CHAPTER THIRTY-THREE
_
Tila huminto ang oras sa loob ng canteen. Lahat nagulat at napanganga sa inanunsyo ni Gab. Ang mga Crane ay tumingin sa akin nang nagtatanong na mga mata. Naghihintay na kompirmahin ko ito.
Mas lalo tuloy akong naguluhan. Ano ba ang ibig sabihin ng Girlfriend na iyan? Bakit ganito nalang mag-react ang mga tao? May iba pa bang ibig sabihin nito bukod sa babaeng kaibigan lang? Psh, gulong-gulo na ako.
"Now that you know, back off." Gab's threatening voice snapped me back to him. He has a sardonic smile plastered on his face as he looks at Genesis with arrogance.
"Girlfriend, my ass," Genesis sneered making me turn my gaze at him. Nakangisi ito pero hindi ko mabasa kung ano ang nasa-isip. Ang tingin niya kay Gab ay nilipat niya sa akin bago nagsalita. "She's just your girlfriend, Cortez. But she originally belongs to me."
My breath evaporated from my chest. My heart thumps erratically while my mouth went dry. I felt like drowning—not in the water, ocean nor pool. It was his eyes that black and deep, like a bottomless well. They're hauling me in, luring me to be his prisoner—and I gave in, I fell. Fell as deep as his well.
Wala sa sariling kinapa ang dibdib kung saan nakalagay ang puso ko. Pakiramdam ko, itong nararamdaman ko ang papatay sa akin. There's really something wrong with me. Una si Gab, ngayon si Genesis.
"Are you listening, Genesis? Ang sabi ko, girlfriend ko na siya. She's only mine. So, don't own what's mine," mariing sabi ni Gab. His voice held so much possession.
Mas lalong nadagdagan ang tensyon sa paligid. Ang mga estudyanteng nanonood ay halatang takot gumawa ng ingay. At ako, hindi umiimik dahil iniisip kung ano itong mga nararamdaman kong hindi normal.
"She's mine first, Cortez. Epal ka lang," sabi ni Genesis. I was slightly shocked when he spoke Tagalog. Inaamin ko na mas gumwapo pa siya sa paningin ko dahil doon.
"Oo nga! Epal ka, Gab!" sang-ayon ni Psalm.
Gab glared at him. "Mas epal kayo!"
"Ang gwapo naman naming epal!" Noah snorted. At nagawa pang isingit ang kahanginan niya.
"Saang banda ang gwapo sa'yo, Noah?" pagsasalita ng isang kaibigan ni Gab na si Kier.
"Sa lahat ng banda!".
Kier smirked at him. "Mas gwapo pa rin ako kesa sa'yo!"
"Talaga lang? Bakit? Ilan ba followers mo sa Twitter?" Noah raised a brow at him.
"Wait, titignan ko," Kier took out his phone. "I have 2 million followers. Ikaw? Ilan followers mo?" Mayabang na tingin niya kay Noah.
"Wait, titignan ko rin," At nilabas din ang cellphone. "Meron akong 4 million followers. Mas marami ang sa akin kesa sa'yo kaya mas gwapo ako!"
Ngumuso si Kier. "Mas gwapo ka nga."
Palipat-lipat ang tingin ko sakanila. Nakanganga habang nanonood. Kailan pa naging basehan ang followers sa ka-gwapuhan? Seryoso ba ang mga Adonis na ito.
"May Twitter ka, Kier? Follow mo ako!" sabi ni Peter at naglabas ng cellphone.
"Meron. Anong username mo?"
"Peter_Tirador_Crane, hehe. Ikaw? Follow din kita!"
"KierPinter, follow back mo ako ha?"
"Waaah! Ako din, Kier! Follow mo, PsalmPaggetilover0003!" At naglabas na rin ng cellphone so Psalm.
"Psalm, best friend tayo 'di ba? Follow mo rin ako, AceCandyForSaleTresLang!" sabi ni Ace habang nagpipindot sa cellphone.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...