Chapter 58: Queen Of Abs University

34.2K 1.5K 1.2K
                                    

CHAPTER FIFTY-EIGHT

_

SOUTH BENEDICTO

"Ate, you wouldn't believe what we discovered about Tita Sylina," sabi ni East habang umiinom sa milkshake niya.

Nandito kami sa Gotohan ni Aling Gloria, ang paborito naming kainang tatlo. Hindi lang kasi masarap na Goto ang sine-serve nila dito maging ang mga street o exotic foods na paborito namin. Meron din silang mga iba't ibang klase ng pagkain kaya masarap lumamon dito. It's West who discovered this place years ago. Naging tambahayan namin ito, maging ang mga kaibigan ko.

Naging kaibigan na namin si Aling Gloria at maging ang asawa nitong si Uncle Pekto. Mababait sila at minsan pa ay unlimited ang rice namin kapag dito kami kumakain. Kapag naka-tyamba, may extra Ice Tea pa kami.

"Wala akong pakialam sa babaeng 'yon," tinungga ko ang beer matapos kumagat sa isaw.

Alas dyes na ng gabi, lagpas na sila sa curfew nila at paniguradong hinahanap na sila ng mga bodyguards nila kaya dito ko sila dinala para Hindi sila kaagad mahanap.

Dito ay ligtas kami mula sa mga alagad ni Daddy. Medyo tago kasi ang lugar na ito at isa pa, alam ni Aling Gloria at Uncle Pekto ang pagkatao namin at pinapahalagaan nila ang pribado namin. Nang makita nga nilang nandito kami ay kaagad nilang pina-uwi ang mga customers nila at sinarado ang pwesto para kaming tatlo lang ang nasa loob.

"She's suspicious. Isang gabi habang nag-che-chess kami ni West sa gilid ng pool ay napansin namin si Tita Sylina na nagmamadaling pumunta sa garden. We were curious so we followed her but of course we did not let her notice us," pagkwe-kwento ni East habang sinisipsip ang mata ng ulo ng manok. Paborito niya ito.

"She received a phone call and she answered it angrily. Sabi niya, 'Why the hell are you calling me? 'Di ba sabi ko sa'yo ako ang tatawag? Paano kapag si Gideon ang nakasagot paniguradong patay tayong dalawa nito ngayon!'" si West ang nagtuloy ginaya pa ang boses ni Sylina. "Matatakot ka sa galit niya."

Umangat ang isang kilay ko. "Matatakot ako?"

Natigilan ito at napangisi. "Syempre, hindi! Ikaw pa!"

"So, na-kuryos na kayo dahil 'dun?" Sinawsaw ko ang isaw sa maanghang na suka saka sinubo. Sarap talaga nito.

"Sylina was always calm, collected, and fine, too sweet. To see her lose her demeanor for a certain call was questionable." Pinatong ni East ang siko sa lamesa, hinawakan ang sintido na tila nag-iisip ng malalim at pina-singkit pa ang mga mata. "I've seen a lot of movies where the sweet girl in town was the closet psychopath. And Sylina was showing symptoms."

Ngumuya lang ako habang nakatitig sa maliit niyang mukha. East and West were identical twins, people would have a hard time differentiating who is who but I could easily tell who was East and West between the two. East was loud, high spirited, his presence was always demanding attention while West was less talkative, a little intimidating, and a little formal—well, sometimes.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon