Hi sa lahat ng mga Grade 8 STE-P! Lalo na kina Clariza Balobalo and Frankie Nicole Bonganay! Thank you for spreading the love to the whole section, hihihi! Hi rin pala sa sexy kong reader na si Christaleign, hahaha! Mwahhh! Lovelots <3
KEEP SMILING :)
CHAPTER SIXTY TWO
_
PSALM CRANE
"Psalm, bakit hindi sila gumagalaw?" bulong ni Isaiah.
"Baka nagma-manequin challenge sila?"
"Waaah! Sali kaya tayo kaps? Pero teka, bakit may hawak silang mga baril?"
Tumingin ako sa mga naka-itim na lalaki na may suot na necktie, bigla silang dumating kanina at sinabing pinadala sila ni Dada. Nagkalat sila sa bawat sulok ng bahay namin, may mga bitbit na baril at minsan pa nga nagsasalita silang mag-isa tapos hahawak sa tainga nila.
Hula namin ay mga baliw silang tagabantay. Pero bakit nila kami binabantayan?
"Hindi kaya mga Penguin of Madagascar ang mga 'yan?" tanong ni Peter.
"Hindi rin, Kaps. Baka Ninja Turtles," sabi ni Noah at masigang lumapit sa bantay na nakatayo sa gilid ng sala. "Kuya, ikaw ba si Donatello? Pinadala ba kayo ni Sensei para bantayan kaming mga inosenteng tao?"
Tinignan lang siya ng lalaki tapos ay hindi na ulit pinansin. Ay, snobber si Kuya.
"Famous ka ba, Kuya? Bakit hindi ka namamansin?"
"Baka 100 likes ang profile picture niya sa Facebook, Kaps. Famous 'yan, halika na rito 6 likes lang ang sa'yo," sabi ko kaya nakangusong bumalik siya sa amin.
"Dapat nga 7 likes, eh pero hindi nila-like ni Timog ang mga picture ko. Buti pa ang mga bombay interested sa mga selfies ko."
Tinapik ko ito sa balikat. "I feel you, Kaps."
Buti pa si Noah maraming friends sa Facebook, ako kasi anim lang. Hindi pa nga ina-accept ni South ang friend request ko, eh.
T_____T
Buti pa sila ni Noah friend na.
"Don't Touch Me!"
Sabay-sabay kaming napatingin sa sumigaw at nakita si Genesis na bitbit ng dalawang bantay. Pinasok nila ito sa bahay.
"Mahigpit na bilin ni Sir Jackal na walang lalabas sa inyo. Manatili lang kayo rito sa loob," sabi ng isa bago sinarado na muli ang pintuan.
"Fuck!" Nagpapadyak si Genesis at masamang tinignan ang pintuan na parang si Gab iyon. Ganoon kasi palagi ang tingin niya, hehe.
"Genesis, dito ka lang kasi. Bakit ka ba nagpupumilit na lumabas?" si Kaps Isaiah.
Binagsak ni Genesis ang pwet sa sofa, tabi ni Peter. Angry bird ang itsura nito kaya tumahimik kami. Mahirap na baka bigla na naman siyang sumabog.
"I'm waiting for Witch. It's midnight and she wasn't home yet!" Hinilot nito ang sintido. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
"Inaantok na nga rin ako pero hindi ako makatulog ng wala si South," humikab ni Isaiah.
Bumagsak ang mga balikat ko at ngumuso. Lagi nalang umaalis si South at gabing-gabi pa umuuwi. Nag-aalala na kami sakanya, paano nalang kung may makasalubong siyang Wonder Pets diyan sa labas? Paano nalang kapag-uminit ang sulok ng mga mata ko nang maalala ang mga lalaking nanakit sa amin at sumaksak kay Isaiah. Paano kapag makasalubong si South ng mga ganoon pag-uwi niya? Sandali, may mapa ba siya? Hindi kaya ito hindi pa umuuwi ay naligaw na siya? Jusko!
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...