Chapter 13: Kabobohan 101

51.8K 2.6K 1.7K
                                    

CHAPTER THIRTEEN

_

Tinawagan ko agad si Tito Jackal matapos ang pakikipag-sagupaan ko sa tatlong lalaki. Sinabi ko sakanya ang nangyari, maging siya ay nagtataka kung sino ang mga iyon. Matapos ang usapan namin ay hindi pa rin ako mapalagay.

Those men were following and looking for me. Sa nakita ko, hindi sila mga basta-basta kahit mga utak animal pa.

I weigh myself if I should call him. Sa dami ng mga katanungan sa isip, parang sasabog na ang utak ko sa dami ng katanungan. I need answers but...should I call him? Isa lang ang taong alam kong makakasagot sa akin pero pride ang nagdidikta na h'wag ko siyang tawagan.

I looked at my phone and took in a deep breath and decided to swallow my pride for the sake of my peacefulness. Ngayon lang, I just have to confirm something. I typed his number and bit my lower lip as it rings. Ilang sandali lang ay may sumagot na.

"Southern.."

I straightened my back. I last talked to him this morning when I received my Sakuragi. Ngayong kausap ko siya muli ay nandoon pa rin ang galit ko pero sa ngayon, mas nangingibabaw ang kagustuhan kong masagot niya ang mga tanong ko.

"May mga taong sumusunod sa akin. They are not your men. Ito na ba 'yung larong sinasabi mo?" direktang tanong ko.

Narinig ko itong humugot ng malalim na hininga sa kabilang linya. "Sinimulan na pala nila ang laro."

Nagtagis ang bagang ko sa narinig. So, it's about his letter. "Anong klaseng laro ba 'yan? Ako ba pinagloloko mo? Wala akong interest sa kahit na akong kalokohan mo!" Hindi ko napigilan ang mag-taas ng boses.

Pinipilit kong inaayos ang buhay sakabila nang pagpapatapon niya sa akin dito. Tapos gugulihin niya ang utak ko dahil sa mga laro na sinasabi niya? This is not funny anymore. Unang-una, ayoko sa lahat ay ang pinaglalaruan ako.

"Hindi kita pinaglalaruan, anak. Sila ang lumalaro sa atin," mahinahong aniya.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Sila? Sinong sila?" atat kong tanong.

Dad took a deep breath. Tila problemdo ito pero hindi ko tiyak. "I don't know either. Pero ang kailangan mo lang gawin ngayon ay ang sakyan ang laro nila. H'wag kang magpapahuli, South."

"Anong ibig mong—fuck!" Pinatayan ako nito ng tawag kaya ganoon nalang ang inis ko. Sinubukan ko muli itong tawagan pero cannot be reached na.

I throw my phone in my bed and kicked my bed leg frustratedly. "Dammit! Wala akong maintindihan!" sigaw ko. 

I pulled my hair using both hands. Sobra akong nalilito, pakiramdam ko nasa loob ako ng maze at hindi alam ang tatahaking daan palabas. The letter my father left for me was a big puzzle, dumagdag pa ang laro na sinasabi niya at ngayon ang mga Wonder pets na nakasagupa ko kanina. Wala akong makuhang sagot sa lahat ng katanungan ko pero isa lang ang sigurado. Magkaka-ugnay ang tatlo.

But who wants to play games with me? Wala akong maisip na salarin. And even my father does not know who. With his connections, nakakapagtaka na hindi niya alam. Fuck, this is killing me. Daig ko pa ang nagso-solve ng math problem. Masakit sa ulo.

Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang marinig na may kumakatok sa labas ng kwarto ko. Mabilis kong inayos ang sarili, maging ang buhok na nagulo sa ginawa kong pagsasabunot. Humugot ako ng malalim na hininga, sakto namang bumukas ang pintuan at sumilip ang kulay asul na buhok. Then Peter's face appeared behind the door.

"Timog?"

Humarap ako sakanya. "Bakit?"

"Nandiyan na 'yung food delivery," he announced.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon