CHAPTER FORTY-TWO
_
"President.."
Kasabay ng paninigas ko ay ang pagtambol ng malakas ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. What is he doing here? He's not supposed to be here.
Inayos nito ang medyo nagusot na coat at blankong tumingin sa amin. Sa kabila ng paninigas ko ay matapang ko pa ring sinalubong ang tingin niya. Naramdaman ko ang pagtago ni North sa likod ko na parang pusang takot.
"President, kaunti nalang ang nahuli naming buhay. Karamihan sa mga kidnappers ay patay na," Lumapit ang isang pulis sa amin at sinabi iyon sa Presidente. "Pero ang pinuno nilang si Black ay buhay pa. Wala lang itong malay ngayon."
Tumango ang Presidente at binalingan ang pulis. "Ikulong niyo na siya. Maging ang ilang natira pa," he ordered in a deep voice then looked at me and to my sister.
"Akala ko natuto ka na, hindi pa pala. You're really stubborn, Southern. Pati kapatid mo ay dinamay mo sa katigasan ng ulo mo." Umiling-iling ito, kita ang pagkadismaya sa mga mata niya.
Tumungo ako at pinaglaruan ang dulo ng damit ko. "Na-kidnap ang anak ni Tito Jackal, alangan namang pabayaan namin," rason ko at muling sinalubong ang tingin niya. Describing him now is like describing a blank paper. Walang kahit na anong bahid ng emosyon ang mga mata niya.
"May mga pulis para rumesponde sakanila. Hindi niyo na kailangang makialam pa. Look what happened, ang daming namatay," he said, emphasizing the last word. "Next time, don't act like a Superhero because you are not."
Umiwas ako ng tingin habang nagtatagis ang bagang. Ang kaninang kabang nararamdaman ko pagka-kita sakanya ay napalitan na nang pagka-irita. Anong gusto niyang gawin ko? Ang mag-relax habang nasa lungga ng mga kidnappers si Isaiah? He's impossible! Susumbatan ko na sana ito pero biglang hinawakan ni North ang braso ko para pigilan.
"Dad. Wala akong nakikitang masama sa ginawa - "
"Shut up, Northern! Isa ka pa!" sigaw ng Presidente dahilan para matahimik si North at napatago ulit sa likod ko. "You runaway for what? To get away from your responsibilities? Dahil sa ginawa mo ay nagalit tuloy si Rigor!"
Humigpit ang kapit ni North sa braso ko. Nanginginig ito at nanlalamig. She's scared. Noon pa man ay takot na ito sa Ama namin, lalo kapag nagagalit sakanya. Kahit sino naman siguro ay matatakot sa Presidente. He's ruthless, a man who doesn't like to make mistakes. Saka mo lang ito makikitang ngi-ngiti kapag nasa harap ng maraming tao pero kapag kami ang kaharap, para na siyang leon na kakain ng tao.
"I - I'm sorry, Dad. I'm not running away from my responsibilities, I just don't want to marry Eiji Buencamino," dahilan ni North sa mababang boses.
"That's your responsibility!" He growled. Walang laban ang lamig sa paligid sa pagliliyab niya sa galit. Imbes na bigyan kami ng init, pinapaso kami nito. "'Wag mong sabihin na gagaya ka sa kapatid mong ito? Alam mong ikaw lang ang inaasahan ko sa pamilya dahil ikaw ang panganay. Don't disappoint me, Northern. I'm telling you!"
North sobbed behind me. Nakagat ko ang ibabang labi. Kahit sobrang sama ng mga ginawa sa akin nito noon, aaminin kong ayaw ko pa ring naririnig ang iyak niya. Kahit gaano pa ito ka-impakta, mahalaga pa rin siya. Pero syempre hindi ko iyon sasabihin sakanya.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...