Chapter 55: Calming the Monster

30.7K 1.5K 889
                                    

CHAPTER FIFTY-FIVE

_

NOAH CRANE

Nakanguso ako habang nakatingin sa karayom na nakatusok sa kamay ko. May mga benda ako sa katawan maging sa mukha. Masakit ang katawan ko at hindi ko ito ma-i-galaw kaya nakahiga lang ako sa kama.

"Gusto mo bang kumain, Junakis the first?"

Dahan-dahan akong tumingin kay Dada. Namumula ang mga mata nito kanina pa kasi siya umiiyak akala mo naman namatay kami.

Binuka ko ang bibig ko para sana sabihing ayaw ko kumain kaso hindi ako makapagsalita. Namamanhid ang buong mukha ko.

Lumapit sa akin si Dada at marahang hinaplos ang ulo ko.

"May masakit ka bang nararamdaman? Sabihin mo kay Dada, tatawag ako ng Doctor." Umiling ako.

"Ayos ka lang ba? Gusto mo ba ng Fried Chicken?" Kinurap ko ang mga mata. Huhu, gusto ko ng fried chicken!

Ngumuso si Dada at naiiyak tumitig sa akin. "Ang pangit mo na Junakis."

Tumulo kaagad ang mga luha ko. Gusto kong magpumiglas at sabihing hindi iyon totoo. Hindi ako pwedeng pumangit!

T_____T

"Pero 'wag kang mag-alala gwa-gwapo ka ulit kapag gumaling ka na. Magpagaling ka kaagad, ha? Miss ko na ang bobo kong anak," sininghot nito ang ilong saka hinalikan ako sa noo.

Wala akong magawa kundi ang ngumuso, gusto kong yakapin si Dada at punasan ang tumutulo niyang sipon kaso hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi nga ako makapagsalita para sabihing mahal ko siya, eh.

Huhuhu! Ayoko na ng ganitong pakiramdam gusto ko na ulit gumalaw. Miss ko na mag-tumbling sa bahay.

Tumingin ako sa paligid. Puros puti ang nakikita ko, gusto ko sanang isipin na nasa langit na ako pero nakikita ko si Dada. Hindi kasi siya mukhang Anghel, hindi siya bagay sa langit.

"Dito ka muna anak, ha? Aayusin ko lang ang higaan ni Psalm."

Pinanood ko si Dada na lumipat sa katabing hospital bed ko. Mula rito ay nakita ko si Psalm na katulad ko ay nakahiga rin at maraming benda sa katawan. Hindi parin ito nagigising. Sa katabing kama naman niya ay nandoon si Peter na katulad din namin ang lagay. Wala parin silang malay na dalawa.

Kumirot ang dibdib ko sa pinaghalong pag-aalala, sakit at galit sa mga taong nanakit sa mga kaps ko. Hindi ko sila mapapatawad sinaktan nila kami, mga wala silang awa, puso, kaluluwa, atay, at balunbalunan! Hindi ko ito mapapalampas, isusumbong ko sila sa Power Rangers, ipapahanap ko sila kay Dora, ipapa-kidnap ko sila sa Ninja Turtles at ipapatay ko sila kay Genesis!

Hindi ako maaawa sa mga katulad nilang nananakit ng kapwa! Sana pumanget sila lalo.

Napatingin ako ulit sa mga benda ko sa katawan. Mas lalo akong napaluha nang makita na sobrang dami kong sugat, lagot kami kay Timog. Siguradong papatayin niya kami. Waaaah!

"Junakis! Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Sabihin mo kay Dada!" natatarantang lumapit si Dada at pinunasan ang mga luha ko.

"T...Timog.."

Paano kapag nakita niya kami? Paano kapag ibitin niya kami patiwarik at hindi pakainin, huhuhu!

Pansin ko na natigilan si Dada. Pinilit kong igalaw ang kamay ko at hinawakan ang kamay ni Dada.

"Magagalit si Timog, Dada..."

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon