na.”
Alam kong hindi nasatisfied si James Matthew sa sinagot ko. Pero hindi na siya nagtanong pa muli at naglakad narin agad.
Nang makarating ako sa class room ko agad akong umupo sa upuan ko. Dahil para talagang sumama ang pahiram ko. Hindi ko lang ipinahalat kay James Matthew dahil ayokong mag-alala pa siya.
“Ally, if there’s something you want you just text or call me. And if you feel bad don’t think over. Just call me. Okay.”
“Okay. I will, you can leave now. May klase ka pa.”
Agad naman siyang napatingin sa wrist watch na suot niya. At napansin nga niyang baka malate siya. Dahil medyo malayo pa ng konti ng lalakarin niya. Nasa kabilang side kasi ng university ang class room niya para sa klase niya sa oras na ‘to.
“Sige Ally. Basta yung bilin at sinabi ko. Okay.”
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango tango. Bago siya patakbong lumabas ng class room ko.
Huminga naman ako ng malalamin dahil alam kong panibagong pangyayari na naman ito sa buhay ko. Malaking pagbabago ang magaganap ngayon. Lalo pa at may dinadala akong sanggol sa sinapupunan ko.
Alam ko din mahihirapan ako. Sumasabay pa ang nasa Conception Stage of Pregnancy ako. Kaya medyo mahirap gumising sa umaga. At ang pakiramdam na palagi kang gutom.
Mas huminga ako ng malalim ng dumating na ang professor namin. Agad naman akong napahawak sa tiyan ko.
“Baby, please. Let’s both make everything’s fine. Okay ba ‘yun. Fighting anak.”LadyCovetStories ♡
BINABASA MO ANG
Back To Each Other Arms
Romansa((⇨All the stories of Lady Covet Stories written in English-Filipino..⇦)) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. This story is about the son and daughter of the member of MBC. (Multi-Billionaire-Corporation) .♡⇨♡⇨♡⇨⇦♡⇦♡⇦♡. A story of a simple girl Allynna Samonte who will...