CHAPTER FORTY-FIVE
_
NOAH CRANE
"Psalm, sigurado ka bang okay ka na?"
"Oo, Kaps, hehe."
Ngumiti ako. "Mabuti naman. May laban na kasi tayo ng Basketball mamaya kaya kailangang magaling ka na."
Ngumuso ang cute kong kapatid. "Pero hindi pa tayo marunong mag-basketball, Kaps. Paano tayo mananalo niyan?"
Bumuntong-hininga ako at sumandal sa likod ng upuan. Nasa bahay na kami at maayos na rin ang lagay ni Psalm. Nang sabihin ni Doctor Armstrong Hard na pwede na siyang iuwi ay agad kong tinawagan si Timog. Inutusan niya kaming inuwi na si Kaps para makapagpahinga dito sa bahay. Ngayong okay na si Kaps, iyong Intramurals na ang sunod naming iniisip.
"Hindi ko rin alam. Paturo kaya tayo kay Timog?"
Magaling mag-basketball si Timog. Noong tinuruan niya kami, grabe! Ang astig-astig niya! Para siyang si Sakuragi, hehe.
"Pero tulog pa si South," nakangusong sabi ni Isaiah. May bakas ng gatas sa taas ng bibig niya kaya mukha tuloy siyang matanda na may puting balbas.
Umaga palang at dahil Intramurals daw namin ngayon ay pwede kaming pumasok lang kapag malapit na ang oras ng laro namin, hehe. Ang cool nga, eh! Sabi ni Genesis, alas tres ng hapon daw ang laro namin kaya mamayang hapon pa kami papasok.
"Gisingin kaya natin?" suhestiyon ni Peter habang naghihikab.
"Baka magalit siya. Ayaw ko pa namang nagagalit si South."
Ayaw ko rin magalit si Timog. Nakakatakot kasi. Para siyang kakain ng buhay.
"Don't wake her up. Let her sleep," sabi ni Genesis kaya tumango kami.
"Alam niyo, Kaps, feeling ko may anak ako sa labas," sabi ni Peter kaya napatingin kami sakanya. Malayo ang tingin niya at ang mukha ay puno ng pagtataka.
"Titignan ko nga," sabi ni Isaiah at binuksan ang pinto at sumilip sa labas. "Sinungaling ka naman, Peter! Wala ka namang anak dito sa labas, ah?"
"Bawal ang sinungaling dito sa bahay, Peter," sabi ni Psalm matapos uminom sa gatas niya.
Ngumuso si Peter. "Meron nga!"
"Wala talaga, Peter. Kahit tignan mo pa sa labas," sabi ni Isaiah.
"Wala naman pala, eh. 'Wag kang mag-fake news, Kaps. Bawal na 'yan," sabi ko at uminom din sa gatas ko.
Sumimangot ito at nagpapadyak sa upuan. "Meron kasi talaga!"
"How do you say so?" tanong ni Genesis habang hinahalo ang tsaa niya. Ayaw niya kasing mag-gatas ng NiDa, iyon ang gatas namin.
"Kahapon kasi may tumawag sa akin ng Daddy. Kaya feeling ko anak ko siya," sabi ni Peter. "Mga Kaps, ano sa tingin niyo? Hindi naman niya ako tatawaging Daddy kung hindi ko siya anak 'di ba?"
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...