Chapter 11: The Prince is my Kidnapper

54.2K 2.6K 1.5K
                                    

CHAPTER TEN

_

Pagkabalik ng mga Crane sa bahay ay nanatiling tulala parin ako sa sala. Naglo-loading parin sa utak ko hanggang ngayon ang mga sinabi ni Daddy. Inangat ko ang kamay at muling pinakatitigan ang binigay niya. Para lamang itong itim na parihaba at maliit na lego brick.

"Isang pindot. Isang tulong ang lalapit sa'yo. Remember this, South, I may not always be on your side but I'm still watching you from afar." Nag-replay sa utak ko ang sinabi niya.

Isang pindot, isang tulong. So bale, tatlong tulong ang dadating sa akin kapag pinindot ko lahat to. Ang pinagtataka ko lang ay bakit niya ako binigyan ng ganito? As if naman kakailanganin ko ang tulong niya. I can always take care of myself.

Atsaka anong ibig niyang sabihin sa pinapanood niya ako sa malayo? Ano ako teleserye na sinusubaybayan?

"Iligtas natin ang lipunan."

Ang lakas talaga ng tupak niya. Anong akala naman niya sa amin? Siya itong Pangulo ng bansa kaya siya ang mag-ligtas ng mag-isa. Masyado akong busy na tao.

"South, ano iyan?"

Napaiktad ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Psalm. Pero mas nakakagulat ang sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Isang dangkal ng daliri nalang, maghahalikan na kami.

I point my index finger on his forehead and push his face away from me. Mabilis kong tinago ang pendant na parang lego brick sa bulsa bago ito hinarap.

"It's nothing. Nasaan na ang mga ka-tokmol mo?" tanong ko bago tumayo at dinampot ang dalawang folder na iniwan ni Daddy. Inipit ko ang mga ito sa braso.

"Nasa kusina, kumakain. Grabe, South! Ang sasarap ng pagkain hehe!" He beamed, referring to the foods I ordered from my Dad. Binigay nga nito lahat ng hiningi ko.

"Okay. Basta mag-tira kayo ng pasta para sa akin. Aakyat lang muna ako sa kwarto ko" paalam ko at tatalikuran na sana ito nang pigilan niya ako.

"Teka, South!"

"Oh?" Tinaasan ko ito ng kilay.

Ngumuso ito saka nagkamot ng ulo. Kita sa mga mata niya na may pag-aalinlangan itong sabihin ang kung anumang nais niyang sabihin kaya nagsalita ako.

"Spill it, Psalm. I already want to take a nap."

Humugot muna ito ng malalim na hininga bago tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"H-hindi mo naman siguro kami iiwan 'di ba?" maingat niyang tanong.

My mouth parted open. His question caught me off guard. Natahimik ako at hindi alam kung anong isasagot ko sakanya. Mahigit isang linggo ko palang silang nakakasama pero pakiramdam ko sobrang tagal na. Mabilis akong napalapit sakanila at iiwan? Wala pa iyan sa plano ko.

I smiled at him reassuringly. "Iiwan ko lang kayo kapag ayaw niyo na sa akin."

"Kahit naman nakakamatay ang luto mo, hindi ka pa rin namin aayawan kaya habang buhay ka na sa amin, South!" He exclaimed with a wide smile. Halos lumubog and mga mata niya sa sobrang pagkakangiti.

Naiiling akong natawa. Hindi pala niya nakalimutan ang luto ko. Akala ko naman nagka-amnesia sila.

"We'll see."

"Ah, South?"

"Hmm?"

"Ang pinakbet pala bagoong ang main seasoning niya at hindi suka, hehe."

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon