Chapter 34: I don't like her

42.4K 1.8K 946
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

_

SOUTH BENEDICTO

"South? Okay ka lang?" tanong ni Swiss.

Nandito kami sa rooftop at kumakain ng pancit na baon niya. Birthday daw kasi ng Tatay niya kaya may pa-pancit sila. Matapos kasi nang usapan namin ni Dean ay nagulat nalang ako nang makitang hinihintay pala ako nito sa labas ng opisina. Aniya, gusto niya raw akong makasabay na kumain. Hindi naman ako tumanggi dahil nagugutom na rin ako. Wala akong tamang kain sa Canteen kanina.

"Yeah," simpleng sagot ko, pero ang totoo ay hindi.

"Kanina ka pa tulala. Hindi ako naniniwalang okay ka," sabi niya dahilan para mapatingin ako sakanya.

Palagi nitong suot ang salamin na binili ko para sakanya. Maganda si Swiss, lalo na kapag wala ang suot na salamin. Ewan ko rito, may binili naman akong contact lens para sakanya pero hindi niya ginagamit.

"Tss." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinuloy ang pagkain. In fairness, sa pagkain na 'to, masarap. Nagmistulang karne ang fishball na sahog nito. Parang gusto ko tuloy sabitan ng medalya ang nagluto nito.

"Hindi kita pipilitin na magkwento, alam ko namang hindi mo ugali ang pala-kwento," aniya at ngumiti pa sa akin. Tumingin siya sa kinakain ko. "Masarap ba? Si Nanay ang nagluto niyan."

Tumango ako. "Masarap."

"Specialty niya talaga ang pancit. Iyan din ang madalas niyang ibente sa maliit naming karinderya," pagkwe-kwento nito. Inayos niya ang salamin sa mata saka ngumiti sa akin. "Alam mo bang madalas kitang banggitin sa pamilya ko? Sinabi ko kasi sakanila na may kaibigan na ako. Kaya ayon, tuwang tuwa silang lahat, lalo na si Tatay. Sa wakas kasi, may kuma-ibigan na rin sa akin."

"Wala ka bang kahit isa man lang na kaibigan bukod sa akin?" kunot noong tanong ko.

Ngumiti siya ng malaki nang tila may naalala. "Meron! Si Eumi. Dito rin siya nag-aaral sa Abs U. Actually, pupunta rin siya dito sa rooftop, sinabi ko kasi sakanya na may pancit ako."

"May kaibigan ka rin na nag-aaral sa school na 'to? Akala ko ba walang gustong lumapit sa'yo?" Hindi ko maiwasang tanungin siya nang sunod-sunod. Nagtataka kasi ako, sabi niya dati ay wala siyang kahit isang kaibigan.

Tumungo ito saka kumagat ng labi. "A-ang totoo, nitong mga nakaraang araw ko rin siya nakilala. We met at the library. Part siya ng Student council at nerd din siya katulad ko," She looked at me and smile. "Mabait siya, South. Katulad mo, tanggap niya rin kung ano ang estado ko sa buhay."

Tumango ako na tila naintindihan ko siya. Sandali kaming natahimik hanggang sa may maramdaman akong presensya na papalapit sa amin. Mukhang naramdaman din ni Swiss 'yun dahil lumingon siya. Her eyes went wide and a smile stretches onto her lips.

"Eumi! Buti nakarating ka!" she beamed. Tumayo ito mula sa pagkakasalampak sa sahig at masayang sinalubong ang bagong dating.

Lumingon ako at nakita ang isang babaeng nakasuot din ng salamin. She's a little bit taller than Swiss and she looks fine.

"Pwede bang hindi?" Bumaling siya sa akin at ewan ko kung guni-guni ko lang ba ang nakita kong lamig sa mga mata niya. Hindi rin nagtagal ay ngumiti siya sa akin. "M-may kasama ka pala," tila nahihiyang aniya bago binalik ang tingin kay Swiss.

Swiss glance at me with a smile before turning to her friend. "Eumi, gusto kong makilala mo si South, kaibigan ko" pakilala sa akin nito sa kasama.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon