Chapter 60: Her Rage

31.1K 1.4K 1.3K
                                    

CHAPTER SIXTY

_

PSALM CRANE

"Sexy, anong ulam?"

"Pritong Tilapia."

Humaba ang nguso ko. Lagi nalang prito ang ulam namin, pritong tuyo, pritong itlog, pritong kangkong, pritong kanin, pritong daliri, pritong butiki, ngayon naman pritong tilapia.

"Wala na bang ibang ulam, Sexy?"

"Wala na. Wala namang kalaman-laman ang kusina niyo, eh."

Hmm? Tumingin ako sa paligid, nagtaka sa sinabi niya.

"Meron naman, ah." Tinuro ko ang mga plato, kaldero, baso at mga kutsara. "Anong tawag mo sa mga 'yan, Sexy? May laman ang kusina namin, utak mo lang ang wala."

"Wow! Nagsalita ang may utak!"

Ngumiti ako. "Syempre!"

Inirapan niya lang ako at binaliktad na ang isda na pini-prito niya. Hays, wala akong choice kundi ang kumain ng isda.

Humalumbaba ako sa lamesa at tinignan ang likod ni Sexy na nagluluto. Gusto niya Sexy ang itawag namin sakanya dahil magkasing-payat daw sila ni North. Siguro tatlong North, pwede na.

"Sexy, bakit ang laki ng katawan mo?" tanong ko.

Lumingon siya at tinignan ako ng masama. Hindi naman nakakatakot ang tingin niya, eh. Para lang siyang naduling.

"Bakit ang liit ng utak mo?"

"Sumbong kita kay, South."

"Joke lang, eto naman 'di mabiro. Ang gwapo-gwapo mo kaya! Wala ka nga lang utak pero ayos na, pa-kiss nga!" Lumapit siya sa akin at hahalikan na sana ako sa pisngi pero mabilis akong lumayo.

"Leletsunin ka ni South kapag hinalikan mo ako."

Sumimangot ito at bumalik na sa pagluluto. "Taragis na bata! Tawagin mo na nga ang mga PG mong kapatid nang kumain na kayo!"

"Ano 'yong PG, sexy?" takang tanong ko.

"Poging Gago."

Napangiti ako ng malaki. Yieeee! Kahit gago, ayos lang, pogi naman kami. Ang galing talaga nitong si Sexy!

"Sige, hihihi tatawagin ko na sila!"

Patalon-talon akong pumunta sa sala kung nasaan ang mga kapatid ko. Gumagawa sila ng assignment, tapos ko na 'yong akin kaya wala na akong ginagawa, hehe. Ang galing-galing ko talaga.

"Mga PG! Kain na raw tayo sabi ni Sexy!" sabi ko sakanila.

"Kyaaahh! Talaga?" nagningning ang mga mata ni Peter kaya tumango ako.

"Ano 'yong PG, Kaps?" inosenteng tanong ni Isaiah habang binubuklat ang book of knowledge niya.

"Poging Gago!"

^______^

"Walang dudang PG talaga ako," hinaplos ni Noah ang baba gamit ang dalawang daliri.

"PG tayong lahat, Kaps. 'Di ba, Genesis?" Napatingin ako kay Genesis na masama ang tingin sa notebook niya.

Hmm.. ano kaya ang kasalanan ng notebook niya sakanya? Kung ano man 'yon, lagot siya. Nakakatakot pa naman si Genesis kapag nagagalit.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon