CHAPTER TEN
_
"Maayos na ang lagay ng mga pasyente. Pwede niyo narin silang ilabas ngayon."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng Doctor. Thank goodness. I thought I killed them. Tumingin ako sa mga Crane na natutulog sa kanya-kanyang hospital bed. Nasa-iisang kwarto lang sila dahil ayaw silang paghiwa-hiwalayin ni Tito Jackal.
Dala ng takot ko kanina ay agad ko silang sinugod dito. Mabuti at laging tambay sa garahe ang nag-iisang sasakyan nila. H'wag niyo nalang itanong kung papaano ko sila naisakay. Only professionals can do that.
"Ano bang nangyari sakanila, Doc?" tanong ko. Gusto kong malaman kung anong nangyari sakanila matapos nilang kainin ang niluto ko.
"Food poison." Napanganga ako.
Ganoon ba talaga ako kasama magluto? Bumagsak lahat ng kumpiyansa na meron ako sa katawan.
Hinding hindi na ako magluluto ng pinakbet. Tinola nalang.
"Salamat, Doc" sabi ni Tito na kasama kong nagbabantay.
Pagkalabas ng Doctor sa kwarto ay napabuntong-hininga ako at napunta kay Tito ang atensyon nang makitang lumapit ito sa mga natutulog na anak at isa-isang hinaplos ang mga mukha nila.
Tila may kung anong humaplos sa puso ko sa nakita pero agad ding napalitan ng inggit. These men are so lucky. Hindi palaging kasama ng mga Crane ang ama nila pero sa t'wing nandiyan si Tito, double ang pag-bawi na ginagawa niya sa mga anak. I admire his affection and care for his sons. It's beautiful and precious. Napaka-swerte ng mga magkakapatid na 'to, hindi katulad ko na hindi na matandaan kung kailan ang huling beses na tinignan ako ni Daddy ng may pagmamahal.
"Mga anak, nandito na si Dada. May Ice Cream akong dala" masuyong sabi nito sa mga anak pero masyadong mahimbing ang pagkakatulog nila kaya ngumuso ang matanda nang walang gumising sa mga ito.
And it breaks my heart. Kita ko ang labis na pagpapahalaga ni Tito sa mga ito pero heto ako, nilason ang mga mahal niyang anak. I am blaming myself for his torment. Hindi na dapat ako nagluto. Hindi na dapat ako magluto pa.
"I'm sorry, Tito.." sambit ko.
Lumingon sa akin si Tito saka ngumiti. Pinagtaka ko ang mga mata niyang walang bahid ng galit o sisi sa akin. He should get mad at me. He should point the blame on me but instead, he walks towards me and pat my head.
"It's okay, South. Wala kang kasalanan" he said, smiling. No roughness on his voice just pure genuine kindness.
I gape at him then shake my head. "No, Tito. It's really my fault. I should have not cook them food. I'm a terrible cook— " He cut me off by giving me a big smile. Namamanghang natulala ako sakanya.
Paano nito nagagawang ngumiti sa taong nagpahamak sa mga anak niya? He should be blaming me, scolding me, and telling me I'm useless like what my father told me. But no. He did none of those. His genuine heart was smiling at me. I don't think I deserve this.
"You tried to cook them foods, South. Alam mo bang hindi ko pa iyon nagagawa sakanila?" masuyo ngunit may bahid na lungkot ang boses na aniya.
"That's fine, Tito. Never pa naman akong pinagluto ni Daddy" I said bitterly. Kaya walang issue kung bakit hindi pinagluluto ni Tito ang mga anak niya dahil maging ako ay hindi pa iyon naranasan sa sariling ama.
Hinawakan ni Tito ang balikat ko saka ngumiti ulit. "Masaya ako na sinubukan mo silang ipagluto, iha. Nag-effort ka para sa mga anak ko at sapat na sa akin yun," he said, looking straight into my eyes. "I know you, South. Alam kong wala kang pasensya sa mga bagay-bagay pero ang ginawa mong pagpapakita ng malasakit sa mga anak ko, that made me happy. Even if you failed, you still made me happy. And I thank you for showing care to my beloved sons."
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...