CHAPTER FIFTY
_
NOAH CRANE
"Dada, swimming na tayo!" sabi ko at sinubukang hilain ang kamay ni Dada.
"Later na muna, Junakis the first. Mainit pa baka masunog ang mga makikinis niyong balat," sabi niya habang inaayos ang mga pagkain sa kawayan na lamesa dito sa loob ng cottage namin.
Ngumuso ako. Mainit na nga pero gusto ko na kasing mag swimming. Gusto ko na gamitin ang Boots kong salbabida.
"Pero swimming tayo mamaya, ha?"
Ngumiti siya at tumango. "Oo naman."
Yieee! Excited na tuloy ako. Masaya akong lumapit kay Peter na naka-upo sa buhangin habang nagse-selfie kasama ang Boots niya ring salbabida.
"Peter, pa-picture rin kami ni Boots!"
"Sige. Mag-pose ka na," sabi niya kaya excited kong kinuha ang salbabida ko at nilagay ito sa leeg ko. Ngumiti ako ng sobrang laki sa camera ng cellphone niya.
"Say cheese!"
"Cheese!"
"Yiee! Ang cute mo rito, Kaps!" sabi niya at pinakita sa'kin ang litrato ko.
^_____^
Ang cute ko nga talaga sobra.
"Peter, Noah, tara! Maraming chix doon, oh!" Lumapit sa'min si Chase at tinuro ang isang cottage malapit sa'min. Maraming mga babae doon na naka-panty at bra lang.
"May matitirador ba ako diyan?" tanong ni Peter habang pinapa-singkit ang mga matang tinignan ang mga babae. "Ayon! May nakita ako! Tara, Chase!" excited na sabi nito at nauna pang maglakad kesa kay Chase.
"Sige, pero akin 'yung may pink na bikini, ha?"
"Sige, gusto ko 'yung naka-blue," sabi rin ni Peter.
Ngumuso ako. "Peter, 'wag kang fuckboi," paalala ko sa kapatid ko.
"Hindi naman, Kaps. Titirador lang ako ng isa" inosenteng sabi niya. Hays! Peter Tirador talaga 'to.
"Ikaw, Noah? Hindi ka ba sasama? Maganda 'yong naka-yellow na bikini," sabi ni Chase.
Napatingin ako sa babaeng tinutukoy niya. Maganda nga, maputi at mukhang makinis pero ano naman ngayon? Hindi parin siya nakaka-ningning sa paningin ko. Mas maganda parin si Timog.
"Kayo nalang, masyado akong gwapo para mag-aksaya ng oras sa pambabae" sabi ko at niyakap ang salbabida ko.
Napangiwi silang dalawa. "Tangina. Tara na nga, Peter, baka tangayin pa tayo ng hangin dito," sabi ni Chase at hinila na si Peter papunta sa mga babae.
Pinanood ko sila paalis. Ngumuso ako at tumingin kay Boots na nakangiti sa'kin. "Ikaw Boots, lakwatserang unggoy ka lang, hindi fuckboi, ha? Tayong mga gwapo ay hindi dapat gano'n."
"Nakakatakot kapag sinagot ka niyan."
Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Timog. Kasama niya si Hilaga na nakataas ang kilay sa'kin at nauna na itong pumasok sa loob ng cottage. Tumayo naman ako at nilapitan agad si Timog.
"Timog, saan kayo galing?" tanong ko. Umalis kasi sila ni Hilaga kanina. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Pumasok siya sa loob ng cottage kaya sinundan ko ito.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...