Chapter 35: Miracle

39.6K 2K 771
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

_

SOUTH BENEDICTO

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong sumalampak sa sofa. I feel exhausted. Wala naman masyadong nangyari sa araw na ito pero ewan ko ba, parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

"South? Ikaw na ba 'yan?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Isaiah na lumabas mula sa kusina. May hawak-hawak itong itlog na nakadikit pa sa dibdib niya na parang takot na takot itong ma-agaw sakanya ng iba. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Ano 'yan?" kunot noong tanong ko at tinuro ang hawak niya.

Sinilip ang itlog at muling binalik ang tingin sa akin. "Itlog, South. Hindi mo ba alam kung ano ang tawag dito? Dito galing ang manok," sabi niya na tila ang bobo-bobo ko.

Matalim ko itong tinignan.

"Gago, alam ko. Ang ibig kong sabihin ay bakit ka meron niyan?"

"Ah, hehe 'yun pala ang ibig mong sabihin," Nagkamot ito ng ulo. "Bigay ito ni Dodotskie," sabi niya na nagningning pa ang mga mata.

"Dodotskie? Sino naman 'yun?"

"Best friend ko!" Malawak ang ngiti nito, iyong kita na ang gilagid. Lumubog ang mga mata niyang singkit. Para siyang batang ngayon lang nakakita ng lollipop, tss.

"Saan mo naman 'yun nakilala?" takang tanong ko.

Tinuro niya ang utak at tumingin sa itaas na tila may inaalala. Ang tanong, may utak nga ba ito?

"Sa labas ng school. Nagtitinda kasi siya doon. Meron pa nga siyang mga isda na paninda at iba't ibang kulay ng mga sisiw," sabi niya at parang manok na alaga na hinaplos ang itlog. "Binigay niya sa akin si Tiger kasi sabi niya, alam niya raw na maaalagaan ko siya ng mabuti." Niyakap niya ang itlog na hawak at hinalikan pa.

Napangiwi ako. Tiger, itlog? Iluto ko 'yan ng scramble egg, eh.

"Good luck sa pag-aalaga mo diyan," sabi ko. Ngumiti siya sa akin at pinakita ang itlog.

"Baby natin 'to, South, kaya aalagaan natin."

Peste, nagka-baby pa ako ng itlog ng wala sa oras. Hindi makapaniwalang napailing nalang ako. Langya!

"Sige, South. Papatulugin ko pa si Tiger. Diyan ka na muna, ha?" paalam niya saka tumayo. Napanganga ako nang pinag-hele niya pa ang itlog sa braso.

"Lalalala tulog na, Tiger. Lalalala~ baby Tiger, lalalala~" He sings, swaying gently his body while ascending the stairs.

Binagsak ko ang likod sa sandalanan ng upuan. Ibang klase ang utak ng isang 'yun. Iyon ba ang natutunan niya sa Kindergarten?

"Tangina mo talaga, Noah! Hayop ka!"

Bumaling ako sa kakapasok lang sa bahay na sina Noah at Psalm. Mukhang nagtatalo ang dalawa dahil masama ang tinginan nila sa isa't isa.

"Mas hayop ka! Pangit!" sigaw ni Noah kay Psalm at binelatan pa ito.

"Hindi ako pangit! Mas pangit ka! Ang baho ng paa mo!" Psalm fired back with a glare.

Nalukot ang mukha ni Noah, sinilip niya mga paa niya saka binalik ulit ang tingin sa kapatid. "Hindi mabaho ang paa ko! Ikaw ang mabaho! Mabaho utot mo!" sigaw niya. Nag-crack ang boses nito, tanda na naiiyak.

Namula ang ilong ni Psalm saka naiiyak na nagpapadyak. "Hindi mabaho utot ko! Hindi! Hindi! Hindi!" He cried then slumped his body beside me. He looked at me with his eyes bright with tears. "South, mabaho raw utot ko. Hindi naman totoo 'di ba?" pumipiyok na tanong niya.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon