CHAPTER TWENTY-FIVE
_
"Kayo ang huling nakita sa rooftop ng oras na namatay si Ms. Sanchez, kaya kayo ngayon ang primary suspect namin," sabi ng matabang pulis.
This is the most boring moment of my whole existence. Wala na bang mas ikakabagot pa dito? Nagsasayang lang ako ng oras. Kailangan ko pang umuwi dahil paparusahan ko pa ang mga bwisit sa buhay na mga Crane.
Humikab ako saka pinatong ang dalawang paa sa lamesa ng Dean. Lahat ng mga kasama ko dito a loob ng Dean office ay tumingin sa paa ko saka tumingin sa mukha ko. They look at me like I have two heads grown.
"Nasa opisina kita Ms. Benedicto, at lamesa ko iyang pinapatungan mo ng mga paa. At least show some manners," mariing sabi ni Dead nang may nagbabantang tingin sa akin.
"Namamanhid na ang mga paa ko, Dean. Nakakabagot dito, pwede na ba akong umuwi? May paparusahan pa akong mga tokmol sa bahay," sabi ko. Siguro naman nasa bahay na ngayon ang mga Crane. Magli-limang oras na kami dito sa Dean office. Limang oras na wala naman kaming napapala. Tss.
"Hindi kayo pwedeng umuwi hangga't hindi niyo sinasagot ng purong katotohanan ang tinatanong ng mga pulis sa inyo. Ms. Sanchez's death is a serious matter, Ms. Benedicto."
Napabuga ako ng hangin sa inis. This is irritating the hell out of me.
"Pau-ulit ulit nalang ba tayo dito, Dean? I already told you the honest answer! I'm not the killer! Patay na 'yung Sanchez na sinasabi niyo bago pa ako makarating sa rooftop!" Nilipat ko ang tingin sa lalaking may abong buhok na tila bagot na bagot din na naka-upo sa kaharap kong silya. Tinuro ko siya saka nagsalita muli, "Itong isang ito, baka may alam tutal siya ang nadatnan ko sa rooftop nang dumating ako doon."
"Mr. Sullivan, totoo ba ang sinabi ni Ms. Benedicto na nasa rooftop ka na bago pa siya dumating?" tanong ni Dean sakanya.
"Yeah," tipid na sagot niya saka humikab.
"Ikaw ba ang pumatay kay Ms. Sanchez?" diretsong tanong ng matabang pulis na kanina pa parang binabasa ang bawat kilos namin. Nakakakilabot ang matabang ito.
"Nah. Why would I do that?"
May sinulat ang payat na pulis sa clipboard na hawak niya, kung ano man iyon ay hindi ko alam. Binalik niya ulit ang seryosong tingin sa amin, "Kung ganoon, anong ginagawa niyo sa rooftop?" tanong niya saka tumingin sa akin.
Sinandal ko ang likod sa sandalan ng kinauupuan ko saka nag-kwento.
"Nandoon ako para pakalmahin ang sarili dahil kapag hindi ako kumalma ay magsu-super sayan ako sa loob ng classroom namin. Alam mo 'yun? Gigil na gigil ako sa mga tokmol!" Inangat ko ang isang kamay, kapantay sa mukha ko saka nang-gigigil na kinuyom ang palad, kunwari'y dinudurog ang mga Crane dito.
Matapos lang itong nakaka-letseng tanungan na ito, humanda na sa akin ang mga tokmol. Lalo na ang Genesis na iyan.
"Mr. Sullivan, ano naman ang ginagawa mo sa rooftop?"
Katulad ko ay huminga rin ng malalim itong si grey-haired guy. Sinabi na niya kanina ang pangalan niya pero nakalimutan ko na agad. Hindi naman kasi siya importante para matandaan ko.
"Like Ms. Benedicto, I was there to cool down myself too. Naiirita ako sa mga babaeng umaaligid sa akin kaya pumunta ako sa rooftop. I thought no one can bother me there but I was wrong," tila badtrip na sagot niya.
"Mukhang mahihirapan tayong paaminin ang dalawang ito. Magaling silang magtago," dinig kong bulong ni Taba kay Payat.
Ano naman kaya ang ibig sabihin nito? Na nagsisinungaling kami? Pektusan ko kaya ang taba nito, eh.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...