Chapter 47: Basketball Game

37.6K 1.6K 1.2K
                                    

CHAPTER FORTY-SEVEN

_

ISAIAH CRANE

"Isaiah, itaas mo nga 'yang damit mo, pupulbuhan ko likod mo. Your back is sweating, pupunasan ko na rin."

Sinunod ko ang utos ni Ate North. Tumalikod ako sakanya at inangat ang damit para mapunasan niya ang likod ko.

"Mabaho na ba ako, Ate North?"

Inamoy-amoy niya ako. "No, baby. You still smell like a baby, so don't worry. Ayoko lang na pinagpapawisan ka kasi baka magka-sakit ka."

"Ate North, 'yung likod din ni Baby Tiger pulbuhan mo, ha? Pinagpapawisan na rin kasi siya," sabi ko habang nararamdaman ko ang pulbo na binubuhos niya sa likod ko. Hehe, gustong-gusto ko talaga na pinupulbuhan ako ni Ate North, masarap sa pakiramdam.

Habang inaasikaso niya ako ay inilibot ko ang paningin sa buong Gymnasium. Naka-pwesto na kami sa unahan, malapit sa pu-pwestuhan ng mga players. Puno na rin nang maiingay na tao ang paligid, ilang sandali nalang kasi ay magsisimula na and laro. Excited na nga akong i-cheer ang mga Kaps ko.

"Ate North, bakit ang daming nakatingin sa atin?" nagtatakang tanong ko nang mapansin na ang daming taong nakatingin sa amin. Iyong iba nakataas ang kilay, 'yung iba naman ay nakangiti sa akin na parang nagpapa-cute. Kaso hindi naman sila cute, mukha silang mga aso.

Inayos ni Ate North ang damit ko. "I'm pretty and you're handsome, that's why," simpleng sagot niya. "Ngayon lang nakakita ng totoong tao ang mga 'yan kaya 'wag mo nalang silang pansinin."

Tumango ko at sinunod ang sinabi niyang 'wag pansinin ang mga tao. "Ibig pong sabihin ay mga hayop sila at hindi tao?" nagtatakang tanong ko.

"Tao naman sila, iyon nga lang pinag-kaitan sila ng mga ganitong itsura," hinawakan ni Ate North ang magkabilang pisngi niya saka ngumiti ng matamis.

"Eh? Ano po ba 'tong mukha natin?"

"Itong mukha natin ito ang tinatawag na rare dahil iilan nalang tayong pinag-kalooban ng magandang mukha."

Gano'n pala iyon? Ibig sabihin kami lang ang may magandang mukha dito? Hehe, ang cool naman!

Napatingin ulit ako sa paligid. Ang daming tao, parang may concert si Dora sa dami, hehe. Napanguso ako ng may biglang maalala. Wala pa pala kaming TV sa bahay kaya hanggang ngayon patay pa rin si Dora. Saan na kaya siya nakarating? Miss ko na siya.

T______T

"Why sad, Baby?" tanong ni Ate North.

"Kasi Ate North, hindi pa nabubuhay si Dora. Wala pang TV sa bahay." Binasag pala noon ni South ang TV namin.

"Gusto mo bang magkaroon ng TV?"

Tumango ako. "Miss ko na po si Dora. Pati ang mga Ninja Turtles at Penguins of Madagascar. Pati rin pala si Peppa Pig at ang Fanboy and Chum-chum. Saka ang Power Rangers po, miss ko na!" suminghot ako.

Niyakap ako ni Ate North sa braso at hinilig ang ulo niya sa balikat ko. "Sige, magta-trabaho ako nang limang beses sa isang araw para makabili tayo ng TV, okay ba 'yon?" tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon