CHAPTER EIGHTEEN
_
Tama ba 'tong nakikita ko? Hindi ba ako namamalikmata o naduduling? Ang mga Crane ay nandito ngayon sa school ko. Anong ginagawa ng mga tokmol na 'to dito?
Dapat nasa bahay lang sila at naglilinis. Binilin ko sila kagabi habang kumakain kami. They all agreed, pero bilang kapalit ay kailangan ko silang ipagluto ng Spaghetti. Yup, sa kabila ng nangyari sakanila dahil sa luto kong pinakbet ay nais pa rin nilang ipag-luto ko sila ng spaghetti na paborito nila. Hindi naman ako umangal. So last night, we made a deal.
So what the hell they are doing here?
Looking at them, I noticed that they are far from the bunch of idiots I am with on the same roof. These men... are not the crazy Crane. Ang tila maliwanag na bombilya na laging nakapalibot sakanila ay hindi nakasindi. Walang ngiti para sa lahat, walang kislap ang mga mata at walang maingay sakanila. These men radiate an aura that screams power. Hindi ko sila makitaan nang kakulitan at pagiging isip-bata. Their faces were stern, cold, and deadly. Anong nangyari sa mga tokmol na alaga ko?
Nilipat ko ang tingin sa panganay na si Noah nang mapansin ang hawak nitong baseball bat. Saan naman nito kinuha 'yun?
At pansin ko lang ha, bakit ganoon nalang ang reaction ng mga tao pagka-kita sakanila? Everyone tensed and trembling in fear. Para silang may kaharap na mga mababangis na Leon na ano mang oras ay lalapain sila.
"So, kumusta?"
Napatingin ako kay Gab nang magsalita ito. Mukhang hindi na niya iniinda ang pagkakabato sakanya ng bola ng basketball. He looks fine and cool. Ma-angas itong tumingin sa mga Crane na parang naghahamon nang away.
"Eto, mas gwapo pa rin kesa sa'yo." Si Noah ang sumagot. Masama ang tingin kay Gab.
Magkakakilala ba sila?
"Naks! Ayos 'yan! Pero mahirap ang sobrang gwapo wala kang privacy. Believe me, I've been there, until now" nakangising sagot ni Gab.
And now they're bragging about their looks. Hindi ko maintindihan kung bakit sa simpleng palitan ng salita ay mas lalong bumibigat ang atmosphere.
"Sinabi mo pa, maski ang pagkulangot nga ay hindi ko magawa. Ang daming matang palaging nakasubaybay sa akin, eh. Alam ko 'yang pakiramdam na 'yan. I feel you, bro!" Noah flashed his arrogant smile.
Nagkatagpo na ang mga mahahangin na tao. Letche!
"Oh nga pala, napadpad kayo dito? Ang alam ko ay after one week pa ng pasukan ang pasok niyong mga Crane. How come you are all here?" Gab asked with a wide smile.
Sandali... After one week pa papasok ang mga Crane dito, ayun kay Gab. So that means, dito silang lahat nag-aaral?
Schoolmates ko ang mga Crane at hindi ko man lang alam?! WTH?!
"Sandali nga!" sabat ko saka tumingin sa mga Crane. Kumaway sa akin si Isaiah pero hindi ko siya pinansin. Kumindat din sakin si Psalm pero maging siya ay hindi ko pinansin. "DITO KAYO NAG-AARAL?"
Napalunok 'yung apat, pwera kay Genesis na alam ko ng nag-aaral dito. Nang mapatingin ako sakanya ay nakita ko ang masamang tingin niya kay Gab.
"Hehe, oo?" hindi siguradong sagot ni Psalm.
"Ako sa Twinkle Star ako mag-aaral!" Nag-taas ng kamay si Isaiah.
Hindi ko siya pinansin.
"Magkakakilala kayo?" Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa mga Crane at kay Gab.
"Yes? Hehe" si Peter ang sumagot.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...