Chapter 6: Powder

57.5K 3.1K 1.1K
                                    

CHAPTER SIX

_

Sa tanang buhay ko, isa lang ang naalala kong pinakahihiyang nangyari sa akin. And it was when I was in second-year high school. Na-utot ako ng malakas sa kalagitnaan ng General Assembly namin. Lahat ng mga estudyante ay lumingon sa pwesto ko. Buong linggo akong inasar at binansagan pang 'Fart Ranger'. At ngayon, panibagong kahihiyan na naman ang na-experience ko dahil sa magkakapatid na tokmol na 'to.

Wala silang ibang ginawa kundi ang gumawa nang kalokohan. Nadadamay pa ako dahil ako lang naman ang nag-iisang babae na kasama nila.

First day ko palang silang kasama gusto ko nang sumuko agad. They are draining me physically and mentally. Mas malala pa sila sa mga toddlers na walang kain.

"Tangina mo, Peter! Subukan mong maglakad pa dito puputulan na kita ng paa kang hayop ka!" sigaw ni Psalm na siyang nagpabalik sa akin sa realidad. Psalm had a murderous glare on Peter, who keeps on walking on the floor he was mopping.

"Dammit, Noah! Don't fucking sit on that couch!" sigaw naman ni Genesis kay Noah nang umupo ito sa sofa na pinaghirapan pa niyang ibilad sa araw sa labas ng bahay kanina.

"Tangina mo, Isaiah! H'wag mong patungan 'yang lamesa! Kakapunas ko lang!" sigaw ni Peter sa bunso.

Kung nagtataka kayo sa ginagawa nila. Ayan, kusa silang nag-prisinta na maglinis ng bahay. Noong una gusto kong maiyak dahil akala ko tinubuan na sila ng utak pero iyon pala may kapalit nang paglilinis sila. Iyon ay ang ipagluto ko sila ng Spaghetti.

Matapos kaming makaladkad — oo, nakaladkad lang naman kami palabas ng supermarket kanina. At sa sobrang badtrip ko sakanilang lima ay iniwan ko ang mga ito at naglibot ako sa mall nang mag-isa pero ang mga tokmol ay sumunod pa rin sa akin.

Hanggang sa nangyari ang kagimbal-gimbal at nakakahiyang pangyayari.

[FLASHBACK...]

"South, sabi mo ililibre mo ako sa Jollibee?" pangungulit ni Psalm habang nakabuntot sa akin.

Naalala pa pala niya ang sinabi ko. Basta talaga pagkain hindi niya nakakalimutan.

"Jollibee? Gusto ko Jollibee!" Noah exclaimed while bouncing like a kid.

Parang gusto ko na tuloy isipin na si Isaiah talaga ang panganay sakanilang lima. Tahimik kasi ito at panay ang linga sa paligid habang hawak-hawak ang notebook of new knowledge niya raw. Nililista kasi nito ang mga bagay na hindi niya alam o nahihiwagaan siya. Ewan ko kung saan naman niya nadampot ang notebook niya. Lahat ng mga bagay na hindi niya alam ay itatanong nito sa akin tapos ililista sa notebook.

He's weird. Good thing he's cute.

Matanong nga mamaya si Tito Jackal kung nag-aaral ba ang mga tokmol na ito.

"What is Jollibee?" inosenteng tanong niya.

Napabuga ako ng hangin. May tao pa palang hindi nakakaalam iyon? Nagtataka tuloy ako, hindi kaya kinulong ni Tito ang mga anak niya kaya ganito ang epekto sa pag-uutak nila?

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon