Chapter 3: Disaster

63.8K 3.2K 1.9K
                                    

CHAPTER THREE

_

After the battle? No, the abnormalities of the Crane ay naging parang terrorist spot ang buong living room. Triple disaster na ang tawag ko sa sobrang gulo nito.

Hinilot ko ang sintido ng bigla itong kumirot. Damn this, matatagalan ko ba ang mga hinayupak na 'to?

"Paano ba 'yan, iha. Kailangan ko nang mauna, hinahanap na ako ng Presidente" buntong hininga ni Tito.

I sighed. Mukhang maiiwan na nga talaga ako rito kasama ang mga tokmol niyang mga anak. Wala na ba akong ibang choice? You know, pwedeng pwede ko namang takasan ito pero natatakot ako sa binanta sakin ng ama ko. I just can't risk that.

Mukhang dito na nga talaga ako mabubulok. Pambihira.

"Sure. Take care, Tito" I gave him a bitter smile.

He smiled back ang tapped my shoulder.

"Remember, South, that in every punishment, there's a reason behind why's. Every hurtful word, there's a deeper meaning to it. So don't hate your father if he's doing this to you. You know this is for your own good" seryosong aniya.

Hindi ako makapaniwalang napangisi. I can't believe he's saying this to me.

"For my own good? I doubt it. And sorry to say this Tito, but I already hated my father, so much," diin ko sa huli.

Sorry but not sorry. Pero mukhang habang buhay ko ng kakamuhian ang Daddy ko. He's a ruthless man! I can't believe na naging Ama ko pa siya. Wala siyang kasing-sama. Mas masahol pa siya sa masahol.

Huminga ng malalim si Tito. "I understand your reasons why you hate him. Pero iha, tandaan mo, walang puwang ang galit sa mundo. Sana mapatawad mo siya bago pa mahuli ang lahat."

Nangunot ang noo ko. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla sa sinabi niya. I shove away that feeling inside me. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Tito. There's no way that I will forgive my father. Hindi ko kaya.

Hinatid ko si Tito sa labas ng bahay. Kasama ang mga abnormal niyang mga anak, thank God kasi hindi na sila nakabahag. Iyon nga lang TOPLESS lang sila! Psh, feel na feel talaga ng mga ito na ilantad ang mga katawan nila palibhasa may ibubuga. Mahamugan sana sila, tignan lang natin kung magawa pa nilang magtopless ulit.

With their lean, muscular body and shining shimmering tight abs, they would be mistaken as Calvin Klein models. Pang billboard. Pang cover ng magazine at pang profile sa Facebook.

"I have to go please enjoy your stay here, iha" sabi ni Tito sa akin na kinangiwi ko.

Enjoy? Siguro mas mage-enjoy ako kapag napatay ko na ang mga anak niya. Let's not hope I'll end up killing them.

"Dada, mami-miss ka namin" naiiyak na sabi ni Noah, the guy who has pink hair, at least I remembered their names now.

"Balik ka agad, Dada, ha?" sabi din ni Peter, the blue-haired guy, pumiyok pa ang boses nito.

"You will always remain in our hearts, Dada" malungkot na sabi naman ni Genesis, the one who has white hair. Ang isang 'to, maganda ang pagkakakulay ng buhok niya. Parang K-pop lang ang dating pero Greek God ang mukha.

Napailing ako. Ano namang pinagsasabi ng isang 'to? Patay lang?

"'Wag mo kaming kakalimutan, Dada. Basta size 10 ang paa ko. 'Wag mo ding kakalimutan ang mga chocolates namin, ha?" sabi naman ni Psalm, 'yong may Violate na buhok.

As far as I remember, babalik sa Manila si Tito at hindi mag a-abroad, psh.

Napatingin ako kay Bronze hair na tanda ko ay Isaiah ang pangalan. Sumisinghot ito at nagpupunas ng mga mata. Ano namang drama ng isang 'to?

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon