KEEP SMILING:)
CHAPTER SIXTY-FOUR
_
GAB CORTEZ
"A Corpus Callosum is a large bundle of nerve fibers linking the left and right cerebral hemispheres."
Nagsasalita si Sir sa harap pero wala akong naiintindihan dahil walang pumapasok sa utak ko. Nakahalumbaba lang ako sa lamesa habang nakatitig sa matulis niyang baba. Mukha lang nakatutok ang atensyon ko sakanya pero ang totoo ay naglalakbay na sa ibang planeta ang isip ko. Hindi ko magawang makapag concentrate sa klase kahit gustuhin ko man.
"This is also the great band of commissural fibers uniting the cerebral hemispheres of higher mammals including humans."
Hindi ko matanggal sa isipan ang mga nasaksihan kagabi, tila ako masisiraan, hindi nagfu-function ng maayos ang utak ko. Gusto kong iuntog ng paulit-ulit ang ulo sa pader hanggang sa mawakwak ang utak ko at mawala dito ang kabimbal-gimbal na iyon.
"Mr. Cortez! Can you repeat what is Corpus Callosum?"
Bakit sa lahat ng pwede kong masaksihan, bakit iyon pa?
"MR. CORTEZ!"
Muntikan na akong mahulog sa upuan nang sumigaw ng napakalakas si Sir. Pinandilatan niya ako ng mga mata habang nakapamewang. Napayuko ako nang mapansin na nasa akin lahat ng atensyon ng mga ka-klase ko.
"Sir..."
"I've been calling your name for countless times! Saang planeta ba naglalakbay 'yang utak mo?"
Nagkamot ako sa batok ko. "Sorry po."
"O siya, that's all for today! Tomorrow we have a quiz so don't be absent!" aniya at niligpit ang libro niya.
Medyo nakahinga ako ng maluwag nang matapos na ang klase. Salamat naman, wala kasi talagang pumapasok sa utak ko eh.
"Sir!" Nagtaas ng kamay si Noah kaya bumaling sakanya si Sir.
"Yes, Mr. Crane?"
"Tanong ko lang po, nagiging astronaut ba ang utak natin? Sabi mo kasi Sir na naglalakbay sa planeta ang utak ni Gab. Baka pwede rin pumunta sa Jupiter ang utak ko!" His eyes sparkled with hope.
Napanganga si Sir pero ang ibang ka-klase namin ay nagtawanan. Masama ang tingin sakanila ni Genesis kaya kaagad din silang natahimik.
"That's not what I mean, Mr. Crane. Naglalakbay ang utak means, absentmindedly."
"Huh? Absent? Always present po ang utak namin. Baka utak mo Sir ang absent?" aniya kaya muling nagtawanan ang mga ka-klase namin pero agad ulot natahimik dahil sa matalim na tingin ni Genesis.
Umiling si Sir, bagsak ang mga balikat na lumabas ng room na tila dismiyado. Oh well, nakaka-dissapoint naman kasi talaga ang kawalaang sense ni Noah.
"Kita niyo? Kinakausap ko si Sir pero bigla akong tinalikuran at iniwan, bastos na bata!" Noah seemed disappointed too.
Natatawang napailing naman ang mga kaibigan ko sakanya. Amusement dances on their eyes. Crane Brothers always made them amused. May mga nakakatawang personality kasi ang mga ito kaya tuwang-tuwa sakanila ang mga tao.
"Gab, you okay?" tanong ni Ace. Nag-aalala ito kaya ngumiti ako ng tipid. "Kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili. Actually, magmula kaninang pagpasok mo lumilipad na ang utak mo."
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...