Chapter 27: Wonder Pets mo 'to

42.6K 2.2K 466
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

_

"South, totoo ba ang balita?" tanong ni Swiss. Nasa Library kami at nagsusunog ng kilay para sa letcheng essay na 'yan tungkol sa Economics.

Nilipat ko sa kabilang pahina ang libro bago bagot itong sinagot. "Ano na namang balita 'yan?"

Magmula nang makalabas ako sa clinic kanina ay kung ano-anong tsismis na ang kumakalat sa paligid tungkol sa akin. Meron diyan 'yung sindikato ako, prostitute, pusher, member ng mga terrorista, bumubuhay ng patay, at kung ano pa. Magkakalat na nga lang ng tsismis, mali-mali pa. Ibang klase talaga ang Abs University.

Wala na talagang pag-asa ang ina-asam kong tahimik na buhay, sadyang lapitin na talaga ako ng gulo. Wala na akong kawala. Lalo na't sumawsaw pa ang mga Crane na sadyang magnet ng mga atensyon.

"Girlfriend ka daw ng isa sa mga Crane, totoo ba?"

Napabuntong-hininga ako at sinara ang libro. Bagot akong tumingin sakanya at inikutan ng mga mata.

"Naniniwala ka ba sa alien?" I ask out of the blue.

Pinangunutan siya ng noo, halatang naguguluhan sa biglang tanong ko pero kapag-kuwan ay sinagot pa rin niya ito. "Hindi."

"Iyan din ang sagot ko sa tanong mo," sabi ko at muling nagsulat sa yellow paper.

"So, ibig sabihin mali ang balita?" she inquired.

"Kailan ka ba naniwala sa tsismis?" naiinis na tanong ko.

"Hindi naman ako naniniwala sa tsismis nila."

"Iyon naman pala. 'Wag ka nang magtatanong sa akin tungkol sa mga tsismis dahil alam mo kung ano ang isasagot ko." Nakakainis na kasi na kada may sinasabi ang mga tao tungkol sa akin, itatanong pa niya kung totoo ba ito o hindi.

"South, may itatanong pa ako. Pero sana, 'wag kang magagalit."

Nag-angat ako nang tingin dito saka tinaasan ng kilay. "Tsismosa ka rin, eh 'no? O siya, ano 'yun?" Tsismosa din pala ang Nerd na ito. Akala ko puro libro lang ang inaatupag.

"T-totoo bang, nagda-date kayo ni Prince Gab?"

Natigilan ako saka napatitig sakanya. My brows slightly frown. How did she know about that? Sa pagka-aalala ko, kaming dalawang lang ni Gab ang tao nang mag-usap kaming dalawa tungkol diyan. Oh well, baka hulang tsismis lang ito at naniwala naman siya.

"Hindi." Umiwas ako nang tingin.

I lied, of course. Kahit totoo pa ang tsismis na iyon, kailangan ko pa rin na i-deny. Isang linggo lang naman kasi ang date namin ni Gab, pagkatapos ay hindi na kami magpapansinang dalawa. Mas magandang h'wag nalang niyang malaman baka kung ano pang isipin niya at kung ano na namang tsismis ang kakalat tungkol sa akin.

"Ah, akala ko totoo ang tsismis na iyon," sabi niya saka tumungo.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. Why does it sound sarcastic to me? May alam ba ang nerd na ito?

Tinitigan ko ito at pinag-aralan ang bawat galaw. Wala naman akong nakikitang kakaiba o kahina-hinala sakanya. I shrugged my shoulders. Baka nagkamali lang ako ng dinig sa tono ng pananalita nito.

Pinagpatuloy namin ang pag-gawa ng essay ni Swiss. Naka-tatlong page siya ng yellow paper habang isang papel lang ang nagamit ko. Do all nerds were grade conscious? Habang nag-aayos kami ng gamit ay napansin namin na tila nagkakagulo ang mga estudyante. Nag-uunahan silang makalabas ng library na parang may dumating na artista sa labas. Sinita sila ng Librarian pero tila wala silang mga naririnig.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon