Chapter 22: The unknown visitor

41.7K 1.9K 1K
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

_

Shit! What the hell is she doing here? Sa dami ng lugar sa Pilipinas, bakit dito pa?

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang mas lumapad pa ang ngisi niya.

Malapit na kaming magkaabot kaya mabilis pa sa alas kwatrong tinalon ko ang kabilang escalator na umaandar pataas. Suminghap ang ilang nakakita sa ginawa ko, lalo na si Swiss na nakasunod sa akin. I glanced back to see North who looked surprised but she was quick to recover and followed me. Mabilis kong inakyat ang escalator habang humihingi nang paumanhin sa mga nababangga ko.

"South!" Lumingon ako at nakita si Swiss na mabilis na sumusunod sa akin.

Sa hindi kalayuan sa likod nito ay si North na humahabol. Tumalim ang tingin ko sakanya habang binabangga ang bawat taong madadaanan niya.

"Sis!" she yelled, waving at me. Pinagtitinginan siya ng mga tao.

Hindi ko ito pinansin at binalingan si Swiss na hinihingal nang maabutan ako. "S-south, bakit ka ba tumatakbo?"

Binalik ko ulit ang tingin kay North na nahihirapang umakyat sa umaandar na escalator dahil sa taas ng sapatos nito. Madapa ka sanang Impakta ka.

"Kailangan ko nang mauna sa'yo. Umuwi ka na, magkita nalang tayo sa school bukas." Napamura ako nang makarating na ito sa palapag na kinaroroonan ko. Binalik ko ang tingin kay Swiss saka nag-paalam. "Bye!" Binuka nito ang bibig para komontra pero mabilis na akong kumaripas nang takbo palayo.

Kailangan ko nang umalis dito. Hindi ako pwedeng maabutan ng bruha na iyon!

"Sandali lang, Sis!" North cried out from behind. She's close, dammit!

Cussing under my breath, my feet speed up like I was in a marathon, eager to make it to the finish line. Lahat ng mga taong madadaanan ko ay mabilis na tumatabi, takot na mabangga. I cursed thinking that these people might recognize us. Peste kasing North, bwisit sa buhay! Ano naman kasing ginagawa niya dito? Pinadala ba siya ng Presidente para bwisitin ako? O 'yung Sylina na 'yun? Nanggigil ako sa naisip.

Mas binilisan ko ang takbo hanggang sa makalabas ako ng building. Agad na sumalubong sa akin ang matingkad na sikat ng araw at weirdong tingin ng mga tao. Huminto ako saglit para maghabol ng hininga pero wala pang limang segundo,

"SOUTH!"

Oh, fuck!

North. Hawak nito sa magkabilang kamay ang sapatos, pawisan at gusot-gusot ang damit. Sa pagtakbo nito biglang dumaan sa harap niya ang isang matandang babae na tulak-tulak ang malaking cart, pero imbes na huminto si North, wala itong kahirap-hirap na tumalon at tumambling sa ere para makalusot sa harang. She had perfected to land with poise, the crazy woman even bows down on her audience who gaped at her.

Pinalakpakan siya ng mga tao.

Umirap ako sa hangin. Papansin talaga ang impaktang ito.

Habang feel na feel niya ang pagpapasikat sa mga tao ay kinuha ko ang pagkakataon na makatakas sa paningin niya. Mabilis akong tumakbo papalayo at sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako nasundan.

Hinihingal akong tumigil sa sakayan ng mga Jeep. Tumingin ako sa paligid kung may anino si North pero nang masigurado na maski presensiya niya at hindi ko na maramdaman ay nakahinga ako ng maluwag. Thank goodness.

Buong biyahe pauwi ay wala akong ibang inisip kundi ang pagkikita namin ng bruha kong kapatid. Hindi maganda ang kutob ko na nandito siya. I'm sure she was up to something and I had to stay away from her. Hindi na niya ako pwedeng ma-peste muli. Kailangan ko ring makausap si Tito Jackal at itanong kung ano na ang nangyayari sa Mansion at kung alam niyang nandito si North.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon