Chapter 7: Condom Boy

57.1K 2.8K 946
                                    

CHAPTER SEVEN

_

Matapos maglaba ng mga Crane ay para silang mga batang bigla nalang sumalampak sa sahig ng sala at natulog. Mabuti nalang may carpet kaya hindi sila masyadong nalalamigan. Naka-topless ba naman.

"Tangina mo, Psalm! Spaghetti ko 'yan!" pag i-sleep talk ni Noah.

"Mukha kang tae, Genesis!" pag i-sleep talk din ni Isaiah saka sinipa ang mukha ni Peter.

Dumaing ang isa bago yumakap sa katabing si Noah. Natawa ako sa mga posisyon nila. Ang panganay ay naka-unan sa binti ni Genesis. Si Genesis naman ay nakaupo at nakasandal ang likod sa sofa habang tulog. Si Peter ay nakayakap kay Noah. Si Isaiah ay naka-unan sa tiyan ni Psalm na nakadantay naman ang mga binti kay Peter. Kahit sa pag-tulog ang gugulo nila.

A smile crept into my lips. Wala pang dalawang araw na nandito ako pero ang pakiramdam ko matagal ko na silang kasama. Hindi ko pa sila lubos na kilala kahit pa tila mga libro silang mabilis na mabasa, pero mabilis akong natanggap ng mga Crane. Nawala ang pagdududa sa mga mata nila at kung ituring ako isa nang matagal na kaibigan.

There was an unexplainable feeling inside me whenever they were around. Katulad siya sa pakiramdam kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. I felt the sense of belonging, that whoever I am or who I am, the Crane will not abandon me.

Siguro dahil naawa ako sa sutwasy nilang magkakapatid. Wala silang mga ina at kulang ng aruga mula sa kanilang ama. Katulad ko.

Magkakapareho kami ng mga Crane - ah, mali. Mas maswerte pala sila kesa sa akin. Parehas kaming mga walang ina pero hindi katulad ko, mahal sila ni Tito Jackal. Kulang sila ng aruga dahil busy ang ama nila pero ako kahit halos araw-araw kong kasama si Daddy sa bahay, hindi ko maramdaman ang pag-aaruga niya bilang isang ama. Instead I became the prisoner of his wrath. Apat kaming magkakapatid pero sa akin siya mas galit. Sa t'wing nakikita niya ako halos idura niya ako sa paningin niya. Minsan gusto niya akong isumpa, madalas nagsisisi siya na naging anak niya ako.

Maswerte ang mga Crane dahil kahit walang ina - kahit magkakaiba ang ina, mahal sila ni Tito Jackal. Tanggap sila at malaya sila. Hindi katulad ko na kahit wala na sa puder ng ama, ramdam ko pa rin na bilanggo pa rin niya ako. Walang takas.

Huminga ako nang malalim, nilunok ang pait at pinikit ang mga mata. Nang magmulat, tinignan ko ang reseta ng gamot na hawak ko.

Napulot ko ito kanina sa harap ng kwarto ni Isaiah. Mukhang nahulog niya. Tinawagan ko agad si Tito tungkol dito at nakompirma ko ngang kay Isaiah ito. Reseta ng gamot niya at ubos na rin ito. That means I need to buy his meds.

Pambihira talaga!

"I pledged to be a gangster, not to be a babysitter!" palatak ko bago naiiling na nagtungo sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Pagkatapos kong magpalit ng bagong puting shirt ay bumaba din ako agad at naabutan paring tulog na tulog ang mga Crane. Mukhang masyado silang napagod sa paglalaba. Alas kwatro palang naman ng hapon kaya medyo mahaba pa ang oras ko bago magluto ng hapunan namin.

Oo, peste! Anong aasahan ko sa mga Crane? Malamang ako na ang magluluto ng kakainin namin.

Pipihitin ko na sana ang door knob palabas ng pinto nang marinig na magsalita ang isa sa mga Crane.

"South, saan ka pupunta?" boses iyon ni Isaiah. His voice was husky yet still sound innocent.

Hindi niya pwedeng malaman kung saan ako pupunta dahil baka sumama pa ito at imbes na makabili ako ng gamot niya ay sa hospital ko siya ide-deretso kapag tinupak na naman siya.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon