Chapter 65: Rest in Peace

31.3K 1.4K 1.2K
                                    

MERRY CHRISTMAS!! Yieeee ano handa niyo? Haha, be happy everybody! This is the season to be jolly lalalalala lalalala ~

KEEP SMILING :)

CHAPTER SIXTY-FIVE

_

ISAIAH CRANE

"Row, row, row your boat
Gently down the stream,
Merrily merrily, merrily, merrily
Life is but a dream~"

"Isaiah.."

Natigil ako sa pagkanta at napatingin sa taong tumutusok sa pwet ko. Si Kayla pala.

"Bakit mo tinutusok ang pwet ko, Kayla?" mahina kong tanong. Bawal kasi ang maingay, magagalit si Teacher K.

"Matambok kasi — este wala naman, hehe. Sabay ulit tayo kumain, ha?" sabi niya kaya ngumiti ako at tumango.

"Eto na naman ang mga malalandi."

Napatingin ako kay Selendrina, katulad parin siya ng dati. Palaging may sinasabi kapag nag-uusap kami ni Kayla. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano ang problema niya, hays. 

"Don't mind her, Isaiah. She's just jealous."

Jealous? Selos 'yon 'di ba? Bakit naman magse-selos si Selendrina sa amin?

"Okay, Children! It's time for our Feeding Program!" anunsyo ni Teacher K kaya nagni-ningning ang mga mata namin.

Kyaaaahh! Ayan na ang pagkain!

Mabilis naming niligpit ang mga crayons at coloring book namin. Hihihi, ano kaya ang pagkain namin ngayon? Sana sopas ulit, ang sarap kasi!

Excited kong nilabas ang Dora na mangkok ko at Boots na kutsara. Hihihi, ang cute talaga ng kainan ko. Mabuti na lang pinaalala ko kanina kay South na may feeding program kami kaya nilagay niya sa bag ko ang mga gagamitin ko. Pina-baonan niya rin ako ng Orange juice at nakalagay ito sa Dora and Boots na tumblr. Ang sweet ni South 'di ba? Syempre may baon pa akong sermon sakanya bago ako umalis. 'Wag ko raw dudumihan ang damit ko kasi mahihirapan akong maglaba. Kailangan daw naming magtipid sa sabon dahil mahal na ito ngayon.

"Is Dora really your favorite, Isaiah?" tanong ni Kayla kaya tumingin ako sakanya.

"Oo," Tumingin ako sa dala niyang mangkok. "Si Peppa Pig din ba ang favorite mo?" Tukoy ko sa nakalagay na design ng mga gamit niya.

Ngumiti siya saka tumango. "Yup! I love Pigs ever since!"

"Kaya pala mukha kang baboy, hehe."

Ngumuso siya at mahina akong pinalo sa braso. "Ikaw talaga!" Tumawa ito kaya natawa rin ako.

"Kids! Luminya na kayo! Nandito na ang pagkain!"

*______*

Kyaaaahh!

Tumayo na kami ng mga ka-klase ko at gumawa ng isang linya habang hawak-hawak ang mangkok namin. Napatingin ako sa mga ka-klase ko at hindi ko maiwasang matuwa dahil ako ang pinaka-malaki sakanilang lahat. Hanggang tuhod ko lang ata sila, hihihi.

"Ano ba? Bakit ka ba sumisingit ha, Selendrina?"

"I'm hungry! Move out!"

"Ayoko nga!"

"I said, move out!"

Sa harap ng pila ay nakita kong nagtatalo sa linya si Selendrina at si Dumo, ka-klase naming parang sumo wrestler sa laki.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon