CHAPTER THIRTY-TWO
_
SOUTH BENEDICTO
"South, nahuli mo ba ang multo?" tanong ni Psalm habang kumakain kami ng umagahan.
Natigilan ako at naalala ulit ang nangyari kagabi. Sinabi ng mga Crane na nawalan ng kuryente at may multo. Hindi ko alam kung bakit pero para akong tinakasan ng dugo sa katawan sa sinabi nila. Hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko. For the first time in my life, I got scared. Hindi para sa sarili ko kundi para sa ibang tao—para sa mga Crane.
Kinain ako ng kaba at galit. Agad kong sinuyod nang tingin ang buong kabahayanan pero wala akong nakita. Walang nagulong gamit, walang nawala, at tiyak na hindi iyon magnanakaw. Ako ang sadya nila, sigurado iyon. Tinago ko ang isang kamay sa ilalim ng lamesa at mahigpit na kinuyom iyon.
"Hindi, pero kapag bumalik siya sisiguraduhin kong mahuhuli ko na siya," I gritted my teeth.
"Nakakatakot talaga 'yung nangyari kagabi, grabe!" Niyakap ni Noah ang sarili. "Kinikilabutan ako!"
"'Wag niyo na iyong isipin. Kapag may nangyari ulit na kakaiba habang wala ako dito sa bahay ay tawagan niyo ako kaagad. Dadating ako sa oras na hindi niyo inaasahan," sabi ko bago sumimsim sa kape.
"Magte-teleport ka agad, South?" inosenteng tanong ni Isaiah.
Ngumisi ako dito. "Lilipad ako."
Nagningning ang mga mata niya at niyakap pa ang kutsara. "Wow! Isa ka bang Mulawin, South?"
"Hindi."
"Ikaw ba si Ravena?" tanong naman ni Psalm.
What the hell are they talking about?
"Hindi."
"Eh, sino ka? Paano ka makakalipad?" takang-takang tanong ni Peter.
"Ako si Darna."
Nabitawan nila ang mga kutsara at maging mga panga nila nalaglag.
Ang aga-aga ang super OA sila.
"D-darna?"
"I-ikaw si Darna?"
Tumango ako bago sinawsaw sa suka ang tuyong ulam namin. King inang Luzviminda kasi na 'yun, nawili na sa pagluluto ng tuyo na umagahan namin. Tapos na rin pala ang isang linggo na parusa ko sa mga Crane, nagtataka nga ako kung bakit sila naka-survive sa isang linggo na walang tamang-kain. Ano kaya ang pinag-gagawa ng mga tokmol na ito?
"Wow! Ang astig mo talaga, South! Walastik!" Isaiah beamed and gave me a thumbs up.
"Kayo lang dapat ang nakaka-alam ng sikreto kong iyon." Agad silang tumango. Mga uto-uto talaga ang mga tokmol, naniwala talaga.
"Sige, secret lang!"
Umiling ako sa sarili bago tinapos ang pagkain. Bumaling ako kay Genesis bago ako umalis ng hapag-kainan.
"Ayusin mo ang paghuhugas mo ng mga pinggan, Genesis. May nalasahan pa akong sabon sa kutsara."
Inangat niya ang tingin sa akin saka tinignan ng masama. "Tss." Irap nito bago tinuloy ang pagkain.
Tinalikuran ko na sila at kinuha ang bag ko sa sala. "Aalis na ako! I-lock niyo ang bahay kapag umalis kayo!" sigaw ko para marinig nila.
"Okay!"
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...