Chapter 43: A glimpse of Danger

36.6K 1.6K 940
                                    

CHAPTER FORTY-THREE


_

SOUTHERN BENEDICTO

"Maghugas ka na." Sinipa ko ang paa ni North. Nasa sofa ito at parang tangang nakatulala sa kawalan.

She looked at me and sighed. "Ilan ba natamaan mo?"

"58. Ikaw 46 lang kaya maghugas ka na. Maraming plato sa lababo," utos ko bago tumingin sa orasang nakasabit sa pader. Shit! Male-late na ako sa klase. "Kailangan ko nang umalis," paalam ko pero bago pa ako makahakbang ay pinigilan niya ako.

"Sis!"

Taas ang isang kilay akong humarap sakanya. "Ano? Bilisan mo male-late na ako."

Humaba ang nguso nito saka humalumbaba sa braso ng sofa. "Dalawang araw nalang ang natitira bago ako bumalik sa Palasyo. But before I leave, I want to make good memories with you. Gusto kong sulitin ang natitirang araw ko," she looked at me using her hopeful eyes.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sakanya. Aaminin ko na sa ilang araw namin na kasama siya rito, kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. At medyo lang, ha? Medyo nalulungkot ako na aalis na siya. She's a good cook. Malaki ang pakinabang niya sa amin.

Bumuntong-hininga ako. "Anong klaseng sulit ba ang gusto mo?"

Her face lit up and sat straight, looking at me with a bright smile. "Gusto kong mag-bonding kasama kayo ng mga Crane! Omygash! Let's go on a vacation!"

Bonding? Hindi pa ba bonding ang ginagawa niyang panlalandi sa mga Crane araw-araw?

"Ikaw bahala. Ge, alis na ako," walang gana kong sabi at iniwan na siyang nag-iisip kung saan daw kami magba-bakasyon.

Ang dami niyang alam.

Mabilis akong nakarating sa school. Hindi pa nag-bell kaya pakalat-kalat pa ang mga estudyante sa paligid. At ang ipinagtataka ko ay bakit ang sama-sama ng tingin nila sa akin? Ano naman ang ginawa ko sa mga buhay nila?

"Narinig niyo na ba ang balita?"

"Oo. Grabe, akala naman niya ang ganda-ganda niya!"

"Buti nga sakanya!"

"Hindi sila bagay kaya mabuti na rin na wala na sila."

"Pinaglaruan niya lang ang Prince Gab natin!"

"Tama!"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagkalito. Huminto ako sa paglalakad saka tumingin sa grupo ng mga babae na nagtsi-tsismisan. Nang mapansin nilang nakatingin ako ay mabilis silang tumakbo papalayo.

Ano ang ibig nilang sabihin? Tss, mga walang kwentang tao. Tinuloy ko nalang ang paglalakad ko papunta sa classroom namin.

Liliko na sana ako sa pasilyo nang may humarang sa dinaraanan kong tatlong lalaki. Mukha silang mga butiking nakuryente dahil sa istilo ng mga buhok nilang patayo at naninigas. Nakangisi silang lahat sa akin kaya nagtaas ako ng isang kilay sa nasa gitna na mukhang leader nila. He had this smug face while looking at me from head to toe.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon