Chapter 39: Kidnapped for Ransom

37.6K 1.7K 949
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

_

Pagmulat ko ng mga mata ay agad na tumambad sa akin ang isang hindi pamilyar na kisame. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napabangon pero biglang sumakit ang ulo ko kaya napahiga ulit ako.

"Dammit!"

Sinapo ko ang ulo. Parang pinupukpok at binibiyak ito sa tindi ng sakit. Wala akong magawa kundi ang dumaing at sabunutan ang sarili ko, nagbabaka-sakaling humupa ang sakit pero hindi naman.

"Damn," I cursed under my breath. Mariin kong pinikit ang mga mata nang muling sumikdo ang sakit.

Ano bang nangyari?

"Ayan, mag-iinom hindi rin naman pala kayang panagutan ang kakalabasan kina-umagahan," someone says.

I open my eyes only to see North smirking at me. Naka-sandal ito sa pader, nakahalukipkip, tuwang-tuwang nakikita akong naghihirap ngayon.

Pinangunutan ako ng noo. Nag-inom ako? Saglit akong natigilan at inalala ang nangyari kagabi. Alright, fuck. I got wasted with CB.

Dumaing ulit ako sa sakit ng bigla na namang kumirot ang ulo ko. Damn this!

"Anyways, good morning, my dear sister," North mocks.

Tinignan ko ito ng masama. "'Wag mo akong ngisian, North. Wala ako sa mood at baka masapak kita diyan," banta ko bago pinalibot ang tingin sa kwartong kinalalagyan ko. Tila sasabog ang ulo ko nang mapagtanto kung nasaan ako.

"Anong ginagawa ko dito sa maid's room?!" I barked at her.

She rolls her eyes. "Duh! Lasing na lasing ka kaya kagabi. You're so heavy and I can't carry you upstairs, kaya kinaladkad nalang kita papunta dito," sagot niya habang sinusuri ang mga kuko sa daliri.

Sumandal ako sa headboard ng kasama at masama siyang tinignan. "Lumayas ka nga sa harap ko, mas lalo akong nabwi-bwisit sa'yo!"

Mas lalong nababawasan ang pasyensiya na meron ako sa t'wing may hangover ako. At ngayong nandito si North, baka magulat nalang ako makita na siyang nakabulagta sa pang-aasar sa akin.

Instead of listening, North glare at me and stomped her feet on the ground. "You're so annoying! Kagabi mo pa sinasabi sa akin 'yan! I'm not bwisit-ing you! You make me bwisit na!"

Her conyo added pain in my head.

"North, kung gusto mo pang mabuhay paki-usap, lumayas ka na sa harap ko dahil baka makarate kita diyan!" mariin kong banta habang hinihilot ang sintido.

She's really making me bwisit-bwisit. Ayan, langya, nagaya pa ako sakanyang conyo.

"Hmp!" Irap nito at nagmartsang lumabas ng kwarto.

Nabunutan ako ng tinik. Salamat naman at lumayas na ang gaga. Humugot ako ng malalim na hininga bago bumangon. Nakaramdam ako ng hilo kaya tumigil ako sandali. Nang maayos na ay saka ako lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa kusina at naabutan ang mga Crane na tuwang-tuwa sa pagkaing kinakain. Mukhang pinagluto sila ni North.

"Meatloaf!" tili ni Noah habang pumapalakpak pa.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon