Chapter 17: Seatmate

49.7K 2.3K 913
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

_

"Timog, may masakit ba sa'yo?"

"Timog, gusto mo bang manood ng Tv?"

"What do you want? Tell me and I'll fucking give it."

"South, may gusto ka bang kainin?"

"South, hindi kita iiwan."

Napabuntong-hininga nalang ako at sinandal ang likod at batok ko sa sandalan ng sofa at saka pinikit ang mga mata. Tatlong oras palang simula nang makalabas ako ng Hospital ay hindi na ako iniwan at tinigilan ng limang 'to. They keep on following and annoying me like an effin' dog. Hindi sila tumitigil sa kaka-asikaso 'kuno' sa akin. Nakakairita sila sa paningin. Kakalabas ko palang ng Hospital, nai-stress na naman ako agad.

"Timog, gusto mo bang kumanta ako para mawala ang sakit mo?" tanong ni Noah.

Kumanta? Hmm... hindi ko pa naririnig kumanta ng matino ang mga Crane. Tignan nga natin kung mawala ang stress ko sa boses niya.

Minulat ko ang mga mata saka tumingin sakanya na may umaasang tingin sa akin.

"'Ge, 'pag natuwa ako sa kanta mo may reward ka sa akin" walang ka-gana-gana kong sabi. Extra rice ang reward niya.

Lumiwanag ang mga mata niya, klase ng liwanag na iilaw sa buong Baranggay. Napanguso naman ang apat na kapatid.

"Talaga?! Yeheeey! Sige! Sige!" He clapped like an excited kid on a Field trip. Parang hindi panganay, tss.

"South, kakanta rin ako para kapag natuwa ka, may reward din ako!" sabi ni Psalm.

"Oo nga! Kakanta rin ako!" sabi ni Peter.

"Ako din!" Nagtaas ng kamay si Isaiah.

Tumingin kaming lahat kay Genesis na tila namumutla at hindi makatingin sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Hindi mo ba ako kakantahan din?" I smirked, teasingly.

Tumingin siya sa akin saka sumimangot. "Why would I? Asa ka pa!" asik niya bago padabog na na-upo sa sofang kaharap ko.

I shook my head. Bipolar talaga ang tokmol na 'to. Kanina sa Hospital, akala mo siya ang nurse ko kung umasikaso sa akin. Tinatanong pa niya kung papaano ako mapapasaya, tapos ngayon, tsk, iba rin ang saltik talaga ng isang 'to.

"Kanta ka na nga Noah—oh! Please, no Dora song. Pakiusap, 'wag na 'wag kayong kakanta ng may kaugnay kay negrita kundi papatayin ko kayo!" banta ko sa mga ito nang may nanlilisik na mga mata.

Hindi ko talaga kinaya ang nasaksihan ko kanina sa Hospital. Grabe, hindi ko kaya ang ka-abnoyan nila. Isama mo pa ang mukhang unggoy nilang ama. Speaking of Tito Jackal, umalis na rin ito agad pagkatapos niya kaming ihatid dito sa bahay. Sobrang busy niya talaga.

Noah cleared his throat, getting our attention. Tumayo ito sa harap ko at...teka! Saan naman niya nakuha ang microphone niya?

"Music maestro!" aniya at may pinindot naman si Peter sa music player. Umalingawngaw sa sala ang isang pamilyar na kanta.

Napataas ang kilay ko. Wow, hindi naman siya prepared, 'no?

"I stay out too late
Got nothing in my brain
That's what people say, mmm-mmm
That's what people say, mmm-mmm~"

Sandali nga! Ang kantang 'to, don't tell me... Nakamaang akong napatitig kay Noah.

"I go on too many dates [chuckle]
But I can't make them stay
At least that's what people say, mmm-mmm
That's what people say, mmm-mmm

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon