CHAPTER EIGHT
_
Mabilis ang takbo ng araw. Akalain mong mag-iisang linggo na ako sa mga Crane? Unbelievable, right? Hindi rin ako makapaniwala. Sinong magsasabi na magagawa kong matagalan at pakisamaan ang mga isip batang mga 'to. They are the worst. Pero sanayan sa ugali at pag-iisip lang ang kailangan para matagalan mo sila.
Sa loob ng isang linggo, ganoon ang ginawa ko. Sinanay ang sarili sa mga pagiging baliw nila. Ganoon din sila sa akin.
"Kumusta ka na dito, iha?" tanong ni Tito Jackal.
He's here to check on me. Aniya, titignan niya daw kung hindi ko pa napapatay ang mga anak niya.
"Maayos naman... sa ngayon" napangisi ako sa huli.
Tito Jackal took in a deep breath and I wonder why he's looking at me like he wanted to confess to me or something.
"Tinatanong sa akin ni Gideon kung maayos ba ang lagay mo rito," maging siya ay ngumiwi sa sariling tanong.
Walang buhay akong natawa at nginitngit ang mga ngipin. Syempre, gusto niyang siguraduhin na wala akong ginagawang kalolokan para sirain ang reputasyon niya. Hindi ko sinagot si Tito Jackal dahil alam naming pareho kung anong lalabas sa bibig ko.
Matapos ang sandaling katahimikan ay tumikhim siya. Para sa taong mas double ang edad sa akin, nine-nerbyos siyang kausapin ako. Pinagdikit niya ang dalawang tuhod at tinuwid ang pagkakaupo bago sumulyap sa akin na tila tinitimbang ang shsunod na sasabihin.
"South, there's another order from your father." Nanigas ako at pinigilan ang paghinga. "Gusto niyang ituloy mo ang pag-aaral mo. Naayos ko na ang mga papeles na kailangan mo para mag-transfer sa Abs Univer—"
"No."
He winced and slightly inches away from me as if preparing for the summersault attack from me. Hindi ko siya masisisi kung bakit nanginginig na siya sa takot. Sinabi ng mga kaibigan kong demonyo na mas nakakatakot pa ako sa Satanas kapag nagagalit.
"Wala siyang karapatan na bigyan ako ng isang utos. Hindi niya ako tao, ang papel ko na bilang anak niya ay natapos na nang palayasin niya ako sa bahay. Ang papel niya bilang ama ay natapos na rin nang iuwi niya ang babae niya kakaalis pa lang ni Mommy! Walang siyang karapatan, Tito! Hindi ako natatakot sakanya, sabihin mo 'yan sa pagmumukha niya!"
He flinched, pressing his lips together to stop their wobbling. The corner of his eyes reddened as he fought not to cry and flee from my hateful eyes. He pressed himself at the edge of the couch, and only then I noticed I was towering over him, fists tight on my sides, ready to pounce.
Binuka ni Tito ang bibig para sumigaw pero mabilis niyang tinakip ang isang palad dito at tinanguan ang sarili matapos i-peptalk ang sarili niya. Tumikhim siya at muling inayos ang pagkakaupo bago alanganing kinuha ang nakakuyom kong kamao. Maingat niya itong pinisil.
"Naiintindihan kita, iha. Kahit ako naiinis na kay Gideon pero kailangan mo siyang sundin, or else... " he trailed.
Pagak akong natawa. "Or else, what?"
"He will not let you see your mother."
Kung hindi lang isang tunay na ama ang turing ko sakanya baka nasapak ko na si Tito sa sama nang loob ko. Mariin kong pinikit ang mga mata at malalim na humugot nang hininga. Tinuruan ako ni Vape kung papaano huminga kapag sobra-sobra na iyong bigat ng pakiramdam mo pero nakatulog ako sa mga lesson niya.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.1 ✓
Humor[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud of you. Pero iba ang expectation ng Ama ni South sa kanyang anak. Para sakanya, wala siyang aasahan s...