Chapter 52: Tears

32.8K 1.5K 870
                                    

Hi, Amphie Lorraine Masacupan ☺ Enjoy Reading, lovelots ❤

CHAPTER FIFTY-TWO

_

GAB CORTEZ

"Nananalo ka ba sa loto, pre? Hayop ang ngiti mo, parang aabot na sa Edsa sa sobrang laki," sabi ni Kier.

"Oo nga best friend, kanina ko pa napapansin na masaya ka. Anong meron?" tanong ni Ace habang sumisimsim sa juice niya.

^____________________________^ ---> ganyan kasi ang ngiti ko.

Hihihi. Paano ko ba sasabihin sakanila na higit pa sa nanalo ng loto ang nararamdaman ko ngayon? No words can explain how happy I am right now.

"Meron ba kaming hindi nalalaman?" tanong din ni Lance habang nagpapalutang sa tubig.

Nandito kasi kami ngayon sa malaking swimming pool ng resort. Nang sinabi ni Wowo kanina na pumunta muna ako sa mga kaibigan ko dito ako kaagad dumiretso. Kasama rin namin ang Abs Society. Ayaw kasi nilang maligo sa dagat dahil baka may pating daw.

"Hihihi," kinikilig akong natawa.

"Langya, may saltik pa ata ang kaibigan niyo," dinig kong sabi ni Arsen kaya tinignan ko siya ng masama.

"May saltik na ba ngayon ang mga taong in love?" Ngumiti ulit ako ng parang kinikilig.

Syet! Baklang bakla ng pakinggan pero tangina, kinikilig talaga ako. Mula ng sabay kaming kumain ni Wowo ng alimango, holding hands while walking, nagpulot ng seashells sa dalampasigan, syet! Heaven ang feeling.

^_____^

Unti-unti nang na-che-check-an ang To-do list ko sa birthday kong ito. Hindi pa man kompleto ang lahat, sobrang saya ko na.

Ang bait talaga ni God sa'kin. Ang ganda ng timing ng mga maga-gandang pangyayari ngayon.

"Walang forever, tss" ungot ni Kier at lumangoy na papunta sa gitna ng pool.

"I agree" sabi rin ni Cain at lumangoy narin papalayo.

"Wala talagang forever sa mga taong bitter. Palibhasa iniwan ng mga jowa" sabi ni Arsen na agad ko namang sinang-ayunan.

Naging bitter lang naman sila muna noong iniwan sila ng girlfriend nila. Buti pa ako, kahit iniwan ako noon ni South go parin ako ng go. I'll keep on chasing her even if she keeps on pushing me away. Wala, eh, mahal ko talaga. Kahit sinaktan ka na yayakapin mo pa rin siya.

Yieee! Ang galing ko talaga!

"Is it about South Benedicto again?" tanong ni Lance kaya nakangiting tumango ako.

"Alam niyo ba? Simula kanina ang sweet-sweet na sa'kin ng Wowo ko. Inaya pa niya akong kumain ng Alimango!" nagni-ningning ang mga matang kwento ko.

"Akala ko ba takot ka sa Alimango?" takang tanong ni Ace kaya tumango ako sakanya.

"Yup! Pero hindi na ngayon. I realized that crabs are delicious, especially when you're eating with someone you love. Ang takot ko sa Alimango ay napalitan ng pagmamahal."

Napangiwi silang lahat.

"Iyon lang ba ang ginawa?" tanong ni Cain.

Syempre nakangiting umiling ako at masayang kwinento sakanila ang mga ginawa pa namin ni Wowo. Bukod sa birthday ko ngayon, unti-unting ring natutupad ang mga pangarap ko. Kapag nangyari na 'yon ako na siguro ang pinaka-masayang tao sa buong mundo.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon