CHAPTER FIFTY-NINE
_
"South, okay ka lang?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Swiss dahil hindi ko matanggal ang tingin kay Genesis at sa haliparot na kung makahaplos sakanya ay parang sawa. Makamandag ang bawat galaw niya at itong walangyang tokmol naman ay walang pakialam. Nagtabi pa sila ng upuan akala mo sasabak sa kiss cam.
Everyone was gushing around them like they were the most popular love team in Hollywood. Halos mapunit ang ngiti ng haliparot samantala ay wala namang emosyon ang tokmol. Nagkunwari pang cool, siguradong tuwang-tuwa na iyan sa loob-loob.
Nanggigigil kong kinuyom ang mga kamay. If my death glare could shoot bullets, Genesis would be dead now. Akala mo kung sinong pa-mysterious pero malandi palang tunay.
"Uhm...South, 'yung tinidor mo, bumaon na sa lamesa."
I snap my gaze to the bent fork in my hand. Binitawan ko ito at dinampot nalang ang bote ng soft drinks ko at tinungga na tila ilang araw hindi uminom.
Nang maubos ay binagsak ko sa lamesa ang baso, sa ingay ay napalingon sa amin ang ilang malapit sa lamesa namin.
Swiss swallowed as she reached for a tissue and offered it to me. "South, okay ka lang ba talaga?"
Lumingon muli ako sa direksyon ni Genesis. At sana hindi ko nalang ito ginawa dahil naabutan ko siyang sinusubuan ng sawa. Nagtatagis ang bagang na umiwas ako ng tingin.
"Okay lang ako."
Okay lang ako? I can't believe the most common lie could be used by me.
Hindi ko maintindihan ang sarili. Pakiramdam ko ang init-init ng loob ko, gusto kong magwala, gumawa ng eksena pero natuon ako sa pwesto. My mind was in turmoil, so was this stupid thing beating inside my chest. Mariin kong pinikit ang mga mata at sunod-sunod nagpakawala ng hininga bago nagmulat.
"Mukha ka kasing papatay, South. Nakakatakot ka," Swiss shuddered, embracing herself.
Mukha akong badtrip? Psh. Kinuha ko ang baso at akmang tutunggain ito pero nakita kong naubos ko na pala ang laman. Tss, nakakabadtrip nga naman.
"Bibili lang ako ng tubig." Tumayo ako at diniretso ang lakad habang iniiwasang mapatingin sa pwesto ng mga sawa. Masyado akong focus sa pag-iwas kaya hindi ko naiwasan ang bumangga sa akin.
I shuddered as I felt the cold liquid pouring down my shirt and seeping through the fabric. Napamaang ako nang makita ang milkshake na nabuhos sa damit ko, mariin kong pinikit ang mga mata, nagtitimpi habang humuhupa ang lamig sa katawan ko.
"Oh God! I'm sorry! I did not see you! Pasensiya na talaga!" An earsplitting voice made me open my eyes only to see their Queen standing in front of me, holding an empty bottle of milkshake. "I did not do it intentionally. Hindi kita napansin. I'm sorry that was so careless of me."
Her voice was soft like a feather, like an Angel singing you lullaby. Add that her innocent smile that could melt anyone into a puddle. Mukha siyang Santa sa totoo lang, makinis, maputi, halatang kompleto palagi ang tulog. I could not deny the slight pang of jealousy in my chest but it quickly dissipates when realized I am much better than her.
I stared at her fragile-looking face. Mukhang makatutuhanan ang lahat ng sinabi niya pero hindi kasi ako fan ni Barbie. Hindi rin ako mahilig sa Anghel, lalo kapag niluwa na sa Heaven.
And something in my gut screams danger around her. So I was prepared.
"Queen!"
Lumapit sakanya ang dalawang alipores at sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa na tila naghahanap ng sugat.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...