CHAPTER NINETEEN
_
"Tangina mo, Peter! Kinain mo na naman 'yung Ice cream ko sa ref!"
"Ano ba, Noah! Ang dumi ng paa mo! Kaka-mop ko lang ng sahig!"
"Tangina talaga, Genesis! Doon ka nga sa kwarto mo matulog! Natutuluan ng laway mo 'yung sofa! Kakalinis ko lang 'yan!"
"What the fuck, Isaiah! Switch the fucking channel to Dora!"
"Psalm! Tangina mo! Nasaan na 'yung nilagay kong boy bawang sa taas ng ref?"
Ito ba 'yung sinasabi ni Nerd na nakakatakot ang mga Crane? Ito ba 'yung sinasabi niyang delikado ang mga ito? Ito ba 'yung sinasabi niyang 'They are capable of doing nasty things?' This family of tokmol was misjudged. Ayon nga sa gasgas na kasabihan, 'Don't judge the book by its cover'.
Kapag maghuhusga tayo ng mga tao, 'wag tayong bumase sa panlabas na anyo at 'wag tayong magpapaniwala agad sa sinasabi ng ibang tao. Kung gusto man natin na patunayan nga ang mga hinuhusga sakanya, tayo mismo ang magpapatunay kung totoo man ito o hindi.
Kapag naghusga tayo ng wala namang katutuhanan, we may just end up hurting the person we judged. Kaya hinay-hinay lang sa paghuhusga.
At sa kaso ng mga Crane, kahit sandali ko palang silang naka-kasama, I can prove to people that they can't capable of doing bad things. Oo, nakakatakot ang mga aura nila minsan. Brutal sila kung magbantaan. But they are just a bunch of childish men! Mga isip bata sila na walang ibang alam kundi ang magmurahan at mag-agawan ng pagkain! And besides, mukha bang nakakagawa ng hindi maganda ang mga cartoon fanatic na mga 'to?
Mga tokmol lang sila na kulang ng turnilyo sa utak, hindi nila kayang gawin ang mga pinagsasabi ni Nerd. She has no proof.
"Noah! Mag-set ka na ng mga plato kakain na tayo!" utos ko kay Noah na abala sa panonood ng Penguin of Madagascar. Susunod na kasi ang Dora kaya naman inaabangan na nila ito. At kapag ganyan silang katutok sa television, alam kong hindi ko na sila maasahan pa.
"Wait lang, Timog. Susunod na ang Dora, eh" sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.
See? Napailing nalang ako at bumaling kay Psalm. "Psalm, mag-set ka na ng mga plato."
"Si Peter nalang, South. Nanonood pa ako, eh" sagot niya nang hindi tumitingin din sa akin. Nakatutok ang mga mata nito sa TV.
Napabuga ako ng hangin at inis na bumaling naman kay Peter. "Peter?"
"Si Genesis nalang, South."
Wala pa nga akong sinasabi!
Mga damuhong tamad na 'to. Ako dapat ang katakutan ni Nerd dahil sa oras na 'to, kayang kaya kong pumatay ng mga tamad na tao.
Kakaalis lang ng taga-luto namin at iniwan na lang ang mga pagkain na niluto niya. Hindi ko pa nga 'yun nakakausap. Kapag nandito kasi siya wala siyang pakialam sa paligid niya, as long as she can cook.
"Letche, sige, tignan natin kung mabusog kayo ni Dora. Walang kakain mga punyemas kayo!" sigaw ko sakanila at sarili ko lang ang pinaghain ko. Tignan lang talaga natin kung mapakain sila ng negritang punyemas na 'yan.
"Damn Witch, I am willing to obey your order if you just asked me," sabi ni Genesis habang nag-iinat pa ng katawan na lumapit sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at nauna nang kumain. Bahala sila sa mga buhay nila. Next time, sarili ko nalang ang ipagpapaluto ko sa taga-luto. Tignan natin kong maipaglu-luto sila ni Dora.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...