CHAPTER TWENTY-THREE
_
King mother.
Letche!
Peste!
Bwisit!
Ano pa ba? Hindi ko na alam ang tamang salita para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon. Kumukulo ang dugo ko, sobrang sumasakit ang ulo ko, tila sasabog ang dibdib ko sa galit. I was a ticking bomb and anytime by now, I'm going to explode. The hell breaks loose.
Hindi matanggap ng sistema ko ang sinabi niya. Housemate? Nahihibang na ba siya?
"So, where's my room?" abot langit ang ngiting tanong niya. Tumingin pa siya sa akin na parang inaasar talaga ako.
"Psalm, paki-buksan ang pinto, please?" walang emosyon na utos ko kay Psalm. Kahit nagtataka ay nagtungo siya sa pintuan at binuksan ito. Malamig ang tingin ko kay North at tinuro ang naka-bukas na pintuan. "Bukas na ang pintuan, North. Umalis ka na bago pa ako mag-super sayan at ma-kame-kame wave kita," banta ko.
Sumimangot ito saka humalukipkip. Matigas siyang nakipagtitigan sa akin, hindi man lang natakot.
"Bingi ka ba, South? Ako nga ang bago niyong housemate 'di ba? And that means I'll be staying here with you." She flashed her sweetest-bitch smile at me. Nang-iirita.
Mariin kong pinikit ang mga mata at humugot ng malalim na hininga. Control. It was the thing I lack but the thing I had mastered these past weeks. Thanks to the Crane because I was able to develop such skills. Patience is what I was trying to improve. Tolerance? Barely. With controlled breathing and temper in check, I opened my eyes, looked at my older sister coldly.
"Bingi ka rin ba, North? Ang sabi ko, bukas ang pintuan at makaka-alis ka na. 'Wag mong hintayin na kaladkarin kita palabas."
Makita ko pa nga lang ang mukha niya, kumukulo na ang dugo ko, tapos dito pa siya makikitira sa amin? Gusto na ata nitong mamatay ng maaga. Sabihin niya lang, ipag-huhukay ko siya ng libingan sa tabi ng Mansion.
Sumimangot ang mukha nito at nag-iwas nang tingin. Halos mapangisi ako nang makita ang takot at pag-aalangan sa mukha niya. Syempre, alam niyang hindi lang basta-basta ang ginagawa kong pagkakaladkad sakanya. She had experienced it before, to be dragged by Southern Benedicto was a nightmare.
"Why are you so harsh to me? Baka nakakalimutan mo na kapatid mo ako at mas matanda ako kesa sa'yo? Akala ko pa naman natuto ka na 'yun pala bastos ka pa rin! Wala kang respeto!" sigaw niya sa akin, nanggigigil katulad ko.
Napangisi ako ng nakakaloko.
"Oh, am I really that bad? Sorry sister, ha? Hindi ka naman kasi mukhang ka-respe-respeto kaya bakit kita rerespetuhin?" I gritted my teeth, spitting my hate at her.
Her sweet face turned into an evil one. Halos umusok ang ilong at tenga nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Her jaw ticking, teeth grinding like she's about to breathe fire.
Palipat-lipat ang tingin sa amin ng mga Crane, lahat tahimik, nagtataka, naguguluhan sa aming dalawa. I'm sure they have a lot of questions but no one dares to break the tension between me and my sister.
"You're really mean! Wala akong pakialam kung ano pa ang kaya mong gawin! How dare you treat me like this!" nanggagalaiting sigaw ni North at biglang sumugod sa akin. Hindi ako gumalaw, naghihintay na dumapo sa akin ang palad niya—hindi para tumanggap ng sakit kundi para siya mismo ang masuntok ko, ngunit bago pa ako makailag at masampal ni North, nagsalita si Noah.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...