Chapter 14: Abs Society

49.8K 2.3K 676
                                    

CHAPTER FOURTEEN

_

"South, sigurado ako na dito 'yun!"

Tumigil ako sa paglalakad saka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang manggas ng damit. Bumuga ako ng hangin bago siya hinarap.

"Sigurado ka? Eh, kanina pa tayo pa-ikot-ikot sa lugar na 'to hindi parin natin nahahanap ang letcheng Kindergarten na 'yan!" reklamo ko.

Inis kong pinunasan ang tumulong pawis sa leeg ko. Ang aga-aga naliligo na kami agad sa pawis. Kasalanan 'to ng Isaiah na 'to eh. Ilang araw na niya akong kinukulit tungkol sa Kindergarten na gusto niyang pasukan kaya sinamahan ko na ito. Ang problema lang ay hindi namin mahanap-hanap kung asan ang Kindergarten na tinutukoy niya. Kanina pa kami pa-ikot-ikot sa lugar na tinutukoy sa papel na meron siya pero wala naman kaming makita. Imbes na school, playground ang nakikita namin.

Playground na maraming bata, tss.

Hindi ko alam kung ano ang trip ng Crane na ito. He's eighteen, lean and smart but he wants to attend Kindergarten. Sa sobrang talino niya na-apektuhan na siguro ang utak niya.

Madala nga 'to sa Doctor at ipa-checkup.

"Pero sabi dito sa papel, dito lang 'yun. Hindi kaya... hala!" His eyes went wide in horror. Kinabahan ako kaya tinanong ko.

"Bakit?"

Tumingin siya sa akin na nanlalaki parin ang mga mata. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko kaya sumunod ang tingin ko sa kamay niya.

"Hindi kaya kinuha na ng UFO ang school ko, South? Kinuha ng mga alien ang Twinkle Star Kindergarten!" He cried, looking so horrified.

I looked at him flatly. Tinanggal ko ang kamay niyang naka-kapit sa akin at bagot na tinapunan ng tingin.

"Walang UFO, Isaiah, at mas lalong walang mga aliens, tss."

"Meron, South! Meron!" Pagpupulit niya.

"Akala mo lang meron! Pero wala!"

Ang taas ng sikat ng araw. Mainit ang pakiramdam ko at dumadagdag pa ang ka-abnoyan nito sa init ng panahon. Kung hindi lang ako makakasuhan ng homicide baka natuluyan ko na ito. And he seriously believes in aliens? Walang alien, mukhang alien lang ang meron.

"Meron! Eh, nasaan na ngayon ang school ko?" nakangusong tanong niya.

Napabuntong-hininga nalang ako. Bukod sa pagod na ako ay nauubusan na naman ako ng pasensya sa isang 'to. Ang aga-aga naming gumising para lamang dito. First day of school ko pa naman ngayon sa Abs University. Mabuti nalang mamaya pa ang schedule ko kaya nasasamahan ko pa ang isang 'to.

"Psh, magtanong tayo" sumuko na ako. Masakit na ang paa ko at nagugutom na rin.

Nagtungo kami sa playground ni Isaiah kung nasaan ang mga batang naglalaro. May mga kasama ang mga itong mga yaya nila.

"Isaiah, dito ka lang at magtatano — eh, nasaan na 'yon?" Nawala ito bigla sa tabi ko kaya mabilis akong tumingin sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ito ngunit agad ding nagsalubong ang mga kilay nang makitang lumapit ito sa mga batang naglalaro sa swing.

"Hello! Ako Isaiah, ikaw ano name mo?" masayang tanong nito sa isang batang babae na may malaking Hello Kitty headband na suot.

Tumaas ang kilay ng bata at inirapan si Isaiah. Aba! Bastos 'tong batang 'to, ah! Nagtatanong ng maayos ang tao eh!

"I don't talk to strangers" aniya at pinagpatuloy ang pagswi-swing. Ignoring Isaiah.

"Hindi na ako stranger kasi sinabi ko naman na ang pangalan ko" sabi ni Isaiah at kinindatan pa ang bata.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon