This is dedicated to all my readers, mapa-silent man o active. And congratulations you have reached the last chapter of Volume 1.
-naya
CHAPTER SEVENTY
_
GAB CORTEZ
Naalimpungatan ako nang maramdaman na parang may sumasabunot sa buhok ko. My brows creased as I slowly opened my eyes, only to see my little sister, Selendrina. Nasa ulunan ko ito at nang makita niyang nagising na ako ay nanlaki ang mga singkit at cute niyang mga mata.
"You're awake?" She gasped.
"H-hindi...tulog pa ako," I croaked. Nanunuyo ang lalamunan ko, ramdam ko rin ang gaspang sa mga labi ko.
Damn, I need water.
"Mukha nga, Kuya, mukha kang bangungot." she jumps off from my bed. Medyo umuga ang kama sa ginawa niya kaya nahilo ako.
"GISING NA ANG SLEEPING BEAST!" she screamed as she padded out of the room.
Napapikit ako ng mariin sa lakas ng pagkakasara niya sa pintuan. Ang batang 'to talaga. Hindi man lang marunong magdahan-dahan.
Minulat ko muli ang mga mata at nilibot ang paningin sa buong kwarto na kinaroroonan ko. Hindi ako tanga para hindi malaman na nasa Hospital ako. Mula sa IV na nakaturok sa kamay ko, sa maliit na monitoring screen sa bedside table ko at sa benda na nasa dibdib ko, hindi malabong may nangyaring masama sa akin.
But what happened?
My head pounded when a memory flashed inside my head.
Kasal. Sylina. Dauntless. South. Gunshot. Blood. Wowo was crying.
I saved my Wowo, she's safe now.
My head snapped towards the door when it burst open. There stood Ace, Chase, Lance, and Kier. Nakanganga ang mga ito at naiiyak na nakatingin sa akin.
"Oh, mga kupal, naliligaw kayo?" I smirked.
At sa isang iglap lang ay nakadagan na sa akin ang mga kumag. Hindi narin ako makahinga.
"Waaaahh! Buhay ka Best Friend ko!"
"Gabonito namin! Huhuhu!"
"Gaaaaaabb!"
"Fuck you, asshole! You made me cry!"
Sa kabila ng pananakit ng katawan ko dahil sa pagkadagan nila ay hindi ko parin maiwasang mapangiti. Sa kabila ng lahat na pinagdaanan ko, nandito parin ang mga kaibigan ko sa tabi ko.
Natawa ako at napaiyak narin. Mga gungong talaga.
"Tangina niyo, hindi na ako makahinga," I said which made them look at me. Kita ko tuloy ang mga mapupula nilang mata at maging ang tumu-tulong sipon nila. Napangiwi ako.
Isa-isa silang lumayo sa katawan ko, nagpunas ng luha at sipon gamit ang mga damit. Mga gwapo nga pero dugyot naman, psh.
"Damn you, Chase! 'Wag kang sumingha diyan sa pantalon ko!" sigaw ni Kier nang akmang sisingha si Chase sa pantalon niya.
"Puno na kasi ang damit ko. Pa-singha, Lance?"
"Fuck you."
"Ace?"
"Gago."
"Gab, pa-singha lang ha?"
Before I could react, Chase blows his nose on my hospital gown. Napapikit na lang ako sa kagaguhan ng hinayupak na 'to.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...