I would like to dedicate this chapter to all silent readers out there. Salamat sa palihim niyong pag-supporta sa story :) Natutuwa pa ako lalo kapag nagme-message kayo sa akin, hahaha!
Keep smiling. It's already 2018, tanggalin na ang mga bad vibes :)
__
CHAPTER SIXTY-SEVEN
NORTH BENEDICTO
Three hours before the wedding.
"Why aren't you still ready?"
Pumasok ang kambal sa kwarto, agad ko silang sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa. They looked dazzling in their black tuxedos, their natural curled hair were perfectly styled to match their twin eyeglasses. No wonder they were indemand in magazines and photoshoots, they looked like Royal boys from Victorian era.
Lumapit sila sa akin, napabuntong-hininga naman ako at tinitigan ang sarili sa salamin.
"I'm stuck between itutuloy ko ba 'to o tatakas na lang."
I want to rebel, run away and never look back but the thought of Dad scares me. Ako ang inaasahang aako ng mga responsibilidad bilang panganay, bilang tagapag-mana ng political expectations. It sucks really. Maraming naiingit sa buhay ko pero hindi nila alam na naiingit din ako sakanila.
This was the moment that I envy my siblings. Walang pressure sakanila bukod lang sa pag-aaral, walang sakit ng ulo, at walang responsibilidad.
I envy freedom but I never regret being the eldest Benedicto. It has pro's and cons, but nevertheless I was blessed with siblings, their love, and support. Hindi ko kayang ipagpalit ang buhay na ito sa kahit na ano kahit gaano pa kabigat ang mga pasanin ko. Responsibilities are expected to a Benedicto, I was just not ready for it. Pero malaki ang tiwala ko kay Daddy, tiyak na hindi naman niya siguro ibibigay sa akin ang ganitong responsibilidad kung hindi ko kakayanin.
Binalik ko ang tingin sa kambal na nagkibit-balikat. "Ikaw ang bahala, North. Ikaw naman ang ikakasal eh. Basta matikman lang namin ang letchon bahala ka na sa buhay mo."
I glared at them. Seryoso, ang dalawang 'to hindi ko alam kung sinu-suportahan ako o wala lang talagang pakialam sa akin! Gosh! Can I take back what I said about their love and support? Honestly, I don't feel any of it.
"Kayong dalawa! If you can't support me then help me think what to do!" I threw my hands in the air exaggeratedly. "Mababaliw na ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko!"
My eyes stung as tears blurred my vision. Agad kong pinigilan ang pagpataka nila dahil una, ayokong magsayang ng luha, pangalawa, isang oras nilagay ang eye makeup ko, at pangatlo, ayokong may namamagang mukha habang naglalakad ako sa aisle.
Poise and make-up were important, even if it was your death sentence.
"Why don't you just trust Ate South plan?"
Matapos paypayan gamit ang kamay ang mga mata ay sinimangutan ko ang dalawa. "You want me to trust her plan? Her stupid plan?"
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...