CHAPTER NINE
_
"South, ang sarap talaga ng spaghetti mo!" masayang sabi ni Psalm habang sinisimot ang plato niyang may sauce ng spaghetti.
"Oo nga, kakaiba pa. Spaghetti na kulay brown, astig!" namamanghang komento naman ni Noah.
"Timog, ano bang ginamit mong sauce? Ang sarap kasi" nagningning ang mga mata ni Peter.
"Mang Thomas" bored kong sagot at uminom sa juice ko.
Nasa kusina kaming lahat at bilang pangako sakanila ay pinagluto ko sila ng brown Spaghetti. Gustong gusto kasi nila yung una kong luto kesa sa ordinaryong spaghetti na kulay pula. Ewan ko kung masarap talaga ang luto ko. Hindi ko pa natitikman, eh.
May duda pa ako sa sarili.
"Ang saraaaaapp!!" Isaiah exclaimed, dancing in his seat.
"Sana natikman ni Dada ito bago siya umalis. Pero ayos narin na hindi niya natikman baka kainin niya lahat, eh!" tawa ni Psalm habang pinapa-ikot ang noddles sa tinidor.
Nagpaalam at umalis narin kanina si Tito Jackal matapos ang question and answer portion namin ng mga Crane. Aniya, may aasikasuhin pa raw siya para sa nalalapit na SONA ng Presidente.
"Genesis, hindi ka ba nasasarapan sa spaghetti ni Timog?"
Napatingin ako kay Genesis sa naging tanong ni Peter. Matapos ang weird na inakto nito kanina ay parang walang nangyari na lumabas ulit sa kwarto niya. Hindi ako nito matignan sa mga mata na siyang pinagtataka ko pero pinagsawalang-bahala ko rin. Ngayon ay tahimik na itong kumakain ng spaghetti at saka lang magsasalita kapag may kakausap sakanya.
"No" sagot nito pero pangatlong round na niya ng kain.
"Masarap kaya" nakangusong sabi ni Isaiah.
Sighing, I put my glass on the table and stood. Sumama ang pakiramdam ko bigla. Siguro epekto ng expired tobleron ni Tito Jackal.
"Noah, ikaw maghugas" utos ko sa panganay saka tumalikod. Akmang aalis na sana ako ng kusina pero may nagsalita.
"Where are you going?" tanong ni Genesis.
Napangisi ako at humarap sakanya.
"My room. Wanna join me?" Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Ang sasabihin ko sana ay wala siyang pakialam kung saan ako pupunta — but fuck! Why the hell I blurt that out?! I should punish my mouth later.
Genesis's eyes widened and he quickly averted his gaze from me. His face flushed, mirroring mine. Dammit, Southern!
"Anong gagawin niyo sa kwarto mo, South?" inosenteng tanong ni Psalm.
Ano nga ba? Oh, God. Baka kung ano ang isipin nila!
"M-maglalaro lang sana kami ng Jackstone, pero h'wag na pala. Mukhang ayaw niya, eh" palusot ko bago nagmamadaling umalis.
Mabilis akong umakyat sa kwarto at pagkasara ko ng pinto ay agad kong tinakpan ang bibig. That was embarrassing! Napabuntong-hininga nalang ako saka nahiga sa malambot kong kama.
Bigla kong naalala ang pagiging matalino ng mga Crane.
Hanggang ngayon parang bangungot parin sa akin na malamang matatalino sila. Hindi talaga kapani-paniwala.
Hays. Ewan. Pero at least, masaya naman ako kahit papaano na may laman pala talaga ang utak nila. May himala sakanila.
Habang nakatitig sa kisame ay biglang napako ang tingin ko sa bintana ng kwarto ko. It's open and I heard noises from outside. Curious, I rise and look at what's happening outside. Ganoon nalang ang pagbuntong-hininga ko nang makita ang mga magkakapatid na nagtatampisaw sa infinity pool. Naka-trunks sila at kung ano ang kulay ng buhok, iyon din ang kulay ng swimming shorts nila.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...